Chapter Twenty Eight

58 13 0
                                    

Chapter Twenty Eight: It Can't Be

Years ago, my best friend fell in love with someone who's completely different from her.

Genevieve was the 'bad' girl or the 'bad' influence at our school.

Maraming nagsabi na porket Diamante ang last name niya ay nagagawa niya na ang lahat lahat na pwede niyang gawin.

Like dying her hair pink, not wearing her uniform, not giving a fuck on any of her classes at ilang beses na rin siyang nakipagaway sa mga kaklase niya at kahit mga teachers din namin noon.

She's gone through a lot too.

Her mother died before she even turned one, parang wala ring pake ang tatay niya sa kanya, hindi niya alam kung saan niya ibubuhos ang galit niya kung hindi sa mga kaklase namin at sa teachers.

I don't support it, pinapagalitan ko rin siya pa minsan minsan.

Pero nung nahulog siya sa isang lalaki, doon ko napagkamalan na siguro iba talaga ang epekto ng pag-ibig kay Genevieve.

She changed, she became better and gentler, and she didn't physically fight anyone after she fell for him.

He was different from the guys at NEO back then.

Blonde hair, almost blue eyes, sweet and energetic smile, and he was feminine in some way.

Maraming may ayaw sa kanya dahil sabi nila bakla raw siya o iba siya sa kapatid niya, pero I think he's just trying to be himself and there is nothing wrong with that.

He was the one that changed Genevieve for the better.

Minahal ni Genevieve ang lalaking yun nang husto, sobra sobra talaga.

He became her purpose, her oxygen to breathe, he was the one.

I supported them because they truly deserved each other.

Ano naman ngayon kung hindi sila bagay para sa isa't-isa?

Ang pag-ibig ay pag-ibig, at tsaka isa pa hindi naman siya bakla, he just likes different things at kahit na bakla siya wala namang problema, 'di ba?

Pero hindi naman perpekto ang lahat ng first love, right?

I know that because I've experienced it before.

Hindi ko lang inaakala na isa ako sa magiging dahilan kung bakit nahudlot ang pagmamahalan nilang dalawa.

It turns out na kaya pala unang kinausap ni Ares si Genevieve ay dahil gusto niyang maging kaibigan si Genevieve para maging kaibigan niya rin ako.

It's because he liked me, he's liked me for years.

But it didn't matter anymore because he is in love with Genevieve, he loves her so much.

Naaalala ko pa nung nakipaghiwalay si Genevieve kay Ares at nung umiyak si Genevieve sa tabi ko.

Naramdaman ko yung sakit kasi alam ko yung feeling na yun eh, but to see my best friend to be in such state, to be in so much pain... killed me.

I blamed myself.

Kahit na sinabi naman nila sa'kin na hindi naman ako ang may sala, hindi ko naman na kasalanan yun.

Pero anong mararamdaman ko kapag nalaman mo na ang dahilan kung bakit gustong makipagkaibigan ng lalaking mahal mo sa'yo ay dahil may gusto siya sa matalik mong kaibigan?

American Boy ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon