Chapter 4

7 0 0
                                    

"... because, guys! Even if your skincare products are expensive, even if you're consistent with cleansing your skin, toning it, moisturizing, and all. It's all worthless if you're not applying sunscreen. So remember that sunscreen is a must." Daldal ko sa camera habang naglalagay ng sunscreen sa mukha. I'm going to practice my makeup skills today while vlogging.

Binuksan ko ang isang drawer kung nasaan ang mga base products. Foundations, bb creams, at mayroon pang mga naligaw na powders at blushes.

Sinimulan ko na ang pagme-make up. It took me more than an hour bago ko matapos iyon. Siguradong mahaba na naman ang vlog na ito kahit pa i-cut ko ang ibang parte ng video.

"This look took me more than an hour, guys. Next time I'll do a five minutes makeup challenge, if kaya mas maikli pa." I paused. "That's all for today's video guys! Hope you like it. See you next vlog!"

Tinakpan ko ang lenses gamit ang mga kamay ko bilang outro. Nang mapatay ko na ang camera ay kinuha ko ang cellphone ko para mag-picture. Naghanap na rin ako ng audio sa TikTok na pwedeng i-lip sync.

Hindi ko muna pinost ang mga iyon dahil mai-spoil ang video kung agad ko nang i-re-reveal ang look.

"Madam! Bumili ka nga saglit ng asin diyan sa tapat na tindahan!" Rinig kong sigaw ni Missy mula sa kitchen. She's probably cooking and preparing dahil dito magl-lunch si Art na galing sa training ng basketball.

Kumuha ako ng isang oversized shirt sa cabinet ko at hinubad ang floral na top na suot ko kaninang nag-vlog. Hinagis ko iyon sa laundry basket ko bago sinuot iyong bagong t-shirt.

"Nasaan ang pera?" Tanong ko paglabas ng kwarto.

"Aba! Ganda mo namang bibili ng asin, madam!" Tawa ni Missy nang makita ako. Hindi ko pa naman kasi tinanggal ang makeup ko. Binigyan niya ako ng pera.

Bago lumabas ay kinuha ko iyong hair clamp ko sa kwarto para ipitin ang buhok ko. Gusto ko nang magpagupit lalo na't ang init ng panahon kahit dapat ay tag-ulan pa naman.

"Isa pong iodized salt." Sabi ko sa nagtitinda. Binigyan niya ako ng isang balot ng asin pati na iyong sukli. Lumingon ako sa kanan at kaliwa naghihintay ng tiyempo para makatawid.

"Oh! Si Lyanna pala 'to oh!" Rinig kong sigaw ni Art. Kakalabas niya lang ng sasakyan niya. Tinuturo niya pa ako sa kasama.

Nagtaas ako ng kilay nang makitang lumabas si Avecila mula sa kabilang side ng kotse. May dala-dala pa silang mga pagkain. Parehas silang nakasuot ng jersey shorts at shoes pero naka t-shirt na.

Nauna nang pumasok si Art dala ang supot ng kilalang fast food restaurant. Si Avecila naman ay nanatili sa labas ng gate namin, matalim ang tingin sa akin.

Nang makitang wala na masyadong dumadaan ay tumawid na ako.

"Do you usually go outside wearing that?" Salubong niya sa akin. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Oversized shirt at maikling shorts kaya hindi kita iyon.

"Oo, diyan lang naman sa tapat." Sagot ko at binuksan ang gate para makapasok na.
"Sabihin mo kay Art ipasok ang sasakyan niya sa garahe."

Nauna na akong pumasok, sumunod naman siya. Pinatong niya ang dala sa dining table, ako naman ay dumaretso kay Missy para ibigay ang asin. Narinig ko pa ngang nag-uusap si Art at Avecila tungkol doon sa kotse na sa gilid ng daan nila pinark.

Lumabas si Avecila, siguro siya ang maglilipat ng sasakyan. Si Art naman ay inaayos iyong mga binili nila. Bumili pa pala sila ng roasted chicken, buko pie, at ice cream.

"Saan ka galing, Lyanna? Ganda ng makeup mo ah!" Mapang-asar na tanong ni Art. Dumaan sa gilid ko si Avecila at hinagis ang car keys kay Art.

"Nag-video lang." Sagot ko at umupo na sa dining table.

Cut The CameraWhere stories live. Discover now