CHAPTER 3

184 19 3
                                    

.

.

The sound of pouring rain and thunder woke me up. Agad kong kinuha ang phone ko sa pag-aakalang late na ako sa klase ko pero nakita kong Sunday ngayon at walang pasok.

Kumalma naman ang loob ko at napakusot pa sa aking mata bago bumangon sa kama para mag hilamos.

Bumaba na ako at nakita si mama na nakaupo sa kusina. Open ang isang side ng kitchen namin kung saan tanaw mo mula doon ang sala.

Pinuntahan ko si mama para mag-good morning at nakita kong may hawak syang folder at logbook. Malamang ay records iyon ng meatshop.

Usually kase, gumigising akong mag-isa na lang sa bahay dahil maagang umaalis sila mama at papa. Si mama ay pumupunta sa meatshop. Habang si papa, hindi naman alam kung saan sya nagpupunta. Minsan ay sabay sila ni mama na pumupunta sa meatshop para mag-monitor ng mga produkto namin at ng mga tauhan.

But this day wasn’t as expected dahil nga malakas ang ulan.

“Sara, kumain ka na ng almusal. Wag ka ka nang magtira para sa papa mo dahil malamang ay hindi rin naman yan kumain. Para sa atin lang dalawa ang hinanda kong almusal kaya ubusin mo na yan. “ Sabi ni mama habang tuloy pa rin sa ginagawa.

Tumango ako at pumunta sa ref para kumuha ng gatas. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang sala namin at doon, nakita ko si papa.

Nakahilata sya sa sofa at sa palagay ko ay suot pa din nya ang damit nya mula pa kahapon. Navy blue na polo ay among pants. Nakamedyas pa din sya habang nakasalampak sa sofa kaya naisip kong malamang ay umuwi na naman sya ng dis-oras ng gabi at lasing.

Gawain na ito ni papa. Kung noon ay inaasikaso pa sya ni mama kapag galing ito sa inuman, ngayon ay hinahayaan na lang sya nito. Siguro ay napagod na lang din si mama dahil palaging ganito na lang ang ginagawa ni papa.

Nang matapos akong mag-almusal ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan ko.

“Kapag medyo tumila na ang ulan ay magbihis ka, samahan mo ako sa meatshop natin. Sooner or later ay tutulungan mo na kami ng papa mo na patakbuhin ang negosyo natin. Kaya nga Business Management ang pinakuha kong kurso sayo, hindi ba? “ dinig kong sabi ni mama habang magkatalikod kami.

“Opo. Sige po mama” sagot ko naman habang naghuhugas ng mga pinggan sa lababo.

Matapos kong maghugas ay muli akong bumalik sa aking kwarto. Habang pa akyat ako ng hagdan ay napansin kong nakatingin si mama kay papa habang napapailing. Nilingon ko naman si papa na hanggang ngayon ay mahimbing pa ding natutulog sa sofa bago ako tuluyang umakyat.

Nagpahinga lang ako saglit at naligo na rin. Bago magtanghalian ay tumili din ang ulan kaya naman nagbihis na ako at bumaba. Nagsuot lang ako ng pink na polo shirt, denim pants at black na rubber shoes.

Naghintay ako sa sala hanggang sa madinig ko si mama na pababa na rin. Nakabihis na rin sya at hawak nya ang susi ng sasakyan.

While on our way, nag vibrate ang phone ko. I checked it and it’s Bruce.

Message from: BruceKoDay

          Bakla! San ka? Come on in out of the rain na daw sabe ni mareng Sheryn Regis!! Tara lafyuk tayis?”

I immidiately replied to his message.

Reply to: BruceKoDay

            Sis, hindi ako pwede ngayon eh. Sinama ako ni mama sa meatshop. Alam mo na, tagapag-mana hahaha charr. Di ko sure kung anong oras kami makakauwi eh L

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now