Chapter 18: Rooftop

13.6K 580 453
                                    

Khey's POV

I feel like I came from a deep sleep. Mabigat parin ang talukap ng mga mata ko.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. White ceiling, white wall, me laying in bed, may swero sa kamay. I realized that I am at a hospital.

Flashbacks of what happened crossed my mind. I almost got raped.. muntik na.. fuck, fuck this life. Ayoko na, ayoko na ng ganito, pagod na ako. Pagod na akong ilaban 'tong buhay kong wala namang patutunguhan.

"Khey, khey! You're awake!" Rinig ko ang galak sa boses ni Caleb. Tumingin lang ako sa kanya sandali atsaka ko ulit ibinaling ang tingin ko sa puting kisame. "Our family lawyer, he'll help us na ipakulong ang step brother-" I cut him off from talking.

"Hindi ko s'ya kapatid." Madiing wika ko. After everything, matatawag ko pa ba s'yang kapatid? Wala akong kapatid na demonyo. Oo, masama ako pero hindi gano'n kadumi ang budhi ko. Kung pinatay n'ya nalang sana ako, baka nagpasalamat pa ako. 

"Hm, basta, I'll help, okay? Oh, what are you doing?" Tanong n'ya nang bumangon ako. "Khey, 'wag mong tanggalin!" Pero huli na dahil natanggal ko na 'yong swero na nakakabit sa kamay ko. Dumugo pa 'yon nang kaunti. "Saan ka pupunta?"

"Maliligo." Tipid at malamig na sagot ko. Sinamahan pa n'ya ako hanggang sa makapasok ako sa banyo.

I look at myself at the mirror. Kitang-kita ko ang mga mapupulang marka sa leeg ko. Kusa nanamang tumulo ang luha sa mga mata ko. Tangina, tangina niya, tangina.

Naghanap ako ng tela na pwede kong gamitin. Binasa ko 'yon at naglagay ng kaunting sabon. Kinuskos ko 'yong tela sa leeg ko. I know that this won't work but I want to brush it, until the feeling of his lips on my neck fades, until I erase the trace of his filthy lips on my neck.

Sadly, it didn't fade. Hapdi lang ang nararamdaman ko sa leeg ko ngayon na sobrang pula. I stare at the mirror again. Looking at myself, I look like shit, with my dried tears, messy hair. "Fuck!" Napamura ako nang bigla kong makita ang mukha ni Stanley na may nakakalokong ngisi sa salamin kaya nasuntok ko agad ang salamin.

Nabalot ng dugo ang kamao ko dahil sa pagkawarak ng salamin. May naiwan pang bubog sa kamao ko. Fuck! Tangina! I thought he's here! Fuck shit! Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Khey! Are you okay?! What happened, Khey?! Open the door!" Sigaw ni Caleb mula sa labas ng banyo. Narinig n'ya yata ang sigaw ko at ang pagkabasag ng salamin.

Naghilamos muna ako gamit ang isang kamay ko. Tumutulo parin ang dugo mula sa kabila. Weird, but I can't feel any pain from my hands. Manhid na siguro ako physically. Tuloy parin ang pagkabog ni Caleb sa pinto kaya binuksan ko na.

Napamura agad s'ya. Tumawag s'ya ng nurse para magamot ang sugat ko. Nakatulala lang ako habang chinicheck kung maayos ba ang lagay ko. Physically, I feel fine. But emotionally, feeling ko sasabog na ako.

It's really weird. Pakiramdam ko sobrang sakit ng dala ko, but at the same time parang namamanhid ako. Ironic that if the two contradicting feelings were combined, it can make a massive heartbreak.

"Sabi ng doctor, pwede ka ng umuwi bukas. Mag-stay ka muna sa bahay namin para mas mabantayan kita. Balak nila Vera na dumalaw bukas pero sabi ko sa bahay nalang para makapagbonding din tayo." Kwento ni Caleb habang inaayos ang mga gamit sa table.

Katatapos lang naming magdinner pero nakatatlong subo lang ako. Hindi ako nakakaramdam ng gutom.

"Gusto ko ng ice cream." I said with my cold voice while looking at him.

"Bukas nalang, gabi na e-"

"Gusto ko ngayon." Pilit ko. He sighed.

"Okay, mabilis lang ako. Stay there." Paalala n'ya bago lumabas ng silid. Naghintay ako ng isang minuto pagkaalis n'ya bago ako bumangon at lumabas.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now