CHAPTER 20

200 23 30
                                    

.

.

Alas nuwebe ng umaga nang magising ako. Inilibot ko agad ang mga mata ko sa kwarto pero wala si Bruce. Dahan-dahan kong inangat ang sarili upang makaupo ako.

Narinig kong pumihit ang doorknob ng kwarto kaya agad akong napalingon. Agad kong tinanong si Bruce kung saan sya galing.

“Goodmorning Bruce, san ka gal-“ natigilan ako at natulala.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Totoo ba tong nakikita ko?

The person who entered the room is not Bruce. It’s Bong.

Holding a bouquet of flowers on one hand and a fruit basket on the other, marahang isinara ni Bong ang pinto gamit ang siko nya.

Hindi ko alam kung tama ito, pero nakaramdam ako ng saya nang muli kong makita si Bong. Syempre hindi ko maaalis ang kaba sa dibdib ko dahil hindi naging klaro ang huli naming pagkikita.

Pero ngayon na nakatayo sya sa harap ko ay na may kung anong kapanatagan akong naramdaman.

“Sara… “ marahang sabi Bong sakin habang nakatitig sa mga mata ko.

“Kamusta ka na? Kamusta ang pakiramdam mo? “ tanong nya pa sakin.

Unti-unti syang lumapit sakin at inilapag ang dala nyang fruit basket sa side table at iniabot naman sakin ang mga bulaklak.

“O-Okay naman ako, salamat dito…” sagot ko naman at tsaka tipid na ngumiti.

Malamlam ang mga mata ni Bong habang tinitignan ang bawat parte ng katawan ko. Ang mga suwero sa kamay ko, ang benda sa ulo ko at mga gasa sa braso ko na tinatakpan ang mga galos ko.

Napalunok naman ako at napayuko. Kita ko sa mga mata ni Bong na sobra nya akong kinaaawaan ngayon dahil sa kalagayan ko.

“O-okay lang ako, hindi ko naman… iniinda ang mga sugat na to” Sabi ko kay Bong na may pilit na ngiti.

Nakita ko namang ngumiti din sya ng pilit.

“Greta told me kung anong nangyare sayo. Sorry kung hindi agad ako nakapunta para dalawin ka. Kauuwi ko lang kase galing Amerika” sabi ni Bong habang hinihila ang isang upuan sa isang sulok para dalhin iyon sa tapat ng kama ko.

“Wag kang mag-sorry, okay lang naman kahit hi-“ agad na pinutol ni Bong ang sasabihin ko.

“I’ve already told you, Sara. I’ll always be beside you. Because I want to. Don’t you forget that, please? “ dire-diretsong sabi ni Bong habang nakatingin ang singkit at malamlam nyang mata sakin.

Saglit pa kaming nagkatitigan. Bahagya akong napapitlag nang umupo si Bong sa tabi ko at hinawakan nang marahan ang kamay ko.

“I feel sorry for I could’ve done anything to keep you safe. I promised myself not to let anything or anyone hurt you. And it breaks my heart seeing you like this, Sara” halos mangilid ang luha ni Bong habang sinasabi iyon sakin.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay nya. May kung anong mabigat na nakabara sa dibdib ko, dahilan para mahirapan akong magsalita. Gusto kong ibuka ang mga bibig ko pero walang kahit na anong salita ang lumalabas duon.

Hinawi ni Bong ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko. Naramdaman ko namang marahan dumampi din ang kamay nya sa benda sa ulo ko.

Tinitignan nya iyon at bakas sa mukha nya ang lungkot at awa sakin.

Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kung anong kaba at saya ang pinaparamdam sakin ni Bong.

Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata nya at ramdam kong nagsisimula ng uminit ang mga talukap ko.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now