14

55 3 0
                                    

Bihis na bihis ngayon si Milagros, maayos rin ang tindig ng katawan  nitong nakaharap sa hotel na pinag-aplayan niya ngunit may nararamdaman itong kaba, kaya naman napa yosi siya wala sa oras at itinago ang kaniyang mukha mula sa kaniyang sobrero.

Lakas loob itong pumasok para dumeretso sa hotel management, kinausap naman niya ang mismong manager. Nag-baka sakali lang siya baka matanggap o may bakante pero sana meron. Tanghaling tapat ngayon wala pa siyang kinakain at kinakabahan rin siya interview niya.

"Sorry ma'am, but we don't have any vacancy for you." Pag-tatapat nito, napalobo naman ang kaniyang pisnge at dismiyadong tumango habang tinignan naman ang paligid, ang ganda ng hotel na ito at para lamang ito sa mayayaman.

Kaya naman nakaramdam siya ng hiya dahil suot nito ang sombrero.  Bukod sa hiya, kaba hindi naman niya maalis ang inis dahil noong tawagin siyang ma'am nito.

"Sige thank you." Walang sabi-sabi, umalis nalang ito sa pinuntahan na hotel. At hangang sa napunta naman siya sa isang bar para hanapin ang manager.

Lumabas naman ang isang mayordoma na may hawak na abaniko habang pinapaypayan ang sarili.

"Ikaw ba yung nag-apply?" Tumango naman si Mj at napalunok dahil bakit iba ang kutob niya. Kaya naman napasilip siya mismo sa loob, halos sumakit ang mata niya noong may makita siyang puro matcho dancer na naka boxer at nakabakat ang mga bukol nito. Putangina tama ba siya ng pinasok? Kung oo pwes pwede na siya makaalis dito dahil hindi niya gugustuhin pa makakita ng ganito dahil ngayon palang hindi na niya masikmuraan ang mga ginagawa ng mga tao dito sa loob. Puta talaga, bulong niya mula sa isipan.

Tinignan niya ang mayordoma na puro koloreto ang mukha, pweh! Nakakasuka para itong si barney. Nakataas lamang ang isang kilay nito tila'y nag-hihintay ng sagot. Maya't-maya pa ay may lumapit sakanilang matcho dancer at sinayawan ang mayordoma.

" may vacancy pa po ba kayo para sa bartending?"tanong niya at ngumiwi, ng lumapit sakanya ang matcho dancer at sinayawyawan siya nito. Malapit na talaga makakapanikmura na talaga siya.

"Wala, matcho dancer ang hanap namin." Sagot nito. Agad naman siya umiwas sa bwiset na matcho dancer.

"Ah ganon po ba."

"Bakit pwede ka naman dito ah? Tsaka isa pa magaganda naman yang pangangatawan mo, tiyak na dadami ang mga customers namin." Turo nito sa mga tao sa loob, lalo na sa mga grupo ng mga paminta na tila'y tuwang-tuwa na para bang may nakitang masarap na putahe. Kadiri talaga, napangiwi nalang si Mj noong masaksihan ang kaganapan.

"Nako hindi po, hindi bale na salamat nalang." Sambit nito at napakamot sa ulo at nabigo nanaman sa trabaho. Noong sinabi niya iyon sa mayordoma, inirapan lamang siya nito at inalisan.  Tssss. Ayos lang daw iyon atleast may natitira pa  daw siyang dangal sakanyang katawan.

Kapag nakaipon daw talaga siya, hindi siya mag-dadalawang isip na mag-abroad at doon mag-trabaho. Tutal wala naman siya binubuhay kundi sarili niya lang, pero mas okay raw kasi yung may sariling pera, kapag may sarili kang pera maayos ang magiging takbo ng buhay niya, plano niya rin kasi mag-tayo ng negosyo.

Napabuntong hininga nalang si Mj, umupo nalang ito sa hallow bricks na ginawang gather sa gilid ng kalsada para mag-pahinga siya saglit dahil kanina pa siya palakad-lakad, kay lawak rin ng kalsada at napaka layo pa ng lalakadin. Halos tagaktak na rin ang kaniyang pawis at uhaw pa, sa kinamalas-malasan nga naman na pag-kakataon, bakit tubig pa ang nalimutan niya.

Sobrang inis, pinili nalang nitong mag-epbi noong mailabas ang kaniyang bagong selpon. Halos kakaunti lang rin pala ang facebook friends niya, tsaka isa pa hindi niya rin ginagamit ang real name niya lalo na ang kaniyang dp para wala raw makilala.

Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now