Chapter 19: Distant

14.1K 537 115
                                    

Khey's POV

"Nasa'n na?" I asked Carmen.

We're inside a restaurant. Nakipagkita ako sa kanya para makuha 'yong copy ng CCTV na hinihingi ko.

"Why so excited, Khey? Let's eat muna." She said then was about to call the waiter when I spoke.

"Don't waste my time, Carmen." Madiing usal ko. Gusto ko ng makuha 'yong hinihingi ko to stop myself from overthinking. I'm suspecting Sky dahil siya lang ang may nakakadudang nasabi sa'kin noong time na nasuntok ko s'ya.

"Okay, then. Relax." Wika niya at saka binuksan ang shoulder bag n'ya. Hawak n'ya ngayon ang flash drive, kukunin ko sana sa kamay n'ya nang bigla n'yang ilayo. "Ops, not so fast, Khey."

"What the heck?" Inis na usal ko pero tumawa lang ito. "Give it to me!" I exclaimed. Naiinis na talaga ako.

"May kapalit." She said kaya nagsalubong ang kilay ko. Fuck it. Bakit nga ba hindi ko naisip na gagawin n'ya 'to. Hindi ko na masyadong maalala ang lahat ng alam ko tungkol kay Carmen pero may isa akong natatandaan. Hindi siya nagbibigay ng pabor sa isang tao nang walang kapalit.

"Sige, ano 'yon?" I asked her with serious tone.

"My place." She answered briefly and smiled sweetly.

"When?" Malamig ang tonong tanong ko.

"Anytime you want." She shrugged.

"Let's do it now." I said coldly. Wala namang mawawala sa'kin. Madumi na ako so I don't care anymore.

"You missed me that much, huh." She remarked before fixing her things at saka kami lumabas ng restaurant.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang condominium building. Naglakad kami papasok. She's smiling at me seductively whil we're at the elevator.

Pagpasok palang namin sa condo unit n'ya ay sinunggaban n'ya agad ako ng halik. Sinuklian ko naman ang mga halik n'ya. We're kissing each other habang naglalakad kami papunta sa sofa sa living room. I pushed her on the long sofa at saka ako umibabaw sa kanya.

...

I'm scrolling through my cellphone when I remember that I have Miss Harm's number. Nakuha ko 'to sa text messages ni Caleb. Naalala ko kasing nakitext ako kay Miss Harm no'ng nasa bahay niya ako kaya naisave ang number n'ya.

It's been five days since the last time we talked. Also five days since the last time I heard her voice. I miss her so much, sobra, sobra.. pero wala akong magawa kasi ginusto ko 'to.

I'm staring at her phone number. Gusto ko ng pindutin 'yong call pero pinipigilan ko ang sarili ko. Goodness, Khey. Panindigan mo mga desisyon mo. I sighed deeply. Hindi nalang, hindi ko na s'ya guguluhin dahil ako nga mismo ang humingi sa kanya ng pabor na wag na akong lapitan.

Shit! Napamura ako nang ibaback ko na sana sa home page nang dumulas ang phone ko at saktong napindot ang call. Hindi ko na nacancel pa 'yong tawag dahil nasagot agad.

[Hello?] Wika n'ya mula sa kabilang linya. Nakatingin lang ako sa phone ko while the call was on-going. Fuck, her voice.. I miss it so much. Ang sarap pakinggan ng boses n'ya sa tawag. [Hello? Who's this?] Tanong n'ya pero hindi ako nagsalita. Gosh, her soft voice.

Para akong tangang nakatulala lang sa cellphone ko. Hindi ko alam ang gagawin. Should I speak? Makikilala n'ya kaya ang boses ko?

[Uhm, if you're having trouble with the signal, you can just message me your concern. I'll hang up the call-] naputol s'ya sa pagsasalita nang may isang boses pang boses akong narinig. [You okay there, Miss Harm?] Pamilyar ang boses. [Yup, I just have a random caller.]

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن