"Miss!" habol ko sa kaniya, ang bilis maglakad! Akala ko kapre lang, mala ostrich din pala, kidding hehe.

"Maa'aaam!" tawag ko pa, kaya huminto siya, 'yon.

"Ugh, why are you following me?" napangiti naman ako.

"Follow your dreams nga raw po sabi ni dad." Blanko lang siyang nakatingin sa akin, pero sanay naman na ako, halos araw araw ba naman, I just gave her my smile habang nakatingingala, tangkad.

Pero tumalikod lang siya uli at umalis na, you really pissed her off, Rai.

★★★

"Bye, Rain, Nat and Eleven." Paalam ni Cassidy sa amin, I wave my hand.

"Alis na rin ako, Nat and Rain." Sabi ni Onse, tumango naman ako.

"Ikaw Natalie?" tanong ko sa kaniya.

"Parating na rin driver namin, you can go ahead na." Sabi niya at ngumiti, nginitian ko rin siya. Palakad na ako papunta sa parking lot, I check the time, it's 5 p.m

Nang makarating ako sa parking lot nakita ko si Ma'am na pasakay ng kotse. Agad ko binilisan ang lakad ko para maabutan siya. Nang makarating na ako sa tapat ng sasakyan niya, agad akong pumasok sa loob hehe.

"What are you doing here? Get off!" halatang naiinis siya at tinataboy ako.

"Makikisakay po, wala akong dalang sasakyan." Kahit meron, nginitian ko lang siya at napadako siya sa kamay ko kaya agad ko tinago, hawak-hawak ko pa pala susi ko!

"Rainiel." Pagbabanta niya pero hindi ko pinakinggan, may nakita naman akong dumaan.

"Pst, bata," tawag ko sa kaniya lumingon siya sa direksyon ko at lumapit kaya binuksan ko ang pinto.

"Gusto mo kotse? Ito susi." Sabay abot ko alam kong nagtataka siya pero sinarado ko na agad. Tumingin naman ako sa katabi ko at ngumiti ng malaki.

"Iyan, Miss, wala na 'kong kotse, hehe pwede mo na 'ko isabay." Tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala at saka siya umiling.

Hindi naman talaga susi ng sasakyan ko 'yon, nadampot ko lang.

Akala ko ihahatid niya 'ko pero dumiretso kami sa isang exclusive subdivision, pero syempre hindi na 'ko nag reklamo at nanahimik nalang, halatang pikon na pikon na sa akin ang kasama ko.

Huminto kami sa isang bahay, two-storey house, visible sa loob pero naka sara naman ng kurtina, ang ganda. Nauna na siyang bumaba, hmp iniwanan ako kaya sumunod na rin ako.

Hinabol ko naman siya, may pa fingerprint bago bumukas. Pagkapasok niya automatic na bumukas ang ilaw. Modern na modern, may chandelier. Umupo ako sa couch niya at siya naman hindi ko alam kung saan pumunta, basta pumasok sa loob.

Naglakad ako at tumingin sa mga pictures na nakasabit sa wall. Tatlo sila puro naka black, kahit sa picture seryoso siya. Dito naka pang sundalo siya, sabagay naalala ko sinabi ni tito noon sa akin.

May nakita naman akong cabinet kaya nilapitan ko, ang daming trophy, medal at award, tatlong cabinet puro puno! Hindi ko maiwasan mamangha.

Ang swerte kung sino magugustuhan ni Ma'am, pero totoo nga ba 'yong sinabi niya noon na may BF siya? Kasi kung oo, he's lucky. Bakit parang nasaktan yata ako? I brushed out my thoughts.

Pero wala yata ako nakitang picture ng family niya? Bumalik na ako sa couch at umupo, hinintay ko lang si ma'am. Ilang minuto bumalik na rin siya pero hindi pa rin nagbibihis.

"Ang dami niyo po palang awards." I said, may dala dala siyang juice at binigay sa akin bago umupo.

"Miss?" tawag ko sa kaniya pero nagbabasa lang siya ng magazine.

"Totoo po bang may boyfriend na kayo?" tanong ko, gusto ko lang makasiguro! Napahinto naman siya sa pagbabasa at tumingin sa akin.

"What do you think?"

"Wala, wala kasi kayong picture." Sabi ko, totoo naman, puro tatlo lang sila ang nakikita ko, naka crossed arms naman siya, hot.

"Hindi nga? Meron?" pamimilit ko pa, pero nakatingin lang siya sa akin.

"Wala." Plain lang niyang sagot, wala. Napangiti naman ako ng palihim, sabi niya meron!

"Sabi niyo po meron!" reklamo ko.

"I was just joking."

"Ano po ba type niyo?" tanong ko habang umiinom, nakatingin pa rin siya sa akin, ang ganda niya.

"Look at yourself in the mirror, you have dirt on your face." sabay inabutan niya 'ko ng salamin at umalis siya, agad ko naman tinignan mukha ko, wala naman maliban sa kagandahan ko. Napanguso ako.

★★★

"Thanks, Miss, see tomorrow." I said and hugged her, ramdam kong nabigla siya.

"R-Rainiel." Nauutal niyang sabi at kumalas naman ako at nag peace sign.

"Goodnight, Miss." I said at nginitian siya.

"Same to you." Dagot lang niya kaya napabusangot ako, ganda talaga kausap. Great! Wala akong sasakyan, ano gagawin ko? I te-text ko nalang driver namin.












"It feels magical when I'm with her."

Deceive MeWhere stories live. Discover now