Chapter 2

15 0 0
                                    

"Ikaw ah! Deny lang nang deny!"

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Avecila o maiinis, eh. Nakapasok ako ng classroom dahil sa kaniya, salamat! Naulanan naman ako ng tukso pagkatapos dahil akala ng mga kaklase ko ay hinatid niya ako rito. Nakakainis talaga!

"Madam! Alam kong pareho tayo ng schedule today kaya sama ka sa 'kin!" Napasimangot ako nang makita si Missy sa labas ng room ko. Balak ko sanang tumambay ulit sa library, eh!

"Saan ka na naman gagala?" Tanong ko at hinayaan siyang ipalupot ang braso niya sa braso ko.

Kahit hirap na hirap ako sa kaniya ay kinuha ko pa rin ang cellphone ko sa bulsa para mag-video. Tatapusin ko na kasi mamaya ang ine-edit kong vlog para ma-upload na.

"Hi, guys! Kinikidnap ko ngayon si Lyanna." Daldal ni Missy sa camera. "Pupunta kami sa basketball court dahil sabi ng jowa ko hindi siya makakalaro kung wala ako—"

"Napaka-corny mo, Missy! Isasama mo pa talaga ako!" Inis na sabi ko. Bukod sa nararamdaman kong inis ay bigla akong kinabahan. What if nandoon si Giovanni? O kaya ay si Avecila? Jusko! Lagi na lang kaming pinagtatagpo ni Avecila kung sakali!

"Libre kita mamayang dinner, promise! Sabay ka sa 'min ni Art." Napairap ako pero natawa kinalaunan. Unang beses ko kasing ma-me-meet ang jowa ni Missy. Bago pa lang naman sila, kaya siguro kilig na kilig pa 'tong isang 'to.

"Gagawin mo pa akong third wheel." Pagbibiro ko.

"Hindi 'te! Magsasama tayo ng isa pang kakampi niya. Ipapakilala kita! Okaya kay Avecila kung gusto mo, ayiee!" Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko. Umirap ako pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kaharutan niya.

Marami ring estudyante nang makarating kami sa gym. Humanap kami ng pwesto ni Missy na hindi medyo malapit, hindi rin naman kalayuan mula sa mismong court.

Kinuhanan ko lang ng clips iyong mga nag-wa-warm up na players habang nagk-kwentuhan. May ibang nagsho-shooting pa.

Nahagip ng tingin ko sa Avecila na may hawak na bola, dini-dribble iyon. Katabi niya ay isa pang Avecila.

"Alin diyan ang bet mo, madam?" Tanong ni Missy sa gilid ko at itinuro ang dalawang Avecila.

Ang isang Avecila (ang ngayon ko lang nakita) ay mas maputi kumpara kay Avecila (na madalas akong pakielaman). May itim na buhok ang isa, habang ang isa ay may kulay brown na buhok. Halos magkasingtangkad lang sila at magkamukhang-magkamukha, lalo na ang mga mata nilang singkit. Kahit sa malayo ay alam mo nang magka-iba ang awra nila dahil grabe makangiti ang isa habang ang isa ay serious face lang.

"'Yong isa, si Jalen ay graduating na. Si Ian naman, iyong mas bata, ay second year, katulad mo." Tinawanan niya lang ang reaksyon kong inirapan siya. "'To naman! Nagsu-suggest lang, eh."

"Wala naman akong sinasabi!" Tanggi ko.

"Oh talaga? Maldita ka lang talaga?" Pabiro ko siyang hinampas bago nagsimulang kumuha ng clips dahil pasimula na ang laro.

Nakita kong nilibot ni Avecila ang paningin niya kaya nagtama ang mga tingin namin. Kumunot ang noo niya nang makita ako. Bumaba pa ang mga mata niya sa cellphone kong kumukuha ng video ngayon.

"Ano ba 'yan! Puro kay Jalen ang puntos ng team niya!" Reklamo ni Missy sa gilid ko. "Hoy Art! 'Wag mo nang ipasa! I-shoot mo nalang kahit hindi nakaka-shoot!"

Patuloy lang akong kumukuha ng video. Kinuhanan ko si Missy na todo cheer kay Art. Mga kapwa namin estudyanteng nagsisigawan sa kabilang banda. Pati na 'yong mga coach na turo nang turo sa mga players.

Sinusubukan ko ring ipakita ang bola sa video kaya palaging kasama si Avecila sa clips. Paano ba naman, siya lagi ang may hawak ng bola. Sa kabilang team naman ay iyong kapatid niya.

Cut The CameraWhere stories live. Discover now