Chapter 2: Library

15.9K 591 280
                                    

Khey's POV

"Hoy, Khey!" Tawag ulit sa 'kin ni Sky nang papasok na ako sa library. Nakasunod lang talaga siya sa 'kin.

"Shhhh." 'Yong librarian na nakatapat ang pointing finger sa labi niya. Kakapasok palang namin, may warning agad.

Nagtuloy lang ako sa paglalakad. Umakyat ako sa hagdan hanggang sa makarating sa 2nd floor. Parang mas kaunti ang tao dito kaya dito na lang ako tatambay.

"Ayaw mamansin amp." Wika ni Sky dahil hindi talaga ako lumilingon kahit nakailang tawag na siya sa 'kin. Alam naman niyang ganito ako tuwing naiinis. "Sorry na, 'wag ka na magalit. Uwu."

"Ano ba, Sky! Para kang tanga." Hinawi ko ang mukha niya dahil tinatapat niya 'yon sa 'kin and she'll make pa-cute face. Parang gago eh, hindi naman bagay.

Tumayo ako sandali at nagtingin sa nagtataasang bookshelves. Baka may makita akong gusto kong basahin para may magawa naman akong may kabuluhan.

I'm holding my chin as I run my eyes through the books. Ang nice, ang gaganda ng book covers, mukhang magandang basahin.

"Percy Jackson and the Olympians." Basa ko sa isang libro sa pinakagilid, hindi lang isa 'yon kundi apat, mukhang isang series. Kung tama ang naalala ko, Greek Mythology 'yon, napanood ko na movie no'n e.

Lumapit ako kung saan nakalagay 'yong libro. Kukunin ko na sana nang may isang kamay din ang dumapo sa libro kaya kamay niya tuloy ang nahawakan ko. Napaharap agad ako para tingnan kung sino 'yon.

"M-miss Harm.." nauutal pang bigkas ko sa pangalan niya. Her eyes drifted on my hand na nakapatong sa isang kamay niya kaya tinanggal ko agad. Napaiwas pa ako ng tingin. Nakakainis! Hindi naman ako ganito e pero bakit pagdating sa kanya tiklop agad ako.

"Just get the book." Wika niya at sabay tinanggal din ang pagkakahawak sa libro.

"Hindi na, Ma'am. Hindi ko naman po babasahin." I declined her offer. Mas mabuti kung siya nalang kumuha para mapakinabangan talaga 'yong book.

"Okay." She said briefly and pressed her lips in a thin line. Naglakad na siya pabalik sa mga tables. Napabuntong hininga na lang ako.

Gust ko nalang iuntog ang sarili ko sa pader. Tangina, ano ba nangyayari sa'kin? Hindi naman ako gano'n sa girls. I often get along with people, with any gender or sexuality.

Nagtingin pa ako sandali pero wala naman akong librong natipuhan kaya naglakad nalang ako pabalik sa table kung saan ko iniwan si Sky kanina. Laglag ang panga ko nang maabutan ko si Sky sa table, kasama si Miss Harm at mukhang masaya silang nagkikwentuhan.

"Fan din po ako ng greek myths. Ma'am, kung hindi siguro maharot si Zeus, siguro ganito lang kanipis 'yong book about greek myths." Sky said while showing her thumb and pointing finger na parang nagpapakita ng manipis o maliit na bagay.

"I agree." Miss Harm said then chuckled. Mas lalong nalaglag ang panga ko when I heard her chuckle. Unfair amp, kapag kay Sky tumatawa-tawa lang tas sa 'kin sobrang seryoso.

Naglakad ako papunta sa table at naupo sa tabi ni Miss Harm. I witnessed how confusion was drawn into Sky's face. Natahimik din sila bigla sa pagkikwentuhan. Parang may dumaan na anghel.

"Ituloy niyo lang kwentuhan niyo. Don't mind me." Wika ko at kunyaring inabala ang sarili sa cellphone ko. Nagscroll lang muna ako sa facebook.

Ano ba 'yan, puro naka-in a relationship lang makikita ko. Sarap ipag-u-unfriend e.

"Do you watch stranger things, Ma'am?" Tanong ni Sky kay Miss Harm.

"Yes, the show is really good." Sagot naman ni Miss Harm. Simula pag-upo ko sa tabi niya, halos hindi na ako gumalaw. Dapat pala sa tabi nalang ako ni Sky naupo para pwede ko s'yang tingnan.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now