12

66 4 0
                                    

Dismiyadong napailing ang kaniyang boss habang pinapanood ang kuha ng CCTV kitang-kita si Mj roon kung psano niya napatumba ang lahat ng grupo mula sa black Swan.

"Tsk, tsk." Aniya ng kaniyang boss noong makita ang lamesa nito na babasagin ay ibinato ni Mj.

"Mahal bili ko dyan eh." Mangiyak-ngiyak itong napahilamos.

"Sorry boss."

"Anong sorry, sorry dyan? Mahal yan eh!?" atungal nito na parang bata ngunit hindi naman naging bagay dahil para itong baka kung umiyak.

"Di ko po sadya." Tipid nitong sagot. Ngunit bigla naman hinampas ng boss niya ang lamesa.

"Kung gusto ninyo man ako tangalin, okay lang po tatangapin ko." Pag-papakumbaba niya rito, dahil ayaw naman niya ng gulo at may madamay kaya siya na mismo ang aalis dahil baka balikan pa siya ng mga yon.

Lumaki ang butas ng ilong ng kaniyang boss.

"Kahit naiinis ako sa'yo." Pinipilit na maging mahinahon ang pananalita nito.

" iniligtas mo naman ang mga tao roon sa bar." Saad nito ngunit may diin.

"Pero sana, huwag naman sana yung lamesa. Dahil bili ko pa iyon sa france eh anak ng pating oh." Napasinghot lang si Mj at napakamot sa batok.

"Okay lang naman sana kung yung mga beer ang mga ipinalo mo sakanila kahit, basag-basagin mo pa yan sakanila eh."

"Sorry po talaga."

"Hayaan ninyo po, kapag nakaipon ako babayaran ko lahat yang mga nasira ko."

"Tsss!, aber at saan ka naman kukuha noon ha?" Sakram ang tono nito.

"Edi sa pinasasahod ninyo po." Sagot nito kaya naman nagigil ang boss nito sakanya. Nais nitong lipingin si Mj. Ngunit pinigilan nalang ang sarili makapanakit.

"Kayo nalang po bahala sa desisyon ninyo boss." Sambit nito na naiinip sa usapin nila. Kaya naman napa-isip ang boss nito, mabuti nalang talaga may mabuti itong kalooban kaya mabilis rin naawa. Dahil simula kasi noong mag-trabaho rito si Mj, nakuha niya ang loob nito dahil sobrang sipag nito pumasok sa trabaho araw-araw.

"Ay siya, wag mo na bayaran yon." Nagulat naman si Mj.

"Po?"

"Talaga po?" Ulit nito

"Pero sa isang kondisyon." Bigla naman natigilan si Mj.

"A-ano po iyon???"

"Nakikita mo naman siguro inaayos itong bar diba?" Tumango si Mj.

" kasi." Tapik sa balikat nito at lumipat sila ng pwesto sa isang sulok na kunwari ay walang makakarinig.

" kahit sarado tayo tuloy pa rin ang trabaho, tamang-tama ikaw ang nasa isip ko ang mag-dedeliver dahil alam kong maalam ikaw sa pag-momotor, kaya ganito plano ko ngayon ipapahiram ko sa'yo ang motor." Pangongondisyon sakanya ng boss kaya naman napaisip siya. Puta, yung lisensiya niya naka Hold sa LTO. Iyon ang problema niya ngayon.

"Nakapag-rehistro ka na ba ng lisensiya mo?" Biglang tanong nito. "Kailangan mo mag-parehistro dahil kailangan iyon." Kaya naman napakamot si Mj sakanyang ulo.

"Eh wala po akong pera."

"Eh, edi bibigyan kita problema ba yon?"

"Gasolina po? Hehehe."

"Edi ako sasagot nyan."

"Yown!" Masaya nitong tugon.

"Basta bata ha, malaki tiwala ko sa'yo." Kuhang-kuha nito ang loob. "Oh siya sige na." Nagulat naman ito ng may dukutin na sobre na nangaling sa bulsa ng kaniyang boss at ibinigay ito sakanya.

Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now