13

59 4 0
                                    

Kinatanghalian, napag-pasyahan ni Mj ang mag-sideline sideline nakipag-sapalaran siya kung saan-saan, ngunit bumalik rin naman ito kalaunan sa bar nila na kung saan patuloy parin itong inirerenovate. Naabutan niya rin ang kaniyang boss na abala.

"Boss." Tawag pa nito.

"Uy Mj." Bati nito noong mapansin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong pa nito.

" wala ho boss bumisita lang." Sagot pa niya, ngunit nag-babasakali na may trabaho itong maiibigay ngayon. Bigla niya tuloy naalala ang renta ng bahay dahil sinisingil nanaman siya ng landlord niya.

"Ah ganon ba?, ang siya nga pala Mj. Balik ka dito sa sabado, start tayo." Lunes palang ngayon, ngunit ilang araw pa bago mag-sabado. At kailangan niya rin pala ng pambayad sa kuryente dahil kakarating lang ang bill nito kani-kanina lang.

Kaya naman matinde siyang napakamot sa ulo.

"Eh boss mag-papaalam po kasi ako, mag-hahanap rin ako ng trabaho kasi kailangan ko talaga." Saad nito na namomroblema sa bayad sa upa at kuryente pati na ang maynilad hindi pa naman dumadating ang bill nito pero mas mabuting handa.

Putangina kasi ni Rambo eh. Asik niya mula sa isipan, dahil kapag parati sila nag-kikita nito puro kamalasan amg dinadala nito sakanya. Putangina din pala ni Franchesca dahil isa pa iyon.

"Ay ganoon ba???" Tumango lamang ito. "Oh sige-sige balitaan mo ako kapag natanggap ka ha. Mabuti iyan at hindi ka tatambay sa bahay mo." Aniya pa nito, muli naman napahawak sa batok si Mj.

Handa na ang Resume niya, bale naka sampu siya ng pag-paxerox dito para sakanyang papasukan na trabaho. Lahat ay pinatos na niya.

Una niyang pinuntahan, ay ang mga fast food chain, sunod naman ay mga hotels. At sa pang huli sunod naman ay parlor naman ang pinatos niya. Napabuntong hininga na lamang ito noong maalala niyang wala na pala siyang selpon kahit isa sa dipindot. Grabe mas mahirap pa siya sa langgam. Nalungkot tuloy si Mj. Dahil hangang ngayon nag-hihintay siya ng tawag ngunit ni isa ay wala siyang natangap dahil wala naman siyang selpon, ang tanga-tanga niya bakit hindi niya naisip iyon.

"Eh boss baka ho pwede makabili sainyo, kailangan ko kasi ng selpon kahit dipindot man lang para sa trabaho ko." Salita nito na may halo ang kaniyang tono na namomrobolema.

Bigla naman nangunot ang noo ng kaniyang boss.

"Bakit?" Tanong nito kaya naman napangiting aso nalang si Mj.

"Eh nag-bigay po ako ng number, kaso hindi naman ako matatawagan dahil wala akong selpon." Nais na umabagin siya ng kaniyang boss dahil sa katangahan.

"Aba'y letche ito. Paano ka matatangap sa trabaho ha?"

"Ayon na nga po."

"Ayon na nga po." Gaya naman sakanya ng boss niya, at walang ano-ano'y nag-labas ito ng pera ulit at inabot sakanya. Kaya naman bigla nag-liwanag ang itsura ni MJ na parang kanina lang ay nilamon ito ng kadiliman.

"Nako po! Maraming salamat boss!!" Tuwa nitong saad, na yakap-yakap ang sobre na may laman na pera.

"Kahit hindi dipindot ang bilhin mo, kasya yan sa pang touch screen. Bumili ka noon para may pang epbi ka din."  Bait talaga ng boss niya pasalamat siya bibihira nalang ang nakakaintindi sakanyang sitwasyon.

Laking pasasalamat niya rito.

Kaya naman tuwa itong umalis noong mag-paalam siya, para makabili na ng selpon ora mismo upang isalpak ang kaniyang sim card.

Mabuti nalang may mga listahan siya ng numero ng mga kompaniyang pinag-applayan niya.

Inayos niya ang cap ng sobrero upang hindi siya makilala ng mga tao sa mga phone store dito sa mall. Pumunta siya sa unit ng vivo, at vivo 7 ang kaniyang napili, kahit mura ito maganda naman ang klase nito, at isa pa malinaw ang camera, kaya makakapag-picture picture na rin siya. Gago ang ganda napaka angas.

"Miss ito bilhin ko." Aniya na tinuro-turo ang selpon, kinuha naman iyon ng sales lady.

"7,500 po lahat." Aniya, noong maiayos na sa box. At may pina fill upan pa ito. Nako sa wakas may magagamit na siya!

"Sige." Noong makuha ang selpon. Umalis na siya sa phone store upang maglibot-libot sa mall. Hangang sa dalhin siya ng kaniyang mga paa papuntang UK. O ukay, dahil ang mga damit dito kahit luma na mukha pa rin bago tsaka isa pa mga brandnew ang mga bagong dating na paninda nilang damit at sapatos.

Walang lumalagpas sa halagang 100, dahil ang mga presyo nito ay tila nag-bagsak na, kaya naman kahit sino ay kayang bilihin ito kahit ilan pa.

Natuwa naman si Mj. Noong makapili ito sa sapatusan, balak niya kaseng bumili ng pang formal para may maiisuot siya sa pang-aapplay. Habang nasa hilera naman siya sa mga sapatusan, lalo na ang rubber shoes at pambasket ball na tatak ay jordan, halos mapamura naman ito ng makita ang bradnew na sapatos at kinuha iyon para sukatin.

"Tangina ang ganda." Aniya, noong maisukat at tinignan ang presyo. Nagulat pa nga dahil mura lang ito dahil ang jordan kapag bumili ka sa pinaka store talaga nito. Ang halaga nito ay mahal, kaya mas maigi pang sa ukay nalang maningin dahil ang minsan ng nauso ay bumabalik rin naman.

Pero hindi muna sa ngayon, waksi mula sa isipan kaya itinanggal ang sapatos sa paa at pinalitan ng black shoes na panlalaki.

"Heto muna." aniya noong makuha, sunod ay pumunta naman siya sa mga slacks mabuti nalang ay katabi na ang mga polo kaya nag-hanap rin siya roon.

Kinuha nito ang isang plain white polo na long sleeve na pwedeng itupi hangang siko. Satisfied na siya roon, kaya naman binayaran na niya iyon sa counter. At dumeretso naman sa food court upang busisiin ang kaniyang bagong selpon at isave ang mga numero ng kaniyang naapplayan.

Ang daming pumasok na message noong makasagap siya ng signal. Tama nga ng hinala may nag-text sakanya na kompanya at tatlo iyon. Dalawang

Hangang sa Naagaw pansin ang huling mensahe at tanging numero lamang ito, iniisip niyavkung sino ang taong, pinag-bigyan niya ng kaniyang number.

"From: 09*********" basa niya na pabulong.

"Hi, MJ its your Sweetie pei, i'm super thankful to you that i am still breathing because of you.I'm hopeful we could met again but for the right time, sana talaga dingin ng tadhana ang sinabi ko itaga ko pa sa puso ko na in love at first sight ako sa'yo noong.Gabing iyon bukod sa may kabusilakasan ka sa iyong puso, ikaw na talaga para sa'kin umaasa ako."

Prangka nitong saad sa mensahe, kaya naman napangiwi si Mj noong matapos iyon basahin at binura ang numero na 'yon.

Kung sino man ang patay na patay sakanya na'yon, malas siya dahil wala siyang maasahan sa katulad ng isang MJ. Magugunaw muna ang mundo bago siya maniwala sa pag-ibig na yan. Masyadong nakakadiri over polluted na.Ngunit may isang bumagabag sa isipan niya. Tssss pwess kung siya man yon, sana lang itigil na ang kahibangan dahil wala siyang panahon para dyan.

Napag-pasyahan nalang umuwi ni Mj, matapos mag-ikot sa mall at ang natirang pera ay ibinigay naman niya kay aling erna, pambayad iyon sa upa kasama na roon ang tubig at kuryente.

"Mj." Saad nito pa sakanya akma siyang aalis sana.

"Po?"

"Kasi." Napahawak ito sa batok. "Good  payer ka naman, wala akong problema sayo. Ang sa'kin lang." Buntong hininga nito. " pwede ba kitang tapatin." Nahihiya nitong saad.

"Paalisin ninyo po ako?" Pangunguna ni MJ.  Kaya naman tango ang sagot ni aling erna na nahihiya pa, mag-iisang taon na kasi itong mangungupahan, tsaka kapag oras na ng bayaran sa rentahan nakakabayad naman ito kaagad at di sila nag-kakaroon ng problema dalawa.

"Uhm, kasi yung anak ko pauwi galing abroad. Kasama ang mga apo ko, maliit lang kasi ang bahay namin kaya ." paliwanag nito.

"Naiintindihan ko po."

"Pasensiya na ha?"

"Okay lang po." Ngunit, bigla naman lumipad ang utak ni Mj, at nag-iisip saan ulit siya makakahanap ng matitirhan, putanginang buhay talaga oo! Naiinis talaga siya sa kaloob-looban niya.

Bahay, bahay ngayon ang problema niya.

"Bibigyan kita ng isang lingong palugit para mag-hanap ng matitirhan mo, pasensiya na talaga." Tabang na tumango si Mj, at umalis nalang para umuwi habang ito'y balisa at tulala na nakatingin sa kisame.

Heart of a Saint, life of a sinnerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt