26

75 7 2
                                    

"Here's your room key maam este sir pala, madam Cassie told me nga pala na h'wag raw ibibigay sa'yo ang susi ng guest room, dahil tabi daw kayo matulog. "

Parang biglang pinag bagsakan ng langit at lupa si Mj sa narinig nito.

kami? mag katabi matulog malakas tama yata nito e, pa ulit ulit na ako nag papaliwanag na hindi ko siya gusto pero ang kulit kulit talaga ng budhi niya.

kadiri, hindi ko kakayanin na makasama siya sa isang kwarto lang, abnormal pa naman 'yon.

tinignan ko mabuti ang paligid, noong unang punta ko rito wala naman tao, ako lang at si Cassie, pero ngayong lumabas na ako sa hospital, ngayon ko lang napansin na may mga katulong pala siya, ayos rin itong baklang 'to maraming pera talaga ang naiilabas.

kung wala lang akong utang na loob, edi wala ako sa sitwasyon na 'to. At kung normal lang talaga ako nabubuhay ngayon edi walang Cassie, walang problema.

naputol ang aking pag mumuni ng biglang kumalam ang aking sikmura at hinawakan ko ang aking tyan.

" May pag kain ba?" tanong ko.

"Meron po inihada si Maam Cassie para sainyo, at tamang tama naka handa na po ang pag kain." aniya nito, hindi ko na siya hinintay pa na mag salita, ibinigay ko rin sakanya ang aking mga bagahe. Tss! ang ingay masakit kasi sa tenga.

Namangha ako noong makarating ano sa kitchen ni Cassius, tama nga ang kasambahay niya marami itong iniwan na pag kain para sakanya, at mukhang masasarap pa, kaya mas lalong kumalam ang kaniyang sikmura ng makita ang mga pagkain na paborito niya.

Mayroong sinigang na baboy na umuusok pa, kare-kare na may sahog ng tuwalya ng baka at manamis-namis, may letchong manok rin, at para sa dessert naman e may letcheflan at cheesecake na ginawa ni Cassie para sakanya, mukhang mapapa unli rice si Mj nito at makaka bawi ng pagkain sa ilang araw na hindi pag uwi niya sa mansiyon ni Cassie.

"ang sarap!" aniya niya ng tikman ang sinigang, pero bago pa siya maka rami, kumuha muna siya ng baso at coke sa ref ni cassie, para sa panulak, jusko mahirap na kapag nabilaukan.

Tuwing may okasyon lang siya nakakakain nito kung hindi pasko o bagong taon ay birthday naman niya pero huling naalala niya ay yung kumain sila sa labas ng mama niya ng Jollibee at ayon rin na pala ang huling pag kikita nilang dalawa, nakakalungkot man isipin ngunit nangyari na ang nakaraan, siguro nga ayon talaga ang naka tala sakanya ng tadhana.

Kahit pa na maaga siya nangulila, natuto naman siya tumayo sa sariling paa, kaya siguro ay mas lalong pinapatatag ang kalooban niya ngayon, at sa awa ng diyos ay hulog ng langit talaga si Cassie para kupkopin siya at handang mag pakatanga sakanya.

Ngunit mauutusan ba ang puso ni Mj kung gustuhin man niya si Cassie, syempre hindi.

pero naniniwala ka ba sa, worth the wait.

siguro kapag pink na ang uwak, o daanin ni Cassie si Mj sa dahas at hindi na sa Santong paspasan.

"tiba-tiba na to!" aniya nito, na nag second place pa siya sa kare-kare, hinigop niya ang sabaw nito at napa pikit pa habang ninanamnam ito..

"Ayos ah, panalo parang pang expensive restuarant yung lasa nito." she commented on it, while suddenly cassie is passing by on the kitchen intentionally, but he keeps hide to watch Mj's reaction when she taste the food cooked by Cassie. Kinikilig ang biot, habang mabilis na pumipintig ang puso nito at napa bulong.

"Nagustuhan niya ang mga niluto ko." Aniya niya, ngunit nagulat rin siya ng biglang nakiusisa ang katulong niya.

"oo nga po, sa sobrang nasarapan siya sa niluto niyo, panay ang pag sasalita ni sir Mj ng mag-isa."

"hihihi, ako lang 'to." bulong pa niya.

bigla tuloy siya na excite, at nag decide siya na palagi na siya mag gogrocery at mag luluto para kay Mj dahil nagustuhan nito ang mga luto niya.

"Perfect! pwede na ba ako maging material wife?" aniya, na nag lalandi.

"100% sure madam, pwedeng pwede na."

nauto naman amg bakla, kaya binigyan niya ang katulong ng 500.

"Make sure na hindi niya mahahanap ang susi ng kwarto niya ah." paalala nito.

"Yes madam." kaya naman napa ngisngis ang baklang may balak, naku naku yari kana Mj.

"Tommorow nga pala, make sure na bantayan ninyo ang sir ninyo." aniya pa nito.

"Sure madam." Naging paranoid kasi si Cassie dahil baka takasan na naman siya nito, meron rin mga security sa labas nila para sigurado na hindi makaka takas si Mj, at para na rin sa safety nito dahil alam ninyo na, mainit ang mata ng mga tao kay Mj, kaya hanggat maari ay poproktektahan niya ito.

umayos na siya ng tayo at sumenyas na aakyat siya galing kasi ito ng botique at may salon rin siya.

Nakaramdam ito ng pagod at nag inat ng makarating siya sa kwarto niya, lahat nga pala ng gamit niya ay pink, nag palit ito ng damit na mag ka terno na pang tulog na kulay pink rin, parehas nga rin pala sila ni Mj ng damit dahil ayon ang inihanda niya para dito, gusto niya kasi couple sila harurot.

Maya-maya pa ay biglang bumakas ang pinto at iniluwa noon ay si Mj.

"Hi." aniya nito at sinalubong ang tomboy na naka ngiwi dahil pumulupot siya kaagad dito, hinaltak niya ito papuntang kama.

"ano ba?" Aniya nito na naasar.

"Ang bango mo." bigla siyang sininghot-singhot ni kasi sa leeg, wala lang trip lang siya inisin ni Cassie, ngunit si Mj ay nakaramdam ng kaba at pananayo ng balahibo sa braso.

"Lumayo ka nga sa'kin." Naasar nitong sambit at tinulak tulak si Cassie.

ngunit bigla siyang tinawanan nito.

" how's your day." aniya nito, dahil biglang nag bago ang mood. "oh wait, mag palit kana ng damit." aniya nito habang ibinibigay ang damit na pang tulog.

"i'm doing great naman." naiilang nitong sagot.

"salamat." maiksi nitong sagot.

"sige na, mag papalit ako ng damit." saad pa nito, aakto itong lalabas ng biglang nag salita si Cassie.

"No, you will stay here, dito kana mag palit." saad nito na seryoso ang boses, kaya naman mas lalong kinilabutan ni Mj sa inaasta ngayon ng bakla.

"Baliw ka ba?" saad pa nito.

"uhm, no but i wanna see your body." diretso nitong saad.

"gago ka ba?"

"no."

"Hindi pala e." asar nitong saad.

"Joke!" ngunit inismidan siya ni Mj.

bubuksan na niya sana ang pinto, ngunit hindi niya ito mabuksan-buksan.

" Naka lock? putang*na! " inis nitong saad at sinamaan ng tingin si Cassie

"dito ka lang."

"Ulol!"

Tinignan ni Mj ang paligid, wala man lang sofa halatanv planado.

"Tabi tayo matulog." he spread his arms to Mj.

"Tigilan mo nga ako."

"Kung pwede lang e, kaso hindi e baka ikamatay ko kapag na wala ka na naman sa paningin ko. " naaning nitong saad ni Cassie.

" Hindi kita gusto okay?"

"Hindi mo nga ako gusto Mj, pero kaya naman pag-aralan 'yan."

"tanga mo, kung wala lang akong utang na loob sayo kanina pa kita binugbog."

"come to mama na lang." pang aasar ni Cassie.

"Kadiri!"




A/N:

Siguro sa December na ako magiging active na ulit dito, sana magustuhan ninyo muwah!


Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now