01

158 8 0
                                    

Simula

Maingay, nakakasulasok ang usok sa loob ng bar, marami ring tao. At iba-iba ang mga estado sa buhay ng iilan dito sa loob ng bar. May mayaman, mahirap, at sakto lang na gustong mag-saya.

Gimik kung gimik.

Abala si Mj sa pag-mimix ng animo'y sari-sari na mga alak, may iilan din namamangha sakanya dahil ang dami nitong tricks kapag nakakahawak ito ng bote.

Initsa niya iyon mula sa ere, pag-katapos noon ay mabilis rin niyang nasalo.

Sumunod naman ay inihanda na niya ang shot glass pati na rin ang mga prutas. Muli nanaman niya itong inihagis sa ere at doon niya ito hiniwa sa tatlong piraso ng lime, madali lamang sakanya ito dahil para lang siyang nakikipag-espadahan gamit ang kutsilyo. Syempre bihasa na siya dahil trabaho niya ito dati pa ang makipag-labanan.

Kaya naman nag-palakpakan ang mga tao roon na nakatambay sa bar counter.

Maya't-maya pa ay nag-mix ulit siya ng iba't-ibang alak naman habang ito'y pinag-papatong para maging tore. Sinindihan niya ito kaya nag-apoy ng iba't-ibang kulay, sa loob ng anim na buwan na trabaho na ito ni Mj minahal niya na talaga ang pagiging bartender.

Kahit na maliit lang ang kinikita niya rito, may tip naman siya sa mga nagiging costumer. Diskarte lang 'to. Wika niya pa sa isipan.

Kung gusto mo may kainin sa araw-araw dumiskarte ka. Iyon ang moto niya.

Sa isang iglap mabilis niyang pinatay ang apoy na iyon.

Iilan lang ang lalaking nanonood sakanya dahil karamihan mga babae at binababae ang humahanga sakanya.

Isa na roon si Cassius na sinadya nanaman ng tadhana na pag-tagpuin sila.

Hinawi ni Mj ang kaniyang buhok, at ibinigay isa-isa ang mga ini-mix na alak.

"Jose Cuervo coming up!" Jose Cuervo is a best selling Brand of tequila It is was from Mexico, Jose Cuervo is a kind of hard drink 34%-40% the maximum of this alcohol volume. Drink it moderately kung hindi mo kaya siguraduhin mo lang na hindi ka tatawag ng uwak sa kalsada.

Ibinigay niya ito isa-isa hangang sa makarating sa kinapupwestuhan ni cassius na easy mo ay malalim ang iniisip kay lalim pa sa dagat.

Inilapag iyon ni Mj sa harapan ni Cassius kaya naman napatingin ito at natulala, iniisip niya kasi yung dating sumagip sakanya malapit rito sa lugar doon sa may tulay na pinang-yarihan na muntikan na siyang holdapin noong mga araw na'yon. Pag-katapos noon ay humiling siya sa mga tala na sana ay pag-tagpuin sila. Si cassius kapag humihiling nag-kakataotoo dahil malakas siya sa itaas.

Mabuti nga nabuhay siya noong araw na'yon, hinding-hindi niya malilimutan ang pangalan na'yon na nag-ligtas sakanya.

"Mj!" Wala sa sariling naibigkas ni Cassuis ang palayaw ni milagros, kaya naman nangunot ang noo nito at nag-takha. Anong ang pinag-sasabi nito? Tanong niya mula sa isipan. Dahil bakit siya kilala nito at paanong nalaman nito ang palayaw niya.

Hindi nanaginip si Cassuis, kaya naman sinampal niya paulit-ulit ang sarili.

"Teka!, teka! Bakit sinasampal mo ang sarili mo???" Takha ni milagros, para pigilan ito. Dahil nag-mumukha itong may sayad, habang pinag-titinginan ito ng iba pang mga tao dito.

Heart of a Saint, life of a sinnerOnde histórias criam vida. Descubra agora