Special Chapter 3

22K 688 249
                                    

[A/N: This is the last special chapter of TVH, same as TUAT. Focus na ako sa The Squad Series dahil naeexcite na rin ako sa stories nila. Thanks sa support, guys!]

***

Khey's POV

"What else do you need, baby?" Tanong ko kay Harm. She's now three months pregnant at kalakasan ng paglilihi n'ya. Pero hindi naman s'ya gano'n kademand sa pagkain, sa mood swings lang talaga. That's why I'm also careful, ayoko kasing sumama loob n'ya sa'kin. It's not healthy for the baby kapag mastress s'ya.

"I'm okay. Thanks." Tipid na sagot lang naman nito. Tumabi ako sa kanya sa kama. Umusog naman s'ya palayo sa'kin. Patay na, may kasalanan yata ako.

"Bakit? Sorry na, ano ba kasalanan ko?" Tanong ko agad. Mahirap na baka mas tumindi ang tampo.

"Nagsosorry ka pero hindi mo alam?" Tanong nito sa'kin.

"E syempre, baby. Matic na 'yon, sorry na agad bago ko tanungin kung ano kasalanan ko." Nakangiting assure ko sa kanya.

"So you're just saying sorry to stop me from being mad, not because you're really sorry." Parang batang maktol nito. 'Di ko alam kung matatawa o maiinis ako.

"Hindi ah," lumapit pa ako sa kanya at yumakap. "Ano na nga kasi 'yon? Aayusin ko." Siniksik ko ang mukha ko sa leeg n'ya. Bango bango talaga, nakakagigil.

"I will just ask you instead," she negotiate. Okay, may gano'n.

"Hm, go on," pagpayag ko naman. I kissed her neck, hindi ko mapigilan.

"Khey, ano ba?" Pagalit ang tono nito kaya tinigilan ko agad. I heard her hissed before she spoke again. "So.. would you still love me if I was a worm?"

Pigil na pigil ako ng tawa. Ano raw? Mahal ko parin s'ya 'pag naging uod s'ya? Buti nalang talaga top ako kaya hindi ako ang buntis ngayon.

"Yes, baby. I will still love you kahit worm ka pa." Siguradong-siguradong sagot ko.

"You sure?" Tanong n'ya nang may pagdududa.

"Opo, sure na sure." Sagot ko naman agad.

"How about if I was a cockroach? Would you still love me?" Parang batang tanong nanaman nito. Hindi ko na talaga mapigilan ang matawa kaya tinulak ako nito palayo. Pagbaling ko sa kanya ang sama na ng tingin sa'kin. "What's funny?"

"Nothing's funny, baby. I'm just happy with you." I said, still trying to suppress my laugh.

"Don't fool me like a kid, Khey." She said in a warning tone. As if hindi pa s'ya umaakto nang parang bata sa lagay na 'yan?

"Oo na, I will still love you kahit maging ipis ka pa. Kahit maging tutubi, langgam, o kahit anong insekto ka pa." Nakangiting sagot ko na.

"Okay, last question." Seryoso ang tono niya. Umayos naman ako ng upo para pakinggan s'ya. Sana after nito ay matulog na kami. Inaantok na rin ako. "Would you still love me if I was your ex?"

"Hah?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tapos kapag sumagot ako ng oo, sasabihin mahal ko pa ex ko. Ni hindi ko na nga maalala mga pangalan ng ex ko. "I love you as you are, baby. Kung ikaw ang ex ko, you wouldn't be my ex right now. Ikaw parin pakakasalan ko."

"Sounds fake to me." She said in a teasing manner.

"Totoo nga, cross my heart. Tamaan man ng kidlat first kiss mo ngayon." I said with a taste of bitterness on my voice. Hanggang ngayon nga hindu ko pa alam kung sino first kiss n'ya at kung kailan nakuha yunh first kiss n'ya.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now