Chapter 24: Khey's Bed

14.6K 558 327
                                    

Khey's POV

Nakabilog kami ngayon sa sahig habang may bote sa gitna at hawak ni Niks ang glass bowl. Harm is right, this is fun pero sana 'wag akong maging suki ng bottle.

"Game na?" Tanong ni Niks.

"As if may choice kami Niks." Nagtataray na wika ni Carol. Nagtawanan naman ang lahat.

"Spin ko na!" Niks spin the bottle. Medyo matagal 'yon. Lahat yata ay nag-aabang kung sino ang unang ituturo ng bottle. Tumingin pa ako kay Harm, sumulyap din s'ya sa'kin saka ngumiti. "Anak ng!"

Nabalik ang tingin ko kay Niks. Lahat ay sabay-sabay na nagtawanan.

"History repeats itself lang?" Natatawang kumento ni Carol. Kay Niks kasi nakaturo 'yong bottle.

"That also happened four years ago." Harm whispered while chuckling. Oh, biktima s'ya ng sarili n'yang patibong.

Four years? Ang tagal na rin pala nilang magkakakilala. I'm curious kung paano kasi malaki rin ang age gap nila. Naging students kaya n'ya ang magbabarkadang 'to?

"Bunot ka na, ako na titingin." Wika ni Carol habang nakalapit kay Niks ang glass bowl. Busangot na bumunot naman si Niks dito. Inabot n'ya ito kay Carol. "Oh, it's a truth." Carol said then laugh.

"Ano 'yon? Bilis!" Wika ni Lara na pinsan ni Niks. Mukhang nag-eenjoy itong si Niks ang naunang mataya.

"Where was the most unusual place you had sex?" Nagkantyawan agad ang lahat. Unang question palang pero ang lala na. Pa'no pa kaya 'yong mga susunod?

"Sagutin mo na, Niks. Bagal nito." Wika ni Free habang hawak ni Miss Avilyn ang kamay n'ya.

"Baka sa sagingan 'yan." Carol said then burst out laughing. Natawa rin kami sa sinabi ni Carol.

"Parking lot." Tipid na sagot na Niks habang pinamumulahan ng mukha. "Oh wala ng maingay, next na." She spins the bottle again.

"Naughty girl," umiiling na kumento ni Saji sa tabi ni Niks. Niks just pouted.

"Oh, Free, it's your turn!" Carol exclaimed while smiling. Kumuha na ng papel si Free sa glass bowl. "Dare. Tell us about your wildest dream." Basa ni Carol sa nakasulat.

"Panaginip ba?" Tanong ni Free. Tumango naman si Carol. Mistulang nag-isip naman ito.

"Ay ako, alam ko!" Niks exclaimed then laugh.

"Anong alam mo? Baliw," pang-aasar naman ni Free na hindi parin makaisip tungkol sa ikikwento nito.

"Four years ago, there's one time na nasa kwarto mo ako para gisingin ka, aalis yata tayo that time. And you were hmmbbbb-" hindi natuloy ni Niks ang pagkikwento nang takpan ni Free ang bibig nito.

"Hoy, ano 'yon?" Kuryosong tanong agad ni Carol. Si Free naman ay pinamumulahan ng mukha. Avi's looking at her na mistulang nagtatanong din.

"Wala, wala! Next na, spin ko na!" Wika ni Free saka in-spin ang bottle. Si Niks ay tumatawa parin kahit masama na ang tingin ni Free sa kanya.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Carol nang sa kanya naman tumapat ang bottle.

"Ayan ang ingay mo kasi." Natatawang wika ni Niks. Bumunot na si Carol sa glass bowl. "Truth. What is your craziest one night stand story.." pahina nang pahina ang boses ni Niks sa pagbabasa. After non ay nagkatinginan sila nila Carol, Mica at Free. Pati rin si Miss Avilyn at Harm.

"Bunot ka nalang ng iba-" pigil ni Mica pero pinutol lang s'ya ni Carol sa pagsasalita.

"I'll answer it." Mapait na wika ni Carol. She heaved a deep sigh. "I had a one night stand, we were both so drunk, ni hindi ko maalala ang mukha n'ya. Nabuntis ako kaya nahuli akong makagraduate. Crazy right?"

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now