Prologue

22 0 0
                                    

I run my fingers through the brushes on the table before picking up the one I usually use. Nilagyan ko iyon ng produkto bago inilapat sa aking pisngi. I smiled a little bit so I can do my blush properly.

"Luto na ang kimchi rice mo, madam." Rinig kong sabi ni Missy. Agad din siyang tumalikod at humagikhik dahil may kausap sa kaniyang phone. Ang harot talaga.

Napasimangot ako nang maalalang kakain muna pala ako. Dapat ay hindi na muna ako naglagay ng lipgloss! Siguradong mabubura lang iyon habang kumakain.

Lumabas na ako ng kwarto dala ang tripod kung nasaan ang aking camera. Ipinatong ko iyon sa lababo, tapat ng dining table para makuhanan ako habang kumakain.

"Wha— kinabahan ako roon ah!" Halos malaglag ang puso ko nang muntik nang mahulog ang camera dahil hindi pantay ang pagkakalapat ng tripod. Hindi ko napansin na may piraso pala ng bawang kaya nawala ito sa balanse.

Gosh! Wala akong pambili ng bagong camera. My camera was a gift from my mother. She's working at Dubai for— I don't know. 8 years? 9 years? 10 years? Basta since I was a kid! She rarely go home at ako naman ay walang pera panglipad papunta roon kaya hindi kami madalas magkita. Ang last kita pa ata namin ay 4 years ago. Well, tumatawag naman siya, madalas ay text, dahil busy rin sa trabaho samantalang ako ay busy sa pag-aaral kahit hindi naman ako kagalingan doon. Arts lang naman ang dahilan bakit ako pumapasa kaya thank God pa rin at nakakaraos.

"Hi, guys! It's Missy! Welcome back to Lyanna's channel!" Sigaw ni Missy at tumapat pa sa camera. Tinignan ko siya nang masama.

"I'm trying to take peaceful clips, Mishel. Lumayas ka rito." Pabirong sabi ko at umupo na sa plastik na upuan para kumain.

"Guys, kita niyo 'yan, ha? Ganiyan talaga ang ugali niyan! Pagkatapos kong lutuan, papalayasin ako?" Pakikipagusap pa niya sa camera. "Kaya kung ako sainyo… subscribe na! Road to five thousand subscribers na tayo, guys! May pa-give away kami pag umabot na ng 5k!"

"Ang daldal mo, madam! At ano namang pa-give away natin? Wala na tayong bigas, oy! Bawal muna gastos this week."

"Activities ang ipapa-give away ko, bhie! Ang dami ng school works." Reklamo niya at umupo sa harap ko. Binuksan niya ang laptop niya ata nagsimulang magtipa. "Huh? Bakit bawal gastos? 'Yong allowance natin?"

Nginuya ko muna ang kinakain at nilunok bago ko siya sinagot. "Nagwalwal ka last time, remember? Ang taas din ng kuryente natin! Pitong libo? Patay patay rin kasi ng air-con pag may time!"

"I can't believe naubos natin lahat ng allowance natin this month!" She exclaimed like an idiot. Gusto ko pa namang gawing mapayapa ang vlog na i-u-upload ko this week kaso ang ingay naman ng isang 'to. "Ayos lang 'yan. Apat na araw nalang may tumataginting na thirty thousand na ulit ako!"

"Mag ulam ka ng itlog sa apat na araw na natitira." Sabi ko bago uminom ng tubig. Sumimangot lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa.

Mishel is older than me for 3 years. She's studying med-tech. She lives far away from where she is right now. Ewan ko nga rito at dito pa naisipang mag-aral. Bukod sa mahal ang tuition ng school, dagdag gastos pa ang apartment at iba pang kailangan. Good thing, maganda ang trabaho ng Papa niya kaya lahat ng luho niya ay nakukuha.

"May pasok ako. Maglinis ka diyan, huh?" Paalala ko sakaniya dahil ako na ang naglinis kahapon. Hindi niya ako pinansin dahil busy-ng busy siya sa ginagawa.

Mahigit thirty minutes ang ginugol ko sa paghahanap ng susuotin. Konti na lang ay matutukso na ako ng kama ko na 'wag nang pumasok. Tatlong subjects lang naman ang nasa sched ngayong araw kaya nakakatamad. Tanghaling tapat pa kaya siguradong sobrang init sa labas.

Cut The CameraWhere stories live. Discover now