Chapter I

9.8K 477 153
                                    

ANASTACIA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ANASTACIA

I NEVER thought that I'd be invited to a police station. Marami akong gustong puntahan na mga lugar, but this one's definitely not an item on my bucket list. Yet here I was. Seated in front of an officer's desk. Waiting to be called for the interview.

Kung simpleng case ito ng jaywalking o curfew violation, I wouldn't mind. But I was escorted here dahil sa isang mas mabigat na rason.

I closed my eyes as I sucked in a breath. 'Di ko masabi kung dahil malakas ang aircon o dala 'to ng lamig tuwing gabi, pero giniginaw ang katawan ko. Sleeveless dress ang suot ko kaya my bones felt the chilling breeze. I rubbed my arms with my palms, umaasa na bahagyang mabawasan ang lamig sa katawan ko.

Then I felt a jacket draped over my shoulder.

Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa aking kaliwa. Cole gave me his own jacket. He ran his fingers through his jetblack hair. Our eyes met. Like me, in-invite siya ng pulis para interview-in tungkol sa nangyari sa despedida party. We're not in the most comfortable of situation, pero nagawa pa rin niyang manatiling kalmado at magpakita ng concern sa 'kin.

Hinawakan niya ang mga nanginginig kong kamay. That's exactly what I needed right now. His gaze lingered on me. Kita ko ang pag-aalala niya sa 'kin. "Don't worry, everything will be fine. I'm with you. Always. You know that, right?"

Nagsimulang maglawa ang mga mata ko. Kung 'di pa ako umiwas ng tingin sa kanya, baka tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ugh. I didn't want to cry here! I didn't want people to see my make up ruined and my ugly crying face! Paano pa kaya kapag kinuhanan nila ako ng picture? Baka i-post pa nila sa social media at pagpiyestahan ng haters ko.

Imagine if you witnessed someone die right before your very eyes. Imagine if you became suspected of killing that someone? Mararamdaman mo rin siguro ang nararamdaman ko ngayon. Walang tigil ang mga kamay at tuhod ko sa panginginig, halos 'di ko na nga makontrol.

"May possibility na makulong tayo, pero landian pa rin ang nasa isip n'yo."

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakasalamin na nakaupo sa harapan namin ni Cole. Napangalumbaba siya sa headrest ng upuan at nakatingin sa malayo, pero pasulyap-sulyap siya sa amin. Hindi lang kami ni Cole ang in-invite na sumama sa police station. Desmond also came here with us.

Desmond had that permanent look in his face na parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Baka dahil sa mga mata niyang walang spark? O dahil sa mukha niyang hindi man ine-exercise ang muscles sa pagngiti? Ang sabi ng ilan, the eyes are the windows to our souls. Kapag tumingin ka sa mga mata ni Desmond, wala kang makikita. Baka patay na ang kaluluwa niya.

"Sa bagay, kung wala sa amin ni Beatrice at nasa isa sa inyo ang pumatay kay sir, mabuti pa ngang sulitin n'yo na ang moment na 'to," sabi niya. Nakasuot siya ng polo shirt na naging fashion statement na niya. Laging gano'n ang suot niya kapag nakikita ko siya sa campus tuwing wash day.

Everyone is SuspectWhere stories live. Discover now