Chapter 12: Somewhere

13.7K 551 88
                                    

Khey's POV

Tuesday. Napagpasyahan ko nang lumabas sa lungga ko. I also received a letter from our school yesterday; a warning na kung hindi ako magrereport sa admin ay baka bumagsak ako this sem.

It's been three days since I asked Miss Harm about that thing. Umalis na rin siya agad no'n matapos naming mag-usap. Hindi ko na rin alam kung anong dapat kong i-act towards her. Maiilang ba ako? Mahihiya o aaktong parang walang nangyari? Ayoko nalang isipin.

"Khey," Caleb runs towards me nang makalabas ako ng kotse ko. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. "I missed you. How are you feeling? Ayos ka na ba? Kumakain ka na ba?" Sunod sunod agad ang tanong n'ya.

"Dami mong tanong, mahina ang kalaban." Natatawang sagot ko.

"Pumayat ka, Khey." Puna ni Vera matapos namin magbitaw ni Caleb sa yakap.

"Nagdiet talaga ako." Nakangising sagot ko.

"Ulo mo diet." Bara naman sa 'kin ni Sky. Lumapit s'ya sa 'kin and she also gave me a hug. "'Wag mo na ulit kaming i-ghost, gago ka." Bulong niya sa gitna ng yakap namin. I smiled. Kahit gago 'to si Sky ramdam ko siya.

"Oo na, dami alam." Sagot ko.

Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Tuesday ngayon, si Miss Harm parin first period namin.

"Sure ka ng ayos ka na?" Tanong ulit ni Sky sa tabi ko.

"Wala namang magiging ayos nang ganon-ganon lang, Sky. But I need to take a step forward para 'di ako mabulok." Nakangiting sagot ko.

Totoo naman. I'm devastated about papa's death pero hindi pwedeng makulong ako sa lungkot. I need this too, kailangan kong libangin sarili ko.

"Bar tayo mamaya. Palibre tayo kay Caleb." Wika niya habang nakangisi.

"G." Sagot ko.

Matagal na rin akong hindi umiinom. Susulitin ko na mamaya. Makapaglabas manlang ng kaunting sama ng loob.

"Guys, hindi raw makakapasok si Miss Harm ngayon." One of our classmates said. Nagsiyahan naman ang ilan sa mga kaklase namin, ang iba ay nadismaya.

"Bakit daw?" Tanong ng isang chismosong kaklase ko.

"May personal na lalakarin daw." Sagot namin ng kaklase namin.

Nagtinginan kami ni Sky. Sa tingin niya, parang may alam s'yang hindi ko alam eh.

"Ano 'yon? Nagkakausap ba kayo?" Nagdududang tanong ko kay Sky.

"Hindi," maikling sagot niya. "But these days, nagtataka talaga ako. I often see her with a girl na medyo hawig mo, napag-alaman kong sikat pala 'yong babae, artista pa. Medyo tago nga lang sila, parang ayaw pa magpakita pero nakikilala kong s'ya 'yon." Paliwanag ni Sky.

Kumunot ang noo ko. What? 'Yon ba 'yong tinutukoy ni Miss Harm noong una kaming nagkita? So, this girl is not just her friend.. maybe there's something going on between them and she's famous as Sky said kaya tago lang silang magkita?

"Do you know what's the name of the girl?" I asked Sky. Para kaming tangang nag-uusap tungkol sa isang bagay na out of concern naman namin.

"Free? 'Yan lang alam ko, hindi ko pa triny hanapin sa social media e. Baka screen name niya 'yon."

Kinuha ko agad ang cellphone ko. I opened my social media account and searched for her name. Tinatype ko palang sa search bar ay may pangalan agad na lumabas. Free Ibañez so I clicked it. Ang daming account and pages na lumabas pero inuna kong iclick ang nasa pinakaitaas.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt