Chapter 14: Offer

12.2K 494 73
                                    

Khey's POV

"I need your plates next week, okay? That's all for today, class dismissed." Kasabay nag pagtatapos ng klase ni ma'am ay ang pagtunog ng bell hudyat na lunch break na.

Dalawang araw na ang nakalipas since Miss Harm and I talked. Sa loob ng dalawang araw na 'yon, the engagement of Free and Avilyn is dominating the social medias. Gano'n ba siya ka-sikat? And maybe, that's the reason why Miss Harm really enjoyed that night.. o may iba pang rason na ayaw niyang sabihin na siyang dahilan ng paglalasing n'ya.

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria to have our lunch. As usual ay bitbit parin ni Caleb ang bag ko at sabay kaming naglalakad sa likuran.

"Lebleb," tawag ko kay Caleb.

"Hmm?" Tanong niya naman.

"Example lang to ah," paunang wika ko. Seryoso lang s'yang nakatingin sa 'kin. "Pa'no kung my nagugustuhan kang isang tao pero aalis na s'ya, pipigilan mo ba?" Seryosong tanong ko.

Kumunot naman ang noo n'ya pero sumagot parin. "Nope." Tipid na sagot n'ya.

"Why?" Kuryosong tanong ko. 'Diba dapat pigilan mo kasi gusto mo s'ya eh and you want to prove yourself to her, ganon.

"Kasi you don't have the right." Diretsong sagot n'ya. Yeah, right.. you don't have the right. Kasi ni hindi nga kayo committed sa kahit anong relationship. Napabuntong hininga nalang ako.

Siguro, 'yon nalang talaga ang kaya kong gawin. To make her remaining days here in the Philippines memorable. Atleast, in that way maaalala niya ako.

"Why? Do you like someone already?" Biglang tanong ni Caleb nang makarating kami sa cafeteria.

"What? May nagugustuhan na si Khey? Sino 'yan?" Singit agad ni Vera nang marinig ang sinabi ni Caleb.

"Dating gawi ba, Khey?" Nakangising tanong naman ni Jordan. While Sky, nakatingin lang sa 'kin nang diretso na parang alam na niya kung sino ang sagot sa tanong ni Vera.

"Wala, ang chismosa't chismoso n'yo!" Dipensa ko naman. Pinagtulakan ko na si Jordan at Caleb na bumili ng lunch namin. Parang mga sira kasi.

"So, who's this unlucky girl?" Natatawang tanong ni Vera pagkaalis ni Caleb at Jordan.

"Wala nga, Vera, 'wag ka nagpapaniwala sa chismis." Pambabalewala ko sa tanong n'ya.

"Tsk." Rinig kong asik ni Sky kaya sabay kaming napatingin sa kanya ni Vera. Naabutan ko pa ang masamang tingin niya sa 'kin kaya hindi ako nagpatalo at nakipagtitigan din sa kanya.

Tila nag-uusap kami sa mga tinginan namin. Walang bumibitaw. I clenched my jaw nang mas tumalim ang tingin niya.

"Uhh, guys.. ayos lang ba kayo?" Alanganing tanong ni Vera kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin. "May kailangan ba kayong sabihin sa 'kin, ha?"

"Wala." Sabay naming sagot ni Sky. Tch. Bakit ba siya ganyan? Ano naman kung may gusto nga ako kay Miss Harm. It's not my fault kung ako 'yong gustong i-entertain ni Miss Harm despite rejecting me days ago.

Yeah, finally, inaamin ko na sa sarili kong may gusto ako sa kanya. Dahil hindi naman ako aabot sa ganitong punto kung wala. At, plano kong sabihin sa kanya ang feelings ko sa date namin. Sunday. Wala ng atrasan.

"You two, baka mamaya babae pa pag-awayan n'yo. Pag-uuntugin ko kayong dalawa." Banta sa 'min ni Vera bago dumating sila Caleb dala ang mga pagkain namin.

"May pinagawa na rin bang plates sainyo sa FAR 3103?" Tanong ni Caleb habang kumakain kami.

"Yup," tipid na sagot ko naman. Alam ko na 'yang sasabihin n'ya kaya inunahan ko na s'ya. "Pero ako na gagawa." Segunda ko.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now