10

74 4 0
                                    

She wanted to jump on the bridge, and blamed her self for happen. Umiiyak ito habang nakatingin siya sa umaagos na tubig mula sa ilog, ngayon kasi nakahawak siya sa railing, habang siya naman at nakatungtong sa natitirang espasyo.

Naalala nanaman niya ang pag-kamatay ng kaniyang ina.

"Kunin mo na ako ma." Pag-susumamo nito, dahil wala na rin siyang nakikitang pag-asa para mag-patuloy na mabuhay. Sa tinagal-tagal na panahon na dala-dala niya ang sakit mula sa puso.

Umiiyak ito habang gulong-gulo sa buhay, sabay subsob sa railings. Sakto naman biglang nag-liwanag ang kalangitan kaya naman takha siyang napatingala, habang gumugihit ang buntot ng kidlat. Kaya naman bigla siya kinabahan,iniakyat niya ang kaniyang isang binti upang makapunta na ulit sa gilid ng kalsada sabay upo gather gawa mismo mula sa hallow bricks.

Bigla naman siya gininaw noong umihip ang malakas na hangin, kaya naman napayakap siya sa kaniyang sarili. Kinusot niya ang kaniyang mata dahil sa napuwing ito.

"Psttt." Kaya naman muli siyang napatingala ulit sa taas sakto naman ang biglang pag-ulan. Kunot-kunot noo niya itong tinitigan hangang sa maaninagan na nga niya ang mukha nito.

Muli nanaman kumidlat, kaya naman lumiwanag ang kapaligiran, bigla naman sya nilahadan nito ng kamay habang siya ay pinapayungan.

"Kalurkey kwah Mj wit kwitah mwah sightsung dwun swah bwar." Aniya nito. "Atsaka bakit ka nag-papaulan ha??? Dyan pa talaga sa gilid ng tulay, ano ka??? Ginagaya mo si bakekang???" Nakuha pa nito mag-biro ngunit bakas sa tono ang pag-aalala niya sa dalagang binata.

"Ilang days na kita niniywosip, tapos ma sisight lang kita here julet????"

"ene betch ginagawa mo sa sarili mwo ha??? Vaklang twuh!" Inis naman ito tinayo ni Mj dahil sobrang daldal nito.

" kung dinadaldal mo lang pala ako edi sana iniwan mo ako dito." Malamig nitong tugon habang tinatakpan ang sugat.

"Twekah!" Nguso naman si Cassuis este Cassie sa tinatakpan na sugat ni Mj habang ito'y nag-dudugo. Kaya naman kunot ni Mj itong tinignan habang sinundan ang nguso niya.

"May panyo ka ba dyan? Pang tapal ko lang rito." Umaagos kasi ang dugo kaya naman wala sa sariling inilabas ni Cassie ang kaniyang panyo.

"Jeske napano yarn??!"

"Tsss akin na ang dami mong satsat." Ngunit di ito ng bakla dahil gusto niya pag-silbihan ang binatang dalaga

"Sasama ka ba sa valur ko o sa valur mo nalang???"

"Kahit saan."

"Sa nyowspital?" Bigla naman natigilan si Mj.

"Ayoko."

"Ihh baka mainffect yang sugat mo ha???" Umiling lang si Mj.

"Kaya ko gamutin to." Hinipan naman ni Mj ang sugat kasi ang hapdi tapos nababasa pa ng ulan.

"Halika ka nga rito ako ang magtatali nyan sa'yo." Pag-aalala ng baklang madaldal. "Oh hawakan mo muna itong payong ko at ako bahala dyan." Nguso sa sugat, hinayaan lamang ito ni Mj habang kinukuha ang kaniyang braso, inangat ito kaunti para manlang matalian, nakailang rolyo ito hangang sa matapos na nga ito.

"Sa valur ko nalang ilang lakad lang naman ditwey yarn." Naarte nitong saad habang namimilantik ang mga daliri.

"Salamat." Tipid nitong sagot, at inumpisahan na nilang mag-lakad sa gilid ng kalsada. Sana ol may ka late night walks.

Pinag-mamasdan lang ni Mj ang mga Street lights, habang si Cassie naman ay sobrang lawak ng mga ngiti mula sa labi kahit na ito'y nawiwisikan na ng ulan ang kaniyang mukha.

Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now