Special Chapter 1

18.1K 530 107
                                    

[A/N: R18+ This chapter may have explicit scene that are not suitable for young readers. Read at your own risk. This is continuation of the Epilogue.]

***

Khey's POV

"Baby, can we stay here for tonight? It's dark already." I said to Harm. Nandito parin kami sa veranda and I'm hugging her from the back.

It still feels magical. Para akong lumulutang sa saya. Ang hirap ipaliwanag but I love the feeling. Ayoko nang mawala 'yong ganito. I won't ever forget this day. Our next goal is our wedding day. I promise to make it more magical than this day.

"Sure," Harm answered. "Aren't you hungry yet? May laman na 'yong fridge right? I can cook for us." She said while caressing my hands on her waist.

"Not yet. Ikaw ba?" I asked her back.

"No pa," sagot niya naman.

"May isa pa tayong hindi napupuntahan." I said. Niyakap ko s'ya nang mas mahigpit. I bury my face on the side of her neck and inhaled her sweet vanilla scent. Ang bango. "Pool." I whispered.

"Let's see it then after that I'll cook for us." She said in her soft voice.

"Tara," inilahad ko sa kanya ang kamay ko. Hinawakan niya naman 'yon habang nakangiti kaya hila-hila ko ulit s'ya papunta sa pool. In-on ko muna ang mga switch ng ilaw rito sa bakuran namin, kasama na 'yon ang ilaw na nanggagaling sa ilalim ng pool.

"Wow," she suddenly blurted out. Binitawan ko muna ang kamay n'ya saka hinubad ang pang itaas na damit ko. "Hey what are you doing?" Tanong n'ya naman sa'kin.

Tinanggal ko na rin ang ang pants ko, leaving only my panty and sportsbra. I jumped to the pool. Umatras pa ang fiancee ko dahil sa talsik ng tubig.

"Halika, dali!" Aya ko sa kanya habang nagtatampisaw na sa tubig. Mababaw lang naman 'to, 5ft lang.

"Gabi na, Khey. Baka magkasakit ka." Saway naman n'ya sa'kin. Nakatayo parin s'yang nakatingin lang sa'kin, halatang walang balak pumunta rito.

"Saglit lang, dali na," pamimilit ko pa pero umuling lang s'ya. "Sige, hilahin mo na ako," inabot ko sa kanya ang isang kamay ko para magpahila pataas.

Inabot n'ya naman 'yon pero bago pa niya ako mahila ay s'ya na ang hinila ko papunta sa pool.

"Khey!" Sigaw n'ya pero wala na s'yang nagawa dahil tuluyan ko na s'yang nahila at basang-basa na lahat ng suot n'ya. Tinawanan ko lang tuloy s'ya. May kinuha s'ya sa bulsa n'ya and she pouted while showing me her phone. Nabasa 'yon at ayaw ng sumindi.

I chuckled, "Bili ka nalang bago, marami ka naman pera." Natatawang wika ko sa kanya. Umismid lang s'ya sa'kin.

"Bilhan mo ko, I'm broke." Masungit na saad n'ya kaya mas lalo lang akong natawa. Kailan pa 'to nawalan ng pera? Pwede ko na nga s'yang maging sugar mommy sa kung anu-anong pinagbibili n'ya sa'kin. Buti nalang naunahan ko s'yang magpagawa ng bahay.

"Ilan ba?" Nakangising tanong ko.

"Ilan ba kaya mo?" Hamon n'ya sa'kin. Aba.

"Ganon?" Naglakad ako palapit sa pants kong nasa sahig. Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone. May tatawagan sana ako para patulan yung hamon n'ya nang bigla s'yang lumapit sa'kin.

"I'm just kidding, tsk." Kinuha n'ya sa kamay ko yung phone ko at inilapag sa ibabaw ng mga tuyong damit ko. "Undress me," biglang utos n'ya saka itinaas ang parehong kamay sa harap ko.

Syempre hindi na ako nag isip pa. Tinanggal ko ang dress na suot n'ya. She's wearing a panty and a bralette.

"Food is served," bulong ko sa sarili before I pulled her closer to me. Magkalapat ang mainit naming katawan sa ilalim ng malamig na tubig.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon