Chapter 9

15 0 0
                                    

Paggising namin ni Missy ay nasa kusina na si Art at Avecila. Nagtitimpla ng kape si Avecila sa dining habang si Art ay nagluluto.

Maaga pa ngunit gumising kami agad dahil may training pa sila Avecila ngayon. Buti na lang medyo humina na ang ulan ngayon pero madilim pa rin sa labas.

Nagbanyo lang kami ni Missy. Paglabas ko galing doon ay hinihintay na nila ako. Umupo ako sa tabi ni Avecila. Agad niyang nilagyan ng fried rice ang plato ko.

"Do you want these?" Tanong niya. Pagkatapos kong tumango ay roon niya pa lang nilagyan ng bacon ang plato ko. Nilagyan niya rin iyon ng cheese sauce na ginawa ni Art.

"Is your ankle okay? I-cold compress ulit natin." Sabi ko at sinilip iyong pilay niya.

"Nag-cold compress ako kanina. Kaya nga ang gulo ng bandage." Pinakita niya iyong bandage na hindi gaanong maayos pero okay naman.

"Hindi ka ba talaga magpapa-check up, bro? Baka mamaya may nag-crack na buto. Hindi ka naman nagpa-x-ray sa clinic, eh." Singit ni Art.

"I can feel that my foot's doing fine, Art. Kaya ko na ngang maglaro sa lagay na 'to."

"Hindi pa pwede." Sabi ko. Narinig ko ang munting halakhak ng dalawang lalaki.

"Laro ulit tayo ng scrabble o uwi na kayo? Umuulan pa." Pagbabago ni Missy sa usapan.

"We'll stay until before lunch. Okay lang ba 'yon?" Si Art.

"Ayos lang. Wala namang gagawin. Supposedly, magre-review ako pero hinihila lang ako ng kama ko." Sabi ko at sinubo ang kanin na may bacon sa taas.

"May exam kami dapat kahapon, eh. Hindi pa ako tapos mag-review kaya buti at hindi natuloy dahil walang pasok." Kwento ni Missy.

Napatalon ako sa aking kinauupuan nang maramdaman ang kamay ni Avecila sa mukha ko.

"May kanin," sabi niya at pinakita sa akin ang kanin na nakuha niya mula sa pisngi ko. Ngumiti pa siya kaya mas lalo akong namula. What the hell.

After lunch, hindi ko na maalis sa isip ko si Avecila. He's poisoning my mind and I can't help but to smile. Para tuloy akong tangang kagat ang labi habang nakatitig sa kisame.

Delikado na ako.

Tumayo ako at umupo sa harap ng study table. I need to divert my attention to other things… to more important ones! Hindi roon sa nakakabaliw!

I opened my notes and realized… nakakabaliw rin naman pala 'to. Kaya napagdesisyunan ko na lang manood ng k-drama.

Kinabukasan sabay-sabay kaming nag-lunch ng mga kaklase ko sa cafeteria. Everyone was noisy and was having fun, excluding us.

"Sa gym daw tayo magme-meeting mamaya sabi ni Ma'am. Nakakainis! Ang dami masyadong ganap." Reklamo ng kaklase ko. Pinatong niya ang pagkain sa lamesa at umupo sa harapan ko.

"Ang dami nating pendings. Hindi ko pa nga nagagawa 'yong sa intermediate programming. Akala siguro nila madali." Reklamo naman ng isa pa.

They're ranting while we eat. Hinayaan ko lang sila. Pagod din ako sa dami ng quizzes kanina. Feeling ko punong-puno na utak ko at konting kibot lang ay sasabog na 'yon.

Mahirap naman din kasi talaga. Marami masyadong ginagawa. Tapos mamaya ay dadagdagan ulit para sa school fair. Siguradong may mga booth doon tapos kailangan pang mag-participate sa mga activities.

"Kahit maraming ginagawa, attend kayo sa birthday ko ah! Inuman 'yon kaya talagang makakalimot tayo."

"Kailan ba?" Tanong ko naman.

Cut The CameraWhere stories live. Discover now