20

79 5 0
                                    

Kinaumagahan, tila'y ilangan ang namamagitan sakanilang dalawa, sapagkat hindi naman talaga sinasadya malaman ang kasarian ni Mj. Pero sa parte naman ni Cassie ay wala namang kaso roon, e ano naman kung hindi naman tunay ito na lalaki? E siya nga hindi tunay na babae. At tsaka Hindi ba bagay sila? Tsaka hindi naman siya nandidiri.

Hangang ngayon hindi pa rin marehistro mula sa isipan ni Cassie ang ganap noong gabi. Nakakatawa lang hindi niya tinitigilan ang google para mag-search upang malaman ang buong pag-katao ni Mj. Ngunit ang ibang detalye wala naman masyado nakalagay, masyadong tipid.

Ang nakalagay lang kasi rito ay

"Milagros Joy Dy Mapili is a lesbian who killed a famous businessman in China namely Mai Chen is a 50 years old man the owner of casinos in the Philippines "

At sa isa pang statement ay mayroon pa siyang nabasa tungkol kay MJ.

"Milagros Joy Dy Mapili is a drug addict at the age of 19 years old, she was taken by on jail in Christmas Eve." Noong matapos iyon mabasa ni Cassie, tila'y may kung anong dumurog sa puso niya at hindi siya makapaniwala, sa natamo nito samu't-saring balita, may mga litrato itong parang taong grasa, at meron naman ay ang nakaposas noong subukan niya ulit tignan ang litrato nito.

Hangang sa maagaw ang kaniyang atensiyon, mula sa family picture na kung saan may mag-asawa at bata pinagigitnaan.

"Milagros Joy Dy Mapili is an only child and abandoned his parents at the age of 10, her mom dies in public market during the Christmas day."

Bigla naman nagising siya mula sa ulirat ng may magbabayad sakanyang customer. Ang mga tauhan naman niya roon sa parlor ay halos nakatingin sakaniyang lahat na animo'y na wiwirduhan na sakaniyang ikinikilos mula noong kanina pa na umaga pa kasi ito nanahimik at hindi manlang kumikibo.

Tila'y ang kaniyang pag-iisip parang isang pitik nalang sa hangin, noong mamataan niyang nakatingin sakanya  si Milagros. At sumenyas ito na mag-usap sila mamaya. Pumayag siya at napabuntong hininga.

Sumapit ang gabi, sa veranda niya mismo sila nakatambay, malamig ang gabi at tanging city lights lamang ang nakabuhay. Simula noong makilala niya pa si Milagros, ngayon lang niya napag-tanto na mahilig ito tumingin sa ulap, o minsan sa city lights.

Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin, dahil sa sobrang hiya ay mas pinili nalang niya huwag umimik at pakinggan nalang ang bawat pag-tibok ng kaniyang puso para kay Milagros.

Sa ilang taon na makalipas, kahit kailan hindi niya ito hinusgahan sa ano man na isyong kinasangkutan niya.

"Uhm, yung kagabi."biglang pagbabasag ni Milagros sa kanilang katahimikan dalawa, umayos ito ng upo habang nag-sisindi ng sigarilyo.

"Huwag mo nalang intindihin, pero kung patuloy ka pa rin naguguluhan pipilitin ko ipaliwanag sa'yo ng maayos." Saad nito na may bahid na pait ang tono.

"Sa lahat ng tao dito sa buong mundo, alam mo? Ako lang yata ang pinaka walang kwenta." May hinanakit nitong sabi.

"Lahat naman ng pag-babago, ginawa ko na."

"Pero hindi sapat, iyong kabutihan na ipinapakita ko sakanila."

"Alam mo, tangina ng buhay ko eh."

"Masama raw akong tao. Ayon ang sabi nila."

Hinayaan lang ito ni Cassie mag-labas ng hinanain sa loob-loob para kahit papaano ay mabawasan nito ang nadarama.

"Alam mo, nananiwala ako sa kasabihan na ito e." Pag-singit ni Cassie.

" rainbow is colorful, but they are blind to see the truth of color."

"Mj. Tanggap kita kahit ano ka pa."

" i know your past, napanood kita pero hindi kita hinusgahan..kasi sabi ko..baka may rason." Paliwanag ng dalagang binata, para lumambot naman ang itsura ni Milagros.

"If you are worried because you have nothing, I'm here, I'm always here." Pag-papaalala nito.

"Tomboy ako, hindi ako tunay na lalaki."  Malamig nitong tugon.

"E ano ngayon?, ako nga bakla e." Dumasog ito kaunti sa tabi ni Milagros, habang ito naman ay hindi pinahalata ang pag-kagulat, at umiwas nalang ito ng tingin sa kawalan.

" anong gusto mong iparating?" Prangka nitong sagot kay Cassie.

" ayaw ko na mag paligoy-ligoy pa dahil matagal na kitang gusto." Pag-aamin nito, kaya naman napakunot ang noo ni Mj.

"Okay lang kung hindi mo ako gusto ngayon, dahil baka pag-dating ng panahon ako naman ang gustuhin mo." Nagulat naman si Mj. Sa mga pinag-sasabi nito at hindi mapigilan suntukin ito sa braso ngunit mahina lamang iyon.

"Nako! Mag-lubay bahala ka dyan." Aniya nito na tumayo lamang sa gilid.

Napanguso naman si Cassie, dahil nakakuha ito ng kapal nang mukha.

"Kung mamahalin mo ako, wala kanang rason pa para maging tangina ng buhay mo." Confident nitong saad at tumayo rin.

"Bakit hindi mo ako subukan?"

"Anong subukan?" Halos mangunot ang noo ni Mj. "Subukan kitang Bugbugin?" Pag-babanta nito ba may angas ang tono.

"Gusto ko 'yon" kinikilig nitong saad.

"Tarantado." Wala nitong emosyon na saad.

Habang ganoon ang eksena, hindi naman mapigilan mahumaling nito ni Cassie kay Mj, habang ito'y nakatingin sa malayo, Matagal-tagal niya rin itong pinag-masdan, halos kiligin na siya sa kinatatayuan niya, dahil paano naman ay napaka lakas ng dating nito para sakanya.

Nakasuot kasi ito ng bandana sa noo habang ang damit naman nito ay sando na itim at puro tattoos ang mga braso, marami rin itong singsing sa kamay na ibinagay naman nito sa mga  mahahabang daliri at maugat. Hangang sa mapatingin ito sa pang-ibaba, kahit wala itong bakat na batuta, mapapagkamalian mo na meron dahil sa suot niyang trouser na  itim rin, na pinarisan rin ng itim na sandals. Oh kaputi naman sa isip-isip niya, noong panahong nag-pasabog ng kagwapuhan, halos sinalo nito lahat.

Ngunit maya-maya pa ay sakto naman napa harap sakanya si Mj. Na ikinangiwi naman nito, nag-takha siguro dahil bakit parang kanina pa ay mayroong nakatitig sakanya.

"Hehehe." Aniya, na ngiting-ngiti na parang aso, si Cassie noong makita ang seryosong itsura nito, kaya mas lalo siya nahuhulog e, dahil palagi itong seryoso.

"Nako, tigilan mo ako...nakakakilabot."pag-aamin ni Mj, at napag-pasyahan nalang na iwan si Cassie sa labas ng veranda na hangang ngayon ay nakangisi parin ngayon na para bang nasa alapaap.

Para sa mga libo-libong tanong, na gusto nga ba niya si Mj. Paulit-ulit niya itong sasagutin.

Gustong-gusto niya si Mj matagal na, pero wala pang kumpirmasyon kung pag-kagusto lamang iyon, dahil sa tingin niya kahit ngayon lamang sila pinag-tagpo ng tadhana ay mahal na mahal niya ito.




Heart of a Saint, life of a sinnerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें