Chapter 8

15 0 0
                                    

"Go, Art! Go, Jalen!" Umalingawngaw sa buong gym ang boses ni Missy na todo cheer sa team nila Avecila. Hindi naman mainit ang laban dahil malaki ang lamang nila Avecila kila Giovanni.

Pumuntos na naman ng tres si Avecila tsaka lumingon sa akin. Hinanap niya ang mga mata ko. Nang magtama iyon ay roon lang siya nakuntento at nag-thumbs up sa mga kakampi.

Patuloy lang ako sa panonood sa kanila. Minsan ay nafo-focus pa ang tingin ko kay Avecila. Sinusundan ng mga mata ko ang takbo niya kaya hindi nagtagal ay napansin ko na rin ang mga maruruming ginagawa ng kabilang team.

"Ang daya! Nakita mo ba 'yon? Siniko si number 10." Inis na sabi ni Missy at padabog siyang umupo sa tabi ko.

Kanina ko pa napapansin iyon. Mga simpleng paniniko at pagsipa ng mga ka-team ni Giovanni kila Avecila. Ang referee ay wala namang pake. Hindi ko alam kung ganoon ba talaga dahil training lang naman 'to o talagang hindi niya lang pansin.

Humingi ng time-out ang coach nila Avecila. Gusto atang palitan ng coach nila si Avecila pero umiling ito. Medyo pagod na si Art kaya siya nalang ang nagpa-substitute.

Bumalik na sila sa laro pero wala pang limang minuto ang nakakalipas ay nahulog na sa sahig si Avecila. Napatayo kami ni Missy pati na rin ang mga nasa harapan namin na players. Agad siyang dinaluhan ng mga ka-team niya pati na ang coach.

Tumakbo si Art palabas ng gym para tumawag ng tulong sa clinic. Umuulan pa nga kaya sinundan siya ni Missy na may dalang payong dahil pawis si Art tapos ay magpapaulan. Hindi pwedeng pati siya ay magkasakit dahil marami pa ata silang competition na lalaruin.

"Ang dumi niyo kasi maglaro, bro. Friendly game lang naman, eh."

"Anong pinagsasabi mo? We're just playing."

"Kanina ko pa kayo napapansing naniniko eh. Pati nga ako nasiko niyo pero hindi na lang nagsalita. Parehas naman tayo ng school na nire-represent kaya sana walang samaan ng loob."

Mukhang nagkakainitan na ang dalawang team. Ang coaches ay magkausap kasama ang referee.

"I'm fine!" Dinig kong sabi ni Avecila kahit nakita kong napapapikit siya sa sakit ng binti. Naiinis ako dahil imbis na asikasuhin siya ay mas pinili pa nilang magsisihan at mag-away muna.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit kay Avecila. Pinadaan ako ng mga lalaking nakapalibot sa kanya.

"Are you okay? Can you wait a little longer? Tumawag na sila Art sa clinic." I calmly said. Tumango lang ito pero kita pa rin ang sakit sa mata.

"Pwede bang pabuhat siya papunta sa bleachers? His foot needs to be elevated." Tumingin ako sa mga lalaki. Agad na tumango ang mga kakampi niya kaya lumayo ako nang konti para bigyan sila ng daan.

Binuhat nila ang lalaki at pinaupo sa bleachers. Sumunod naman sa amin ang iba pang players. Binigyan kami ng dalawang monobloc. Nilayo ko ang isa habang ang isa ay itinapat ko sakaniya.

"Can I lift it o masakit talaga?" Tanong ko. Tumango lang siya at humawak sa legs niya. Umupo ako sa monobloc sa harapan niya at dahan-dahan kong itinaas ang paa niya.

"Do you have ice? Okaya kahit malamig na tubig. I have my handkerchief." Tanong ko. Agad naman nilang kinuha ang nga tumblers nila. Tinanggal ko ang sapatos at medyas niya. He seems shy pero wala naman siyang magagawa.

Gamit ang panyo ko ay nilagay ko roon ang mga yelo galing sa mga tumbler nila para gawing cold compress. 

"Dito ba?"

"Oo," nilapat ko ang panyong puno ng yelo sa parteng masakit sa kanya.

"Lyanna," rinig kong tawag ng kung sino sa likod ko pero hindi ko pinansin. Patuloy lang ako sa paglapat ng malamig na tela kay Avecila. "Lyanna, what are you doing? Why are you helping him?"

Cut The CameraWhere stories live. Discover now