Chapter 5

14 0 0
                                    

If Missy didn't wake me up siguradong mamayang hapon pa ako magigising. It's Sunday, of course! It's supposed to be our day to rest. Pero dahil nag desisyon si Art at si Missy na lumabas ngayon… kasama si Avecila… ay wala tuloy akong choice kung hindi bumangon.

"It's 9:30 in the morning. You have at least 2 hours to prepare." Salubong sa akin ni Missy paglabas ko ng kwarto. She's putting a plate of fried rice on the table. "Pupunta sila Art dito ng around 11 daw."

Pagkatapos magpunas ng mukha sa towel ay lumabas na ako ng banyo, bagong toothbrush at hilamos. Lumapit ako sa dining table kung nasaan si Missy, kumakain na. Kunot noo niya akong tinignan.

"Ano?" Tanong ko dahil hindi niya ako nilulubayan ng tingin.

"Napanaginipan ko kayo ni Jalen." Makahulugan niyang sabi habang nakangiti. Umirap lang ako. Dinampot ko ang tinidor at tinusok ang chicken hotdog na niluto ni Missy.

"Tigilan mo 'ko sa mga ganiyan mo, madam."

"Seryoso nga! Ang saya-saya mo pa nga, eh! Sa Baguio 'yon tapos magka-holding hands kayo habang kumakain ng strawberry champorado." Malisyosang kwento niya.

"Nako! Wala lang 'yang panaginip mo. Hindi 'yan totoo." Sabi ko at nilagyan ng fried rice ang plato ko, binabalewala si Missy.

"Malay mo lang! Tandaan mo, malakas ako sa panaginip… at kay Lord." Ngumiwi ako sa sinabi niya. Ilang beses niya pa lang ako napanaginipan pero lahat ng panaginip niya ay nangyari… Minsan napapaisip ako kung tao ba talaga 'tong si Missy eh.

"Oh… shut up."

Hindi pa ako tapos kumain ay tumayo na si Missy upang makaligo na. Para pagkatapos kong kumain ay ako naman, hindi gahol masyado sa oras.

"By the way, magdadala ata ng sasakyan si Jalen kasi hindi sila same route manggagaling. Si Art kasi galing sa school tapos si Jalen sa opisina nila." Tumango ako kay Missy na kakalabas lang ng banyo. Ako naman ang pumasok doon.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Missy at Art sa sala. May hawak na hairdryer si Art at pinapatuyo ang buhok ni Missy. Nakaupo si Art sa sofa habang si Missy ay nasa floor.

"Papunta na si Jalen, Lyanna." Sabi ni Art. Tumango ako at hinayaan na sila roon. Grabe naman! Pati pala pagpapatuyo ng buhok ay dapat by pair na!

While I was doing my makeup, hinayaan ko lang hanginan ng aking electric fan ang buhok ko para mabilis na iyong patuyuin mamaya. I usually do my face first before my hair. Usually naman kasi ay hinahayaan ko lang iyong nakalugay. 

After 30 minutes, I'm still picking what look I should achieve so I'm still stuck on what to do with my eyeshadow. I also set up my camera so I can include the look on this trip's vlog.

I decided to do a fresh look since I just need a couple of minutes to achieve the look. Missy is already shouting from the living room. I can also hear Art and Avecila's laughs.

"Madam, matagal ka pa? Mauuna na kami. The SM tickets system is down. Hindi kami makakuha ng tickets online. We're going now to secure ours." Wala akong nagawa kung hindi tumango. "Jalen's waiting for you. Bilisan mo." She added.

Missy was the one who arranged the activities we'll do today. All I know is that we'll watch a movie first. Nagse-secure sila ng ticket dahil siguradong punuan sa sine. Bukod kasi sa Sunday ngayon, kilala talaga ang movie pati na ang mga gumanap. Talagang inaabangan ng lahat. Today is it's 3rd day since it was released kaya siguradong marami pa ang hindi nakakapanood.

"You're done?" Tumayo si Avecila mula sa pagkakaupo sa aming sofa. Tumango ako at inayos ang shoulder bag.

"Tara na," yaya ko dahil nanatili lang siyang nakatayo roon, nakatingin na sa akin. Iwinagayway ko ang aking kamay sa tapat ng mga mata niya dahil mukhang nawala siya sa sarili.

Cut The CameraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon