Chapter 6

18 0 0
                                    

Avecila was now holding my camera and filming Missy and I as we window shop clothes. He insisted on doing it so we can enjoy looking for something we can buy.

"Magtipid ka, madam. Baka magde-delata na naman tayo sa katapusan kung gagastos ka nang malaki." I joked about Missy.

"Hindi 'yan! We can just invite them over tapos pag dalhin natin ng food." She laughed and put a dress on the shopping bag Art was holding.

Ang usapan window shopping lang, bakit may shopping bag na rito?

"Hindi ka bibili?" I heard Avecila asked. He was tailing me at nalayo kami nang konti kila Missy dahil pumunta sila sa men section.

"Nope." Tipid na sagot ko. Kakabili ko lang ng mga libro ko last week kaya ayaw ko muna sanang gumastos. I'm trying to learn how to budget properly. Ang pagbu-budget kasi sa amin ni Missy ang pinakamahirap gawin dahil napakagastos ng babaeng 'yon.

"Wala kang nagustuhan?" He asked again. Umiling ako. "Everything looks good on you though."

I felt my cheeks heated for a second. "Mambobola ka pala?"

"Hindi, I'm just saying what I'm thinking." Sagot niya naman. Tinalikuran ko siya at hinanap na sila Missy na nasa counter na pala. Si Avecila naman ay nakasunod lang sa akin habang vini-video-han kami. Agad din naman siyang hinila ni Art palabas habang kami ni Missy ay nakapila sa counter.

"Binili kita ng dress, madam! Bagay 'yon sa 'yo." Pabiro kong hinampas ang braso ni Missy. Hindi siya makaganti dahil hawak niya pa ang paper bags ng pinamili niya.

"Nagwaldas ka na naman ng pera!"

"Ikaw na nga 'yong binili, ikaw pa 'tong galit!" Tumawa ako.

Sinalubong naman kami ng dalawa. Kinuha ni Art sa kamay ni Missy iyong tatlong malaking paper bags na puno ng damit.

"No more shopping this month, babe. Ang dami nito. You should know your priorities." Dinig kong sabi ni Art. Kumapit sa braso ni Art si Missy tila nagpapa-cute. Ew.

I heard Avecila chuckling beside me. Nilingon ko siya at nakitang nakatapat sa akin ang hawak niyang camera. Siguradong nakuhanan niya ang reaksyon ko sa ginagawa ni Art at Missy sa harapan namin.

"You looked bitter." Kumento niya.

"Weird kasi makitang nag pabebe yung kaibigan mo sa jowa niya." Paliwanag ko.

Habang naglilibot kami ay may nakitang bilihan ng jewelries sila Art at Missy kaya pumasok sila roon. Wala tuloy kaming choice kung hindi sumunod sa kanila.

Pagpasok namin ay nasa kabilang banda na sila, kung nasaan ang mga singsing. May kausap na silang salesperson ng store. Sumilip si Avecila sa mga necklace. Inabala ko rin ang sarili at nagkunwaring may tinitignan nang makita may papalapit sa amin na isa pang salesperson.

I'm not comfortable around salespeople kahit saan pang store 'yan. Lalo na kung ako iyong namimili dahil feeling ko wala akong freedom sa pagtingin ng mga items. But I don't also know how to reject them nicely. Feeling ko kasi kapag pinaalis ko, kahit sa maayos na paraan pa, ay ang rude na! So I just let them be.

"Maganda iyan, Sir! Naka-sale rin po 'yan ngayon. Gusto niyo pong subukan?" I heard the lady say. Medyo lumayo ako ng konti sa kanila para hindi ako madamay kaya hindi ko na narinig ang sagot ni Avecila sa babae.

"Lyanna," napalingon ako nang tawagin ako ni Avecila. The sales lady was trying to put a necklace on his neck. Agad akong lumapit because he seems uncomfortable. "She'll do it for me, miss."

"Ay, sige po!" Sagot ng babae, medyo nahihiya pa. Pinatong ko sa lamesang salamin ang tripod ko at kinuha ang kwintas mula sa kamay ng babae. "Galawin ko 'to ma'am ah. Para po makita kayo."

Cut The CameraWhere stories live. Discover now