Chapter XXI

3.3K 244 56
                                    

DESMOND

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESMOND

HALOS WALA namang pinagbago sa Guidance and Counseling Office nang mabalitaang namatay na si Sir Zacharias. Pinag-alay namin siya ng dasal bago kami nagpatuloy sa trabaho namin. Napalitan na rin siya ng bagong guidance counselor kaya wala masyadong impact ang pagkawala niya sa operations namin.

Kung magiging prangka ako, dismayado pa rin ako sa ginawa niya sa akin. Wala naman akong pakialam kung ini-record ni Sir ang scandal niya kasama si Anastacia o ang pagda-drugs ni Cole o ang pamemeke ni Beatrice sa mga resibo. Hindi ko problema ang kanilang problema. Mas concerned ako sa sarili ko. Kapag nalaman ng admin na nandaya ako sa exams, hindi lang ako madi-disqualify sa pagiging student aide. Posibleng ma-expel pa ako rito sa university at magkaroon ng dumi ang malinis kong student record.

Ngunit ano pa bang magagawa ko? Nangyari na ang dapat na mangyari. Imbes na magmukmok ako rito, mas mabuti kong magpo-focus ako sa aking trabaho bilang student aide at campus journalist. Walang magandang maidudulot ang pag-iisip ng mga what if. Malugod kong tatanggapin kung anumang parusa ang ipapataw sa akin. Kahit na gusto kong sisihin si Sir Zacharias, may kasalanan din ako dahil pumayag ako sa alok niya.

"Good afternoon!" bati sa akin ng babaeng estudyante na kapapasok pa lamang sa office. Mahaba ang kanyang buhok at bilugan ang mukha. May dala-dala siyang libro at bottled water na ipinatong sa counter ko. May isa pang bottled water doon na naiwan ng estudyanteng nagpa-counsel kani-kanina. "Itatanong ko sana kung when ako pwedeng magpa-schedule? Kung pwede sana, this week?"

Ni-minimize ko ang Microsoft Word sa screen ng desktop computer at binuksan ang calendar ng mga counseling session. Kapag wala akong ginagawa rito sa office, tine-take advantage ko ang opportunity para makapagsulat ng articles. Minsan na akong nahuli noon ni Sir Zacharias. Imbes na pagalitan ako at pagsabihan na mag-focus sa trabaho bilang student aide, hinayaan niya lamang akong gawin ang gusto ko. Doon ko nasimulang na-appreciate ang kabaitan niya.

Nang mag-resign na siya sa university at pinalitan ng bagong guidance counselor, naging maingat na ako sa pagsusulat. Hindi ko pa lubusang matantiya kung kasing bait ba siya ni Sir o mas istrikto siya kumpara dito. Ayaw ko namang malagay sa alanganin ang pagiging student aide ko. Ngunit sa tantiya ko sa kanya, mukha naman siyang mabait. Hindi ko nga lamang masabi kung papayag ba siyang isingit ko ang pagsusulat habang naka-duty ako. Mas mabuting maging maingat.

Sunod-sunod ang pag-click ko sa mga date na nasa calendar. Halos fully booked na para sa linggong ito. Simula nang maging big issue ang mental health, sunod-sunod na at dumami ang mga estudyanteng nagpapa-schedule sa amin. Ang tatlo sa kanila ay ang mga kapwa suspek ko sa pagpatay kay Sir Zacharias. 'Yon lamang ang natatanging common denominator naming apat.

"Free si Ma'am bukas, four 'o clock, at sa susunod na araw, two-thirty," sabi ko habang patuloy na sa pagtse-check sa schedule next week. "Mas maraming free slots sa susunod na linggo."

"Sige, bukas na ako magpapa-sched. Medyo busy na niya ako next week, eh."

"Pwede ko bang hingin ang name at course, year and section mo?"

Everyone is SuspectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon