CHAPTER 18

195 20 20
                                    

.

.

Hinatid ko na si Sara sa condo ni Bruce. Habang nasa daan ay panay ang sulyap ko sa kanya habang nakaupo sya sa tabi ko. Mukha namang kalmado na sya hindi gaya kanina na mugto ang mga mata nya at medyo maga ang mga labi nya dahil sa kaiiyak.

Gusto ko sanang tanungin sya kung ano ang dahilan ng paghagulgol nya kanina pero pakiramdam ko ay hindi pa iyon ang tamang timing. Hahayaan ko na lang siguro sya na mag kwento sa akin kung gusto nya.

Tahimik kaming naglalakad ni Sara sa hallway patungo sa unit ni Bruce at nang malapit na kami don ay nakita namin si Bruce at Mans na nag-uusap.

Bakas sa mukha nilang dalawa ang gulat nang makita nilang magkasama kami.

“Vicenta, sa… san ka galing? “ nagtatakang tanong ni Bruce kay Sara.

“Sa… bahay, may kinuha lang ako” sagot naman nito sa kaibigan.

Alam kong palusot lang iyon ni Sara. Nakaramdam naman ako ng pagkailang nang makita kong nakatingin sakin sina Bruce at Mans na tila may pagdududa.

“Sinamahan lang ako ni… ni Bong, nakita nya kase ako sa daan so he offered me a ride kanina” agad na paliwanag naman ni Sara nang mapansin din nya ang tinging iyon ng mga kaibigan niya.

“Ferdinand… about what happened earlier nga pala, I-… I’m sorry. I got carried away because of what happened to my sister.” Biglang sambit ni Mans habang nakatingin sa akin.

Pareho naman kaming nagulat ni Sara nang magsalita si Mans.

I didn’t say anything, instead, I offered him a handshake at inabot naman nya ang kamay ko sabay tango. Nakita ko namang bahagyang napangiti si Sara kaya kahit paano ay gumaan ang loob ko ng makita ang ngiti na yon galing sa kanya.

Nagyaya si Mans na lumabas kaming lahat. Gusto raw nya na makabawi man lang sa nangyari kanina.

Tumango naman si Sara kay Mans. Ibinaling ni Sara ang tingin sakin na para bang nahihiya sya at nag-aalangan kung dapat pa ba akong sumama o hindi.

I responded to her with a smile at nginitian nya rin ako.

Sa sasakyan na lang kami ni Bruce sumakay papunta sa isang restobar na, according to Mans, ay tinatambayan nilang magpipinsan.

Nang makarating kami doon ay may agad kaming in-assist ng isang bouncer papunta sa VIP room.

“Guys, this night’s on me ah? Anong gusto nyong orderin? “ sabi ni Mans nang may lumapit na waiter sa amin.

Iaabot ko na sana ang menu kay Sara dahil “ladies first” Sabi nga, pero nang makita kong puro alcoholic drinks ang nasa menu ay natigilan ako at agad na binalik tad ang menu na iyon.

Nakita naman ni Sara ang ginawa kong iyon kaya medyo natawa sya. Bahagya naman akong nahiya kay Sara.

Nang maka order na kaming lahat ay sunod-sunod na taong mula kay Mans ang narinig namin. Kung pano kami nagkakila-kilala, anong ginagawa ko sa debut ng kapatid nya bilang waiter at kung anu-ano pa

Mabuti na lang at si Bruce ang enthusiastic na nagkuwento at sumagot sa lahat ng mga tanong nya. Dahil kung ako ang tatanungin ni Mans ay hindi ko rin sigurado kung ano ang isasagot ko.

Lumalalim ang gabi, humahaba ang kuwentuhan, at napapansin ko na tila hindi mapakali si Sara. Panay ang hawak nya sa braso at hita nya.

Bakit kase hindi sya nagpalit ng damit o kahit nag pantalon man lang?

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now