CHAPTER 17

138 17 9
                                    

.

.

Ilang araw din akong na-busy sa trabaho at syempre sa pagtulong ko kay Dad. After that ay ang sariling business ko naman ang inasikaso ko.

Ngayon nakaschedule ang monthly auditing kaya nagpunta ako ng La Luna. Nang araw ding iyon ay nandun si Sara, si Bruce at… si Mans.

Nang pumunta na si Sara dito sa counter ay agad ko syang sinalubong ng ngiti.

“Good afternoon mam. May I take your order? “ bati ko kay Sara.

Heto na naman ang mga ngiti nyang nakakatunaw at ang mga mata nyang nagniningning.

Matapos syang mag-order ay bumalik na rin sya sa table nila ni Bruce.

Ipadadala ko na lang sana ang order nila Sara sa table nila nang makita kong tila seryosong nag-uusap ito at si Mans. Nagkangitian sila and wait… what? Did he just held Sara’s hand???

“FRENCH VANILLA LATTE FOR SARA! “ malakas na sigaw ko habang pakunwaring hinahanap ang table nila Sara.

Sa lakas ng boses ko ay nagulat ang ibang customer na malapit sa counter. Kahit naman ako nagulat sa inakto kong iyon.

Biugla na lang kase akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko nang makita kong hinawakan ng lalaking yon ang kamay ni Sara.

Itinaas naman ni Sara ang kamay nya, na kanina lang ay hawak ni Mans, para tawagin ang atensyon ko.

Agad naman akong tumungo sa table nila dala ang mga Orders nila.

“Here you go, Sara! French vanilla latte for you and sir. And of course Caramel Machiatto for Minerva” nakangiting sabi ko.

Nagkatinginan sina Sara at Bruce at basa ko sa mukha nila ang pagtataka. Gusto kong matawa sa reaksyon nila, lalo na ni Mans, pero pinigil ko ang sarili.

Tumingin naman sakin si Sara habang nakakunot ang noo nito. Alam kong nagdududa sya sa ginagawa ko but what can I do? Kung hindi naman masyadong presko ang lalaking kasama nya, na talagang sinasadyang hawakan pa ang kamay nya, ay hindi ko rin naman ito maiisip na gawin.

Nagseselos ba ang isang Ferdinand Marcos Jr. ABA SYEMPRE NAMAN!

Finally iniangat ni Mans ang tingin nya sa akin when he recognized me.

“Ferdinand? Yeah it’s you. Isa ka sa mga waiter nung debut ng kapatid ko. Dito ka na nagtatrabaho? I hope hindi kayo tinanggal ng boss nyo dahil dun sa kapalpakang ginawa nung isa nyong kasamahan. Napaka-clumsy naman kase at talagang ipinaglaban pa nya nag-sorry naman daw sya ng maayos tsk! What a stupid reason.” Sabi ni Mans sabay higop sa kape nya.

Aba’t! Talagang may pagkatabil ang dila ng isnag to. Anong karapatan nyang tawaging istupido ang empleyado ko?!

“Ah no, of course not. Nobody got fired. I actually talked to them about what happened and sanay naman na kami sa mga ganung pangyayari which is hindi naman talaga maiiwasan. We’ve had worst experience than that. At bilang BOSS nila, sinabihan ko na lang sila na mag doble ingat sa susunod para walang aberya. “ diretcho ng sagot ko.

Talagang in-emphasize ko ang word na “Boss” para ipamukha sa Mans to kung sinong kausap nya.

Hindi ako may abang na tao. Pero kung ganito kaarogante ang kausap ko ay hindi ako nagdadalawang isip na ipakita ang pagiging Marcos ko.

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa at ang tensyon din na nararamdaman nina Sara at Bruce na kapwa na laki ang mga mata nang sabihin ko iyon.

Hello, My Moon! 🌙Where stories live. Discover now