Chapter XVI

3.4K 267 32
                                    

DESMOND

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESMOND

MALAKI ANG tiwala ko kay Sir Zacharias. Alam ko na malaki rin ang tiwala niya sa akin. Ako ang kanang kamay niya. Ako rin ang kadalasang nakakaalam sa mga pinaplano niya. Kaya laking gulat ko nang marinig ang recording ng usapan namin sa guidance and counseling office. Ilang buwan na ang nakararaan, pero tandang-tanda ko pa rin.

Hindi ko maisip na magagawa niya 'yon sa akin. Hindi ko rin maisip kung bakit niya iki-keep ang recording sa phone niya. Meron ba siyang intensyon na gamitin 'yon laban sa 'kin pagdating ng araw? Wala na akong ibang maisip na dahilan pa.

Kung susuriin ang conversation namin, hindi ko hiningi sa kanya ang answer sheet. Ni hindi ko nga siya hiningan ng tulong para maipasa ko ang midterms. Siya ang kusang lumapit sa akin. Siya ang nag-offer ng mga sagot. Tumanggi pa nga ako noong una, 'di ba?

Kaso natukso pa rin ako. Gusto kong maisalba ang academic scholarship kaya hindi ko mahahayaang bumaba ang aking grades. Nag-aaral naman ako nang mabuti noong mga panahong 'yon. Kaso dahil sa patong-patong na tasks—pagiging student aide sa guidance office at pagiging writer sa Clarion—nahirapan akong balansehin ang extracurricular at academics ko.

Dapat pala talaga, pinanindigan ko ang pag-hindi ko kay Sir Zacharias. Wala sana akong problema ngayon.

Pero sa tingin ba talaga ng detective, sapat nang dahilan ang pagbibigay sa akin ng answer sheets para lasunin ko si Sir Zacharias? Una sa lahat, hindi ko alam na ni-record pala niya ang conversation namin noon. Wala akong nakikitang dahilan para gawan o kahit pag-isipan ko siya nang masama.

Kung tutuusin nga, mas malala pa ang ginawa ng iba kong kasama sa interrogation roon. Merong isa na may sex scandal. Merong isa na may pot session sa mismog campus. Merong isa na nameke ng resibo para sa liquidation report na i-s-in-ubmit sa accounting office. Mas mabigat ang posibleng motibo nila kaysa sa akin. Kaya kong sikmurain ang ma-expel dahil sa cheating.

"We are still checking the victim's phone for his deleted messages or files," sabi ng detective. "Baka may iba pang bagay roon na magbibigay-linaw sa krimen. We will continue our investigation and we expect that the four of you will cooperate, especially if you really had nothing to do with his death."

Nagbato siya ng tingin sa akin. Ngayo'y may rason na siya para pagsalitaan ako. Meron na rin akong abogado sa tabi ko. Magiging kahina-hinala kung gagamitin ko ang tactic na ginamit ko sa unang interrogation niya sa akin.

"Would you . . ." panimula ni Anastacia, nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakayuko siya, pero iniangat din niya ang kanyang ulo. "Would you be telling the university about these files?"

'Di na ako nagtaka na siya na mismo ang nagtanong niyan. Malaking kahihiyan sa kanya at sa pamilya niya sakaling kumalat ang kanyang video. Malamang mag-drop out na siya at lumipat na sa ibang school. Hindi lang siya basta-basta may scandal. Meron siyang scandal kasama ang isa sa mga college instructor dito sa university.

Everyone is SuspectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon