Chapter 7

14 0 0
                                    

Kagat-kagat ko ang aking daliri habang nakatitig pa rin sa screen ng aking laptop. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong ganito.

Suspended ang klase namin dahil sa bagyo. Sobrang lakas ng ulan kaya bumaha raw sa ilang parte ng school pati na ang tapat ng building namin kaya napag-desisyunan ng school na i-cancel ang pasok para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.

Dahil wala naman akong ginagawa, mage-edit sana ako ng videos. Tapos ko nang na-edit-an iyong makeup vlog at to upload na lang iyon. Ngayon naman ay ine-edit ko iyong videos galing sa kahapon.

Hindi ko magawang matuloy-tuloy ang pag-eedit dahil na-didistract ako kay Avecila. Ang dami kong hindi napansin kahapon na ginawa niya para sa akin na ngayon ko lang napapansin!

Hinawakan ko ang mouse ko para ibalik muli sa umpisa ang video. Papanoorin ko ulit!

Mariin akong napapikit dahil naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako ngumingiti? Nakakainis! 'Yong puso ko nagwawala rin! Parang 'yon lang, Lyanna? Bare minimum 'yon, okay?!

Attentive siya sa lahat ng gagawin ko, bare minimum! Lagi niyang sinisigurado na okay at komportable ako, bare minimum! He does things for me even if I'm not asking him to, bare minimum pa rin! He's such a gentleman, still a bare minimum!

Anong nginingiti-ngiti ko ngayon? Wala lang 'yon! It's not that kinikilig ako sa ginagawa niya. Gosh, parang nung isang araw lang ay inis na inis ako sa presensya niya tapos ngayon ngumingiti-ngiti ako?

I decided to turn off the laptop and just lie down on my bed. Hindi na lang ako mage-edit. Hindi ko na lang iu-upload ang vlog na iyon. Baka ma-issue pa kami ni Avecila. Maybe my viewers will find us sweet… or ako lang ba ang nakakaramdam na sweet nga kami habang pinapanood ang video? Ewan ko!

"Hi, Lyanna!" Bati ni Art sa akin paglabas ko ng kwarto. Magtitimpla sana ako ng kape dahil balak kong mag-aral na lang.

Hindi ko alam na nandito pala si Art. May hawak pa siyang index cards, mukhang tinutulungan si Missy na mag-aral.

"Hello, kumain na kayo?" Tanong ko at lumingon sa labas para tignan kung gaano kalakas ang ulan.

"Hindi pa. Magluluto ako maya-maya. May hinihintay ka ba?" Tumawa si Missy.

"Huh?" Takang tanong ko.

"Wala siya, Lyanna, eh. May inaayos sila ni coach about sa tournament na sasalihan namin." Si Art naman ngayon.

"Wala naman akong hinihintay." Sabi ko at dumaretso na sa kusina. Naririnig ko pa silang nagbubulungan. Hindi ko na lang sila pinansin.

Saktong pagpasok ko ng kwarto ko ay nakita kong umilaw ang screen ng aking cellphone. Dumaretso ako sa study table ko kung nasaan iyon. Inilapag ko ang baso ng kape at kinuha ang cellphone.

 Inilapag ko ang baso ng kape at kinuha ang cellphone

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I immediately opened the message to reply.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Cut The CameraWhere stories live. Discover now