18

73 4 0
                                    

Isang kaha ng sigarilyo para sa malungkot na gabi at isa naman ay isang case ng beer para makalimot. Dumeretso si Mj sa dati niyang pinapasukan na bar. Nag-delehensiya noong matapos niyang sasabihin lang ay mag-papalamig lang siya. Iniisip niya kung babalik pa ba roon siya kay Cassie lalo na't sa nangyari kanina, sobra siyang nahihiya dahil unang araw niya ay gulo ang sumalabong.

"Mukhang kota ngayon bata ko ah?" Sa kalagitnaan na malalim na pag-iisip, bigla naman sumulpot ang kaniyang boss.  Sino bang hindi kokota sa nangyari.

"Oh teka, himala hindi ka naka sobrero, mabuti yan at hindi tinatago ang kagwapuhan natin. " bati nito, napangisngis na lamang si Mj ng alak. At na hiphip naman ng sigarilyo.

"Ayos ba kita kanina ha???" Tanong nito, tumango lamang si Mj.

"Bat lungkot ng bata ko ha??? May umaway ba sa'yo? O baka babae yan ha?" Natawa naman si Mj sa tanong ng kaniyang boss.

"Wala ho." Tipid nitong sagot at natatawa, kumuha naman ito ng isang boteng beer at tinangal ang takip na tansan para ibigay sakanyang boss.

"Nako, salamat." Aniya, na umuusok sa lamig.  At umupo sa tabi.

"Kapag ganitong gabi, masarap uminom tapos malamig pa ang paligid." Saad nito " tama ako diba?"

"Opo." Aniya nito.

"Pero alam mo mas masarap dito? Pulutan, teka! Kukuha ako ng pulutan natin." Saad nito at mabilis na tumayo, tumungo ng kusina, napailing nalang si milagros at nakatanaw sa malayo.

Napakagat ito sa labi, at bumuntong hininga, maya-maya lamang ay dinukot niya ang kaniyang selpon para lamang mag-facebook. Hindi na siya nagulat noong mag-viral ang kaniyang video sa nangyari kanina. Maraming nag-react ng nagalit, malungkot at iilan ay like.

May mga nitizen rin sa social media na panay husga lamang, na sana'y makarating sa gobyerno at bitayin na lamang siya na sana'y hindi nalang ito  pinalaya, at habang buhay pag-sisihan ang kaniyang nagawang pag-kakamali sa nakaraan.

Nakatanggap rin siya ng misscalled mula kay cassie ngunit hindi niya ito sinagot, basta gusto lamang niyang mapag-isa, at makapag-isip ng maayos, kung bakit lagi nalang siya umaabot sa ganitong kahantungan.

Maya-maya pa ay bumalik ang kaniyang boss na may dala-dalang sisig na mukhang bago pang luto.
Umupo ito sa tabi niya, at kumuha ng tinidor.

"Ahh." Aniya, susubuan pala siya. "Masarap ba???" Saad nito na ngayon ay ngumunguya siya. Tumungo nalang ito bilang sagot.

"Ang lalim." Biglang usal nito... "Parang dagat, mahirap sisirin." Saad pa nito, kaya naman nagets nito ang gustomg sabihin.

"Bakit ninyo ho ako tinanggap?" Wala sa sariling tanong nito. " sa trabaho."
Tamang-tama may yelo at shoot glass, bago sumagot ay uminom muna ito.

" dahil magaling ka."  Natawa naman si Mj.

" hindi ho ba ka'yo nagsi-sisi.?" Puso sa puso ang tanong nito, bigla naman napaisip ang boss niya.

" uhm, hindi pero dun sa lamesa? Sobra mahal 'yon e." Biro nito.

"Ano bang mga tanong yan ha? Natanggal ka ba sa bagong trabaho mo ha???" Tanong nito, at umiling lang si Mj.

Bumuntong hinga lamang si Mj.

"Sus, ano yang senti na yan ha? Sabihin mo na habang malamig ang alak." Aniya nito ng tumagay at ngumata ng pulutan.

"Wala na ho akong dapat sabihin." Aniya na natawa.

"Ang dami mong iniinom, baka mamaya hindi ka makauwi sa bahay mo ha." Pag-aalala nito

"Kaya ko ho." Muli nanaman natawa, kaya naman kunot noo ang kaniyang boss.

"Kanina ka pa tawa nang tawa ha." Aniya, "ang saya mo yata, totoo bayan?" Hindi umimik si Mj, mukhang maoy na ah.

"Sus."

"Hating gabi na po, baka hinahanap na ka'yo ng misis mo boss." Saad pa nito.

"Kaya nga ako naandito e, nag-away kami ng misis ko."

"Bakit ho?"

"Mayroon lang pag-kakaintindihan." Saad nito, habang nayayamot habang iniisip ito, pero sa isip-isip ni Mj anong feeling ng may asawang nag-aabang sa'yo.

"Ano pong feeling na may asawang nag-aabang sa'yo pag-uwi?"

"Nakakawala ng pagod."  Aniya nito, na inikot-inikot ang shoot glass.

"Anong pakiramdam ng may totoong nag-mamahal sa'yo?" Bigla naman sumeryoso ang mukha ng boss niya.

"Nakakagana mabuhay."

"Bakit gusto mo na mag-asawa?" Natawa nanaman si Mj. Sa tanong ng kaniyang boss.

"Hindi ho, wala akong balak..HAHAHAAHAH"

"Alam mo, kapag sinubukan mo ang pag-ibig, walang makakapigil."

"Sino?"

"Edi, si kupido."

"Sus maniwala."

"Eh maiba ta'yo, bakit ba ang dami mong iniinom ha loko."

"Papalamig lang lods." Ikli nitong sagot kaya naman binatukan siya ng boss.

"Lasing ka na ba?"

"Hindi po, baka po ikaw ang lasing."
Aminado naman ang kaniyang boss na nahihilo na ito gawa ng ceiling fan. Kahit si Mj rin ay mukhang may tama na, paano ba naman nakakasampu na itong beer.

Muli nanaman mag-vibrate ang kaniyang celpohone mula sa bulsa ka naman hinugot niya ito, hindi na niya tinignan ang numero at dali-dali itong sinagot dahil tawag ito nang tawag sakanya.

"Kitang gusto mapag-isa ng tao eh!P" Singhal niya sa kabilang linya.

"Lasing kaba?" Nangunot naman ang noo ni Mj, sa sumagot muli sa kabilang linya.

Kaya naman hindi mapigilan mapahalakhak nito, at nagulat ang kaniyang boss. Sabay agaw rito ng selpon.

"Pasundo na rito ang bata ko ngayon na." Anya nito, na walang kamalay-kamay si habang namumungas ang mata. Binalik nito ang selpon mula kay Mj, at napailing na lamang ang kaniyang boss. At sa isip-isip nito uminom ng marami hindi naman pala kaya.

"Ayos rin no, syota mo pala tumawag." Aniya na nahihilo. Ngunit ang Mj ay knocked out na. Habang nakaubob ito sa mesa't, mukhang natutulog na. Ngunit nakuha pa itong sumagot.

"Kahit kailan,hinding-hindi ko 'yon magugustuhan, peksman mamatay ako. HAHAHAHHHAHAHA"

"Kakainin mo rin ang sinasabi mo bata, pag-dating ng panahon, kagaya ko mababaliw ka rin dahil sa pag-ibig." Pag-kasabi noon ng boss ni Mj. Sakto naman dumating si Cassie na basang-basa sa ulan, teka??? Wala naman sinabing uulan ngayon. Nahihibang na sabi sa isipan ng bosa ni Mj.

"Excuse me sir." Formal na saad ni cassie na hinihingal, nagulat naman itong ang daming ininom.

"Ayan bagsak ang dami ininom. "

"Is s(he) paid all his bill?" Tanong nito

"Oo galante nga e."

"O-okay thank you." Aniya ni cassie na inalalayan si Mj na makatayo.

"We will going home now, your drunk so much!" Naiinis ito pero kalaunan ay naawa rin ito. Kahit nabibigatan ay pilit pa rin nito inaalayan mag-lakad.

"Miss, kung ikaw man ang syota niya huwag mo siyang iiwan, dahil ikaw lang ang meron niya." Ngiti lang ang binigay niyang sagot sa boss nito bago paman makaalis.



Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now