Chapter Thirty

88 9 0
                                    

Chapter Thirty: Right?

"It is sad, I will miss you."

Hindi ko alam kung nang-aasar siya o talagang mabait ko siyang kaibigan na mamimiss ako pero sure ako na nang-aasar lang talaga siya sa'kin.

Sasampalin ko siya kapag nakalipat na 'ko doon sa Cardoza Angels.

I just roll my eyes at him and sighed.

Natawa siya at ibinalik ang dokyumento sa may lamesa niya bago niya binalik ang atensyon niya sa'kin.

"I'm happy and I will not miss you." ang laki pa ng ngiti ko pagkatapos.

I have one last shoot for Silas before I move to Cardoza Angels, naguusap lang kami ngayon kung paano namin tatapusin ang kontrata ko sa kanya, sayang naman din yung pera kung hindi ko naman din kukunin para sa huli kong trabaho, right?

I'll complete the job, and then after that, I'll sign with Cardoza Angels.

"You must be that excited to leave your agency, hm?'

"No, excited ako na iwan ka."

Of course excited ako na lumipat pero hinding hindi ko makakalimutan yung mga alaala ko dito sa agency ni Silas.

I had fun, the work was pretty consistent and I worked with people I know and I trust, komportable rin ako sa mga 'di ko kilalang mga modelo.

Mabait din yung manager ko, she helped a lot with my work and schedule, I'm thankful.

I'm sure na 'di na siya ang magiging manager ko kaya mamimiss ko siya.

Tsaka isa pa, model pa rin si Silas kaya makikita ko siya dito, baka nga makatrabaho ko pa siya sa mga shoots o magazines den.

Akala ko nga 'di na siya magmomodel kasi ang dami na niyang kailangang gawin bilang CEO at investor din sa iba't-iba pang mga negosyo niya sa Maynila.

Ako nga nahihirapan na sa pagmomodelo at pagsusulat, 'di na 'ko makatulog dahil feeling ko hindi okay yung nasulat ko o yung storya.

"I'm actually serious, Katerina. Mamimimiss kita."

"Baliw ka ba? Sabihin mo yan sa girlfriend mo, hindi sa'kin."

"Wala pang kami..."

"Doon naman din papunta eh."

"So you do think I have game." he smirks.

Binato ko yung tissue sa tabi ko sa may mukha niya, baliw ba siya?

Tumayo na 'ko at kinuha ang bag ko sa gilid kung saan ako nakaupo.

This is my last time here in this building, I will really miss everything here.

"Samahan na kita."

"Yan ba ang sinasabi mo sa mga babae mo bago mo nakilala si Charlotte?"

"No, only to you, you're my friend."

Napangiti kami sa isa't-isa, ngiting parang naintindihan namin ang isa't-isa, pero bakit parang ang lungkot din?

'Di naman ako aalis?

Dito pa rin naman ako sa Maynila at pwede naman ring kaming magkita 'di ba?

Bumaba kami sa first floor gamit yung elevator, habang nasa elevator kaming dalawa nag-usap kami tungkol sa sinusulat kong libro, he said he wants to be the first one in line for my book signing, natawa na lang ako.

American Boy ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang