Author's Note

5 0 0
                                    

Finally! After how many weeks. When The Last Dandelion Falls is now completed! Sa ilang araw na sinulat ko ito, hindi ko mapigilan ang lumuha, hindi biro ang naging journey ko dito sa story na ito. Binuhos ko ang sama ng loob, poot, at hinanakit ko para makagawa ng isang tragic story. This is my first tragic story ever at alam kong nagawa ko naman siya nang maayos. Nasatisfy ako mula umpisa hanggang dulo, at talagang may mga araw na sa isang chapter ay umiiyak ako dahil sa bigat ng scenes na sinusulat ko, napektuhan ako ng sobra kaya pakiramdam ko, gusto ko pang magsulat ng bagong tragic story, aabangan niyo iyan. Nawili na akong pumatay ng character at magpaiyak, kaya gagawa ako ulit ng bago. Hindi nga lang ngayon.

This is my first tragic story kaya naman hindi ko muna hinayaan na basta nalang namatay ang bidang babae at sumunod ang bidang lalaki. Ginawa ko muna ay nareincarnate sila, para may happy ending parin silang dalawa. Pero asahan niyo na sa susunod na araw ay wala ng ganoon, basta mamamatay nalang ang isang protagonist at saka the end na kaagad. Ganoon ang scenario sa susunod kong mga tragic stories. Kaya nakaka excite.

Alam kong nagawa ko namang sulatin ito nang maayos, kaya naman masaya ako sa kinalabasan. Balak ko na itong gawing physical book, kaya naman ieedit ko siya kapag may time ako, at ipapasa na sa trusted publishing house ko. Ang Ukiyoto. Ipapasa ko ito kapag may oras na akong mag edit. Huwag kayong mag alala.

Salamat sa nagbabasa, magbabasa at babasa palang. Natutuwa ako sa mga comments ng iba sa spoils ko sa socmed at mapanakit daw ako, at masakit daw sa heart at nakakatrauma daw ang ginawa kong story.

See you sa susunod ko pang tragic story. Natupad ko ang goal ko sa unang unang tragic story ko, sana sa susunod na stories ko pa, mas mapaiyak ko pa kayo.

Maraming salamat sa pagbabasa ng love story nina Asrael at Lauxiana! Mwua!

When The Last Dandelion Falls  now signing off..

When The Last Dandelion Falls Where stories live. Discover now