16

68 5 0
                                    

Dismiyadong sinusulyapan ni cassie si Mj na nakahiga sa sofa habang ito'y malalim ang iniisip, nakatihaya itong nakatingin sa kisame ngunit maya-maya lang ay iritado itong tumagilid.

Walang nagawa si cassie, pero iniisip niya baka naman nahihirapan ito sa pwesto dahil halos kakalahati lamang ang katawan nito at pang-dalawahan tao lamang ang sofa na tinutulugan ni Mj.

Kaya naman hindi natiis ni cassie na lapitan ito, habang nakatalikod sakanya. Medyo kinabahan pa nga siya kalabitin ito dahil pumalatak pa ito. Sorry naman, hindi niya sadya itong storbohin natatakot siya baka sapukin siya bigla nito.

"Uhm, baka nahihirapan ka, pwede naman sa higaan ko." Suggest niya,
Tutal pang king size naman ang kama niya at kasyang-kasya silang dalawa.

Ilang segundo silang nag-titigan ngunit hindi mapigilan ni Cassie ang mapapikit-pikit dahil para siyang natutunaw sa mga titig nito.

"Pwede ba?" Bigla siyang nabuhayan sa sagot nito, kaya naman natuwa siya sa loob-loob niya, at mabilis na tumango, kinagat pa nga niya ang labi upang huwag mapangiti.

"Sabi mo ha." Mabilis itong bumangon sa sofa at lumipat sa kama, habang si cassie naman ay hindi pa rin mabura ang ngiti mula sa labi habang sumusunod sa lesbiana para mahiga.

Humiga na rin si cassie, Habang si mj naman ay umusod sa pinaka gilid, yung tipo bang ayaw niya madikit kay baklang cassius.

Sa kabilang banda naman kahit hindi pa naman talaga inaantok si Mj sinubukan na lamang nito pumikit. Napagod raw siya ngayong araw.

Bumuntong hininga ito, sa ngayon kailangan niya muna mag-banat ng buto, titiisin niya muna makisama sa isang bakla na hinaharot-harot siya, na wala naman iba siyang ginawa kundi mabwiset. Sa ngayon mukhang mabibwiset siya sa araw-araw dahil palagi niya ito makakasama. Putangina talaga kapag nakaipon siya ng pera, aalis talaga siya dito sa ngayon kasi wala siyang ibang malalapitan, kaya kakapit muna siya sa bakla.

"I thought you're sleeping Uhm?" Sa malalim na pag-iisip, ang bakla naman bigla-bigla nalang nag-salita ang baklang pasweet na kinumutan siya ngayon.

Bigla naman siya nilingon ni Mj. Sa kunot-kunot ang noo.

"Salamat." Tipid nitong sagot, malamig talaga kapag bandang 2:00 A:M ng madaling araw.

"Namamahay ka ba?" Tanong nito

"Siguro." Maikli nitong sagot.

Ngunit kahit ganoon ang katumal ang sagot sakanya ni Mj. Hindi pa rin siya mag-sasawang daldalin ito.

Bigla naman bumangon si cassie sakanyang kinahihigaan at napainat, napatingin rin mula sa bintana na nakahawi ang kurtina, ngayon niya lang napag-tanto na nag-karoon ng rain shower sa oras na ito, kaya pala ang lamig.

"Umuulan." Aniya niya, sa tuwing nagkakataon talaga na nag-kikita sila lagi nalang umuulan.

Bumangon rin si Mj at hindi rin naman naiwasan sumagot.

"Sa tuwing mag-kikita ta'yo, lagi nalang umuulan?" Windang niya.

Ganon rin ang naisip ni cassie.

"Oo nga no?"

"Anong meron?"

"Hindi ko alam."

"Alam mo ba?" Umpisa ni Cassie. " the two people met in the rain?, at ang tawag sakanila ay Phuviophiles."

"Bakit?" Sagot naman ni Mj. Na pinatulan ang sinasabi ni Cassie."

"Okay, mag-eexplain nalang ako kung hindi mo na gets yung sinasabi ko. My mom told me when i was young, its rainy day, and i have a fight to my eldest sister because of her Barbie's. Pinatigil ako ni mom sa kakaiyak dahil hindi raw maganda tignan lalo na sa isang tulad ko.So habang pinatatahan ako nag-kwento siya. "

"About two people who love's in rain and until they met, she said rain has a meaning."

"Peace, Love, and Joy"

"And who ever has always meet on the rain, this people, destiny will decide love each other."

Bigla naman pumilantik ang mga pilikmata ni Cassie, habang si Mj. Naman ay biglang umasim ang mukha.

"Sus! Kwentong barbero!" Usal niya, kaya naman natawa si cassie sa naging reaksyon nito dahil hindi ito naniniwala sa pinag-sasabi niya kahit totoo naman. Totoo naman at hindi niya niya iyon gawa-gawa lang, peks man! Mamatay man ang kapit bahay nila!

"Hahaha! Mukha ba akong nag-bibiro?"

"Sa mukhang mong yan? Oo karamihan sainyo mahilig kayong mang-okray!"

"Wow ha? Ako pa talaga ummookray sa'yo, ni hindi ka nga mabiro e."

"Ang seryoso mo e no?, siguro pati buhay mo seryoso?"

Nangunot naman ang noo ni Mj.

"Wala ka na don!" Padaskol nitong saad at humiga ulit.

"Sabi ko nga hehehe. Sungit." Bulong nito, at humiga na rin.

Halos mag-aalastres na rin sila nakatulog.

~•~

Kinaumagahan, may bahid na ngiti mula sa labi ni cassie habang ito'y nag-hahanda ng umagahan, tila ba'y may kung anong paru-paro mula sakanyang tyan. Nauna kasi itong nagising at hindi niya aakalain na sa umaga ay si Mj kaagad ang bubungad sakanya.

Naimagine niya tuloy ay buhay na mayroong pamilya, nakakatawa lamang akala mo'y isang tunay na babae na nag-hihimas sakanyang tyan at nag-iisip kung ilan ba ang magiging anak nila. Nako baka hindi lang raw sampu kundi baka maging bente ang magiging anak nila, kung ganon ba naman ang kaniyang mister ay bubuka kaagad ang kaniyang mga hita.

Papungas-pungas naman na bumababa si Mj. Mula sa hagdan hangang siya ay salubingin ni Cassie at inalok itong mag-umagahan na. Pinag-hain pa nga ito ng makakain at inusuran ng upuan para ito'y maupo kung ituring animo'y kaniyang prinsipe, sabagay prinsesa siya dapat ay mayroon rin siyang prince charming.

"Good morning!" Bati nito na kay sigla.

"Morning." Tipid lamang nitong sagot, kahit matumal itong kausap, kinikilig parin ang kaniyang eggs.

"Uhm nga pala, Sabay na tayo mamaya pumunta sa salon?" Pag-aalok nito, si Mj naman abala lang kumuha sa mga nakahain.

"Okay." Maikli nitong sagot, na ikinangiwi naman ni Cassie kahit na ang cold nito kausap, hindi pa rin siya mapapagod itong kausapin.

"Kamusta tulog mo? Ayos lang ba? Hindi ba malamok? Nilamig kaba???o Naninibago ka pa rin????" OA ang naging reaksyon nito, kaya naman nangasim ang mukha ni Mj.

"Kaaga-aga ang daldal mo." Prangka nitong usal, take note ayaw ni Mj ng madaldal at masyadong OA.

"Sagutin mo nalang tanong ko uhmmm???" Pag-lalambing nito, ngunit pinaikutan lamang siya ng mata ni Mj. Habang ito'y kumakain, at mahinhin na napahagikgik si Cassie dahil sa angkin kagwapuhan nito.

"Kailangan ba 'yon?, interview???" Inis na usal ni Mj habang kumakain ng Camatis at Hotdog.

"Uhm, oo."

"Ayos lang." Tipid nitomg sagot na mukhang nabitin pa sa kinakain at nakadalwang sandok.

"Kain lang." Saad ni Cassie na nag-papantasiya ito.

"Kahit naiinis ako sa'yo, salamat na lang sa mga naitulong mo. Pasalamat ka at may utang na loob ako sa'yo dahil wala akong ibang malalapitan."

Nagulat na lamang si ang baklang pa sweet sa huling sinabi ni Mj. Kahit na may laman pa itong pag-kain ay napaka linaw iyon sa pandinig niya. Parang bago iyon. Bago sa narinig niya.


Heart of a Saint, life of a sinnerWhere stories live. Discover now