CHAPTER 36

185 19 12
                                    

.

.

Pilit ko mang lokohin ang sarili ko na panaginip lang lahat ng nangyari, na isang araw magigising ako at babalik sa realidad na okay kami ni Bong at kasama ko sya, pero maging sa panaginip ko ay nakikita ko ang malungkot na mga mata nya nung gabing huli ko syang nakita.

Two weeks and four days. Bilang na bilang ko kung gaano na katagal na hindi nagpaparamdam sakin si Bong. Nagstart na din uli ang klase namin ni Bruce at kung minsan ay napapadaan kami sa La Luna Café. Umaasa ako na isang araw ay matyambahan ko na nakatao dun si Bong para makausap ko sya o makita man lang.

Gabi-gabi pa rin akong napupuyat kakaisip sa kung anong pwedeng maging dahilan ni Bong para bigla na lang syang umiwas sakin. Kapag naaalala ko ang sinabi nyang hindi ko na sya makikita ay hindi ko maiwasang maging emosyonal lalo na kapag ako na lang mag-isa ay nakakatutulugan ko na ang pag-iyak.

"Sara... " tawag sakin ni papa habang pababa ako ng hagdan.

It's 9:00am at nakahanda na akong pumasok. Mula nung umuwi ako ay driver na ni papa ang naghahatid-sundo sakin; utos na rin ni papa.

"Good morning papa. Bakit po?" bati ko naman sa kanya sabay tayo sa harap nya habang sya naman ay nakaupo sa sofa.

"Nakausap ko si Greta. Ang sabi nya ay babalik na daw ang mama mo" walang emosyon sabi ni papa habang nakatingin sa dyaryong hawak nya.

Marahan naman akong napasinghap dahil sa pinaghalong gulat at excitement na nararamdaman ko.

"Talaga po? K-Kelan daw po papa? " tanong ko.

"Hindi ko alam kung anong araw pero this week daw ang balik nya. " sagot ni papa.

Hindi ako nakasagot agad at nanatili lang akong nakatingin kay papa. Suddenly, nag-flashback sakin ang gabing nalaman ko na hindi nya ako totoong anak.

Just thinking about everything he went through before that incident brings back all the pain. It makes me wanna cry and hug him.

Bahagya akong napapitlag nang biglang mag-angat ng tingin sakin si papa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan sa tingin nya sakin.

"About Bong... " seryosong sabi ni papa.

Nanlaki ang mata ko at medyo napasinghap ako ng hangin.

"P-Po? " kinakabahang sabi ko naman.

"Have you talked to him after...?" bitin na tanong ni papa.

"N-No. Hindi... hindi pa po" mahinang sagot ko sabay yuko.

"Mm... I see. I just wanna make sure na hindi maapektuhan ang transactions natin with the Marcoses dahil sa love quarrel nyo ng Bong na yan. " sabi pa ni papa na ibinalik na ang tingin sa dyaryong binabasa.

Agad akong napatungo at na laki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni papa. LOVE QUARREL? The way my father said it was like he's just cool with it. Whaaat???

"Hin- Uhm... Pa-Papa..." utal-utal kong sabi habang mariing napapalunok pa sa kaba.

Nag-angat naman ng tingin si papa sakin at nakakunot ang noo na para bang nagtataka sa ikinikilos ko.

"Si B-Bong po... hindi... hindi ko po sya... " putol na sbai ko pa.

"Really? Well... Kung ano pa man kayo ni Bong, make sure it won't affect our partnership with their company. They've been very good client to us ever since." Sagot naman ni Papa.

Bakit pakiramdam ko ay may alam si papa tungkol samin ni Bong? He talks about him as if it's none of a big deal. As if he never saw me cry that night. Sobrang nakakapagtaka.

After our conversation ay nagpaalam na din ako kay papa para pumasok. Bruce texted me na hihintayin nya na lang ako labas ng University para sabay na kaming pumasok.

Our driver was driving smoothly until I got shocked because of the sudden stop.

"Manong! What happened? " tanong ko sa driver.

"Muntik kase tayong makasagasa Sara. Teka bababain ko lang at baka kung napano" nag-aalala ng sagot naman nya.

Sumilip ako sa bintana ay nakita ko ang isang lalaking nakasalampak sa kalsada kaya kinabahan ako at agad akong bumaba.

"Sir, okay lang ho kayo? Pasensya na ho. E bigla ho kasi kayong tumawid kaya hindi ako nakapreno agad" Sabi ng driver ko.

"Uhh, k-kuya? Are you okay? Are you hurt?" nag-aalalang tanong ko naman.

Nag-angat ng mukha ang lalaking muntik na naming masagasaan at tumingin sa akin.

"I-Im okay... pasensya na kayo mam. N-Nagmamadali kase ako kaya tumawid ako nang hindi man lang nililingon ang kalsadang nilalakaran ko. Sorry ho sa abala" sagot ng lalaki.

Naawa naman ako sa kanya. Mukhang mabait ang lalaking iyon na sa tingin ko ay halos ka edad ko lang din. Kung ibang tao iyon ay baka kung anu-anong masasamang salita na ang narinig namin, pero imbes na magreklamo ay nagpakumbaba sya sa amin at humingi ng pasensya.

I offered to take him to the nearest hospital to make sure na okay sya. Nakita ko din kase na may konting galos sya sa braso pero tinanggihan nya iyon dahil nagmamadali daw talaga sya.

I offered him some money para kahit papano ay makatulong sa kanya pero hindi nya rin iyon tinanggap dahil sya daw ang nakaabala samin at nahihiya daw sya.

Hindi ko na sya napilit pa kaya nagpaalam na sya samin kahit na ayaw ko syang paalisin dahil nga sa galos na nakita ko. Pero bago pa man sya tuluyang makaalis ay kinuha ko ang Contact details nya at ibinigay ko rin ang akin, para kung sakaling kailanganin nya ng tulong ay matatawagan nya ako.

Pagsakay ko muli sa sasakyan ay saglit pa akong natulala. His name is Ferdinand Garcia.

Ferdinand...

Familiar? No. Not just a familiar name. A memorable one.

God, I miss him so much.

N/A: Hi! Sa dami ng masasagasaan, bakit Ferdinand pa ang pangalan? Lalo tuloy Nami-Miss ni little star ang Moon nya Balik ka na Bongeeeet!!!

Kamusta kayo mga ferson? Sana nasa maayos kayong kalagayan at ang buo nyong pamilya lalo na sa panahon ngayon. Mag-iingat po tayong lahat and God bless!

And again, Sayo na nagbabasa ng kwentong ito, MARAMING SALAMAT SAYO! BURGER KA SAKEN! 💕

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now