Chapter 15: Almost

13.6K 562 75
                                    

Khey's POV

I didn't hesitate to shove off the hand of whoever the fuck is this. Pero nagulat ako nang pagharap ko ay makita ko si Miss Harm na nakasuot ng pambahay na damit. Buti nalang hindi ko siniko o kung ano.

"Miss Harm?" Takang tanong ko agad. Nawala lahat ng kaba ko nang makita ko siya. She's still holding my phone while looking at me seriously.

"Your flash was on. If you clicked that shutter, she'll notice that someone took a photo of her." Paliwanag niya sabay abot ng cellphone ko. Oo nga, nakabukas ang flash ko, nasa madilim pa akong parte kaya mahahalata agad 'yong ilaw.

Tangina, mabuti nalang nandito si Miss Harm. Napahamak na sana ako.

"But what are you doing here, Ma'am? Gabi na ah." Kuryosong tanong ko. Umatras siya ng kaunti because our position were too close.

"I just wanna buy some coffee but I saw you here. Ikaw, why are you stalking a girl?" She asked while arcing her brow.

"Ma'am, masama pong mambintang." Wika ko naman nang umiiling-iling pa.

"Taking a picture of someone without their permission?" Makahulugang tanong ulit niya.

"Nagpapractice lang po ako ng candid pictures para sa date natin." Pagrarason ko naman. She just hissed, mukhang sinukuan na ang pagtatanong sa'kin. Kahit anong tanong niya hindi ko rin talaga sasabihin. I'll find this out alone.

Hindi na siya nagsalita kaya lumingon ulit ako sa coffee shop. Wala na do'n 'yong babae. Nainip na yata. Pero tinawag niya ako, sa susunod na tumawag siya pwede kong ipa-trace, hindi na ako gaanong mahihirapan.

"Ma'am, sandali!" Pigil ko kay Miss Harm nang tumawid na siya papunta sa coffee shop. Sumunod ako sa kanya papasok. Nagpunta siya sa counter and ordered a coffee. Gano'n din ang ginawa ko. Nakabuntot lang ako sa kanya.

She sat on of the tables kaya nakiupo rin ako sa tapat niya. I'm smiling while sipping on my coffee. Hindi nasayang ang pagpunta ko rito, nagkaroon pa kami ng instant coffee date ni Miss Harm.

"Ma'am, kailan ka pala aalis? Anong exact date? Pwede akong maghatid sayo papuntang airport, baka sakaling magbago isip mo." Pagbibiro ko sa kanya. She just looked at me with blank expression.

"Mica will drive for me." She answered then placed her coffee at the table. Nilagay ko rin muna sa table ang kape ko.

"Matagal na po kayong magkakilala ni Mica?" Magalang na tanong ko parin. Tumango agad s'ya at uminom ulit sa kape niya. "Gaano katagal na?"

"Almost four years." Maikling sagot niya.

Hmm. Matagal na pala silang magkakilala. Five years. By looking at Mica's stares to Miss Harm, parang hindi lang kaibigan tingin n'ya kay Miss Harm, o nag iilusyon lang ako? Law student, ibig sabihin may natapos ng kurso 'yon.

"Ma'am-" itatanong ko sana kung paano sila nagkakilala pero naputol 'yon dahil sa babaeng tumawag sa pangalan ko.

"Khey!" Sabay kaming napalingon ni Miss Harm sa isang pamilyar na babae. Nanlaki agad ang mata ko ng makilala ko kung sino 'to. Ex fling kong maharot. Anong ginagawa nito rito?

Tumingin muna ako kay Miss Harm na mukhang walang pakialam sa paglapit ng babae sa table namin. She reached for my cheeks at hinalikan ako doon. Nanlalaki ang mata kong napabaling kay Miss Harm na wala paring pagbabago sa expression.

"Cara." Tawag ko sa pangalan niya sabay ngiti nang pilit.

"It's Carmen, Khey." She corrected her name. Wala naman akong pake kahit Cardo pa ang pangalan niya. Naiistorbo 'yong date namin ni Miss Harm dahil sa kanya.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now