Special Chapter

9 0 0
                                    

Maria Eleonor Inocencio's POV ( Lauxiana's Mom)

3 years later...

" Sorry, Tita. I broke my promise. But, I want you to know that I  am now happy with your daughter. I am here beside her and watching you, we will guide you and watch you all the time. Sorry po kung hindi na tayo magsasama kagaya ng gusto ni Lauxiana. Sorry po kung sumunod na ako kaagad sa kaniya. Masaya na po ako kasama siya. Hindi ko po kayang wala siya sa tabi ko. Kaya minabuti kong tuparin ang pangako ko sa kaniya na susunod ako sa kaniya para hindi siya mahirapan na hintayin ako doon. I am with her, Tita. We are happy. And we're married. In heaven. We'll see you soon, Tita. We love you."

This is the last letter from Asrael that I received after he passed away. Sumunod nga siya kay Lauxiana. Dahil iniwan niya din ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako na alam kong magkasama na sila sa langit, o maiiyak at magagalit dahil iniwan nanaman ako ng anak na dapat na ituturing ko. Hindi man lang nakapag paalam si Asrael saakin, pero alam kong masaya siya sa naging desisyon niya. Mahal na mahal niya ang anak ko na maging ang buhay niya ay winakasan niya para lang masundan ang anak ko. Bilib ako sa pagmamahalan ng dalawa, hanggang kamatayan ay pinatunayan nila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Bilib ako sa kanila, si Lauxiana na pinilit lumaban para makasama pa nang matagal si Asrael. Si Asrael naman na winakasan ang buhay nang walang pag aalinlangan para masundan at makasama si Lauxiana hanggang kabilang buhay.

Masaya ako sa kanilang dalawa. Masayang masaya ako para sa kanila. Hanggang huling mga hininga nila ay isa't isa parin ang iniisip nila. Bago malagutan ng hininga si Asrael ay panay pangalan ni Lauxiana ang binabanggit niya. At nakangiti pa ito nang mawalan na siya ng malay. He died in a car accident, pero hula namin ay sinadya niyang magpakamatay dahil nakita naman sa investigation na kusa siyang lumiko sa kung saan at doon bumangga ang sasakyan niya.

Ang studio ni Lauxiana ay ganoon parin, kahit na natuyo na ang mga painting na naka lata ay hindi ko parin inaalis doon. Ang opisina naman ni Asrael ay ginawa nilang bahay kung saan naroon ang abo niya. Ganoon ang ginawa ng mga magulang niya.

Nakamasid lang ako sa langit habang iniisip ang dalawang anak ko. Sana masaya sila sa itaas, at binabantayan nila ako. Mag isa nalang akong tatanda, mabuti at nakauwi pa ako at kasama ko na ang mga kapatid ko. Sa tingin ko, dito na ako mamamatay, wala naman na akong ibang gagawin, hihintayin ko nalang din ang oras ko.

Miss na miss ka na ni Mama, anak ko.

Sana magkasama na sila ngayon ni Asrael at ang Daddy niya. Tatlong taon na ang nakalipas pero masakit parin para sa akin, hindi ko parin matanggap na wala na ang anak ko. Siya lang ang kasiyahan ko sa araw araw. Tuwing malungkot ako, nariyan siya para paghandaan ako ng pagkain, pasayahin ako, at kung ano ano pa ang gagawin niya para makalimutan ko ang problema at lungkot ko. Kung magkasama na sila ng Daddy niya, mas mapapanatag ako, alam ko na kahit doon ay hindi siya nito pababayaan, alam kong aalagaan siya doon ng Daddy niya.

Malamig ang simoy ng hangin. Ang sariwa ng hangin na ang sarap langhapin. Napapikit ako sa lamig ng hangin na dumampi sa akin.

" Get it, now!" Napalingon ako sa mga batang nasa likod ko. Naglalaro sila. Babae at lalaki sila. Dalawa lang silang naglalaro. May makakapal na jacket silang suot, nakabonet pa nga silang dalawa. Malamig kasi dito, kaya ganoon ang mga suot namin.

" Why? It's not my fault." Sabi naman ng isang babae sa kaniya. Ang liit niya lang pero ang haba na ng kaniyang buhok.

" You did hit the ball, look!" Mukhang mag aaway ang dalawang bata, kaya naman lumapit ako sa kanila. Ako na mismo ang kumuha ng bola na nahinto sa aking harapan. Natigilan silang dalawa nang makatayo ako sa harapan nila.

" Hi, why are you two fighting?" Mahinahong tanong ko sa kanilang dalawa.

" E kasi po-"

" Stop!"

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. They look familiar. Ang mga mukha nila. May kamukha sila.

Possible kaya iyon?

" May I know what your name?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

" Lauxiana Akisha po." Pagpapakilala ng babaeng bata sa akin. Nanlalaki ang mata ko sa sinagot niya sa akin.

" Asrael Ezio is my name." Pagpapakilala naman ng isang batang lalaki sa akin.

No...this can't be.

" Magkaibigan kayo?" Tumango sila.

" Magkapatid?"

" Hindi po. We're just friends."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng batang babae. Si Lauxiana.

Nareincarnate kaya sila? Bakit magkasama sila ngayon. Malaki ang ngiti nila sa aking dalawa habang nakatingin sila sa akin.

" You look like my Mom." Ani ng batang babae sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti.

Thank you, Lord. Nareincarnate sila at sila paring dalawa ang magkasama hanggang ngayon. Salamat dahil hinayaan mong magsama silang muli at ituloy nila ang kanilang pagmamahaan nang mas matagal pa. Maraming salamat. Panatag na ang loob ko na magkasama na silang dalawa ngayon, at magsasama parin sila hanggang ngayon, at magpakailanman.

" Anak.." Bulong ko sa batang babae na nakangiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko, nakita ko doon na may suot siyang singsing na kasya sa kamay niya.

Singsing na ibinigay ni Asrael kay Lauxiana noong nagpo-prose ito bago nawala ang anak ko.

" Who gave this to you?" Tanong ko sa bata.

" Asrael." Maikling sagot niya habang turo turo ang katabi niya.

Napaiyak ako sa sobrang saya. Hindi ko alam na totoo pala ang reincarnation. At hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay sila parin ang magkasamang dalawa.

" Huwag niyong hahayaang maghiwalay kayo, ha? Mahalin ninyo ang isa't isa at aalagaan niyo ang isa't isa. Mahal na mahal ko kayong dalawa." Sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin bago sila umalis sa harapan ko.

They reincarnated. Nabuhay silang muli para muling magsama at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan...

Ngayon, alam ko na kung bakit nagdesisyon si Asrael na sumunod kay Lauxiana, 3 years ago. Gusto niyang sabay silang mareincarnate ni Lauxiana.

I'm so proud of you and I love you, Mr. And Mrs. Inocencio.

I am Maria Eleonor Inocencio, saying goodbye. Thank you..

Hanggang kabilang buhay...

When The Last Dandelion Falls Where stories live. Discover now