Ganito lagi ang routine. Magsimula nang mag Maynila si Leo, si Orlando ang taga hatid sundo ko. When his besfriend leave, he take over.

“Mara iwan na kita. Text mo na lang ako kapag hindi ka masusundo ni Elias.” Bilin ni Orly lagi sa akin.

“Okay class dismissed!”

Tinapos ko ang klase ko nang tahimik. Excited akong ibalik ang gamit ko sa bag nang lapitan ako ni Hubert. Ngayon na lang ulit kami ganito kalapit magsimula nang tapatin ko siyang hindi ko siya gustong manligaw sa akin. Hindi naman na siya nagtangkang umulit dahil lagi akong bantay ni Kuya Elias at Orlando.

“Hi. Itʼs been a while.” saad niya.

“H-Hi..”

Alangan pa rin ako sa kanya. Palagi ko silang nakikitang magkasama ni Beatrice. Pero mabuti naman iyon kaysa sa mga 'itʼ girl na nakakasama nito. Ayaw kong manghimasok sa buhay ni Bea pero.. baka kaya ganito na siya ay dahil sa mga kasama niyang panay party at bar hopping ang inaatupag. Hindi pa naman bumabagsak si Bea pero hindi na ito masyadong nakakapasok dahil madalas itong puyat. Iʼm worried. Dahil papunta na siya roon.

“Pwede ba tayong lumabas minsan? Like the old times?”

“Oo naman.”

“Nice. Tatandaan ko yan ha?”

Tumango na lamang ako at sinundan siya ng tingin. I shrugged my shoulder. Baka friendly intention talaga. Hindi ko na masyadong inisip not knowing, that I have a bigger person to face this day.

Pagkahatid ay bumungad sa akin si Tita Emmy. Hindi maganda ang timpla. Nakaabang siya sa paglapit ko ngunit hindi ako humakbang papunta sa kanya. She crossed her arms and raised her brows at me.

“T-Tita. Magandang gabi po.”

Hindi niya ibinalik ang pagbati ko sa kanya. Bagkus ay inanyayahan niya akong umupo sa sofa para mag-usap.

“Kailangan ni Cynthia ng kasama papuntang Maynila ngayon. Pipili siya ng damit para sa Charity Ball na pupuntahan niya sa Lunes.”

“Okay po..” 

Not knowing her point. I agreed. Actually, sinabi na niya ito sa akin nung isang araw pa. Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ulit ni Tita Emmy sa akin.

“I expect you to behave properly, Maraoussia.”

Sa Maynila man ba o dito? I know myself. Maayos ako. Not only when I realize what she meant to those words.

“O-Opo Tita..”

“Kung ganon.. Mag-empake ka na. Susunduin ka ni Cynthia, any minute by now. Dalawang araw kayo doon.”

She stormed out. Ako naman ay nagdala lang ng kailangan ko. Hindi na ako nagdala ng marami.

Lumabas na ako kaagad ng gate matapos ko magpaalam kay Tita Emmy. Ilang sandali lang ay pumara na ako kaagad ng Tricycle papuntang kanto. Pagdating ko doon ay naroon na ang kotseng maghahatid sa akin sa  Maynila.

“Si Cynthia po?”

“Maʼam sorry, hindi raw po makakasama si Cynthia dahil may mahalaga itong pupuntahan. Kayo na lang daw po muna.”

“H-Ha?”

Ngumiti sa akin ang driver at inulit ang sinabi niya na parang hindi ko pa rin ito maintindihan. I dont know why is this happening.
Isinantabi ko na lang ang masamang pakiramdam ko sa lakad na ito.

Pagdating ko ng BGC ay sinalubong ako kaagad ng mga kawani ng Store kung saan nagpabook ng shopping visit si Cynthia.

Again, I chose dresses and accessories  for her. Gamit ang pinadalang card, nagbayad ako. But to my horror.. The card is not working. Ipinadala ko na pa naman sa driver ni Cynthia upang mauna na sa hotel at huwag ng mabasa ng ulan.

BRING YOU HOMEWhere stories live. Discover now