CHAPTER 37

146 18 23
                                    

.

.

Nakarating ako ng University nang tulala pa din dahil sa nangyaring aksidente kanina at dahil na rin sa kakaisip ko kay... psh never mind.

Bago ako bumaba sa tapat ng gate ay nag text ako kay Bruce na nandon na ako. Pagbaba ko ay sakto namang papunta sya sa kinaroroonan ko at galing sya sa kung saan.

"La Luna Café". Nakasulat iyon sa dalawang baso na hawak ni Bruce. So galing sya sa Café ni... Ugh! Why does the universe always find its way on making me miss that person?! Nakakainis na!

"French Vanilla latte for you, as always Vicenta! " bungad sakin ni Bruce sabay abot sakin ng kape.

"Hindi naman ako... nag pabili nito ah? Ka-Kanino galing to? " tanong ko naman sa kanya.

"Eh bigla kasi akong nag-crave for coffee eh. Tsaka anong kanino galing? Malamang sakin! Naisip ko kasi na bilhan ma na din ng coffee bago tayo pumas-" natigilan si Bruce sa pagsasalita at mariing tumingin sakin habang nakataas pa ang kilay.

Kunit-noo ko naman syang tinignan.

"Ay bakit?! May ine-expect ka pa bang ibang tao na magbibigay sayo ng kape? Ha? Vicenta?! " mataray na tanong ni Bruce sakin at alam ko kung ano o sino ang tinutukoy nya.

"Wala no! Halika na nga! Umagang umaga ang pangit agad ng bungad ng araw sakin! Hay nako pumasok na nga tayo! " inis na sagot ko naman.

Inirapan lang ako ni Bruce sabay higop sa kapeng hawak nya. Para tuloy nawalan na ako ng gana na inumin ang kapeng binigay nya.

Pagpasok namin ni Bruce sa second subject namin ay nakita namin si Mans na nakaupo sa usual spot namin sa bandang likuran. As usual ay hindi nya pa rin ako pinapansin. Hindi ko naman ipinipilit sa kanya na kausapin ako dahil alam kong ako ang may kasalanan sa nangyari kaya naghihintay lang ako ng araw kung Kelan pwede na akong magpaliwanag at humingi ng tawad sa kanya ng personal. Sa ngayon ay puro iwas-tingin at ilang an lang ang nangyayari between me and Mans. At sobra akong nalulungkot dahil don.

After ng klase namin ay saglit pa kaming tumambay ni Bruce sa labas ng University at nai kwento ko nga sa kanya nangyari kanina tungkol sa lalaking muntik na naming mabunggo.

"So... hindi nya tinanggapq yung tulong mo o kahit yung pera man lang? " tanong ni Bruce.

"Nope. Pinipilit nya na okay lang daw sya at hindi daw namin kasalanan yung nangyari. Tsaka nagmamadali din daw sya kaya hindi ko na pinilit. But atleast I got his contact details naman so if anything comes up, or kung may natamo man syang injury dahil sa nangyari kanina, I'll be able to help him." Sagot ko naman.

Nang matapos ang kuwentuhan namin ay agad na rin akong nagpasundo sa driver ni papa. Gusto sana akong ihatid pauwi ni Bruce kaso may lakad daw sya. Mukhang may bago na namang boylet ang bff ko.

It's 6:30pm nang makauwi ako sa bahay at naabutan ko si papa na nasa front yard namin at may ginagawa sa laptop nya. Nilapitan ko sya at nagmano.

"Good evening po Papa." Bati ko sa kanya.

Inangat nya ang tingin sakin.

"Kinwento sakin ng driver natin yung nangyari sa inyo kaninang umaga. Hindi ka man lang tumawag sakin para ipaalam na muntik ka na namang na aksidente? " medyo galit ang tono ni papa.

Mariin akong napalunok dahil sa kaba.

"O-Okay lang naman po ako papa. Actually, mas nag-aalala nga po ako dun sa lalaki na muntik nam-" pinutol agad ni papa ang sasabihin ko.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now