Chapter 19

3 0 0
                                    

Day 8

" Stable."

Napahinga ako ng malalim nang kumalma na si Lauxiana. Inatake nanaman siya at nangyari nanaman ang nangyari noon.

" Kailangan niyong maging handa dahil anumang oras ay babawian na siya ng buhay, hindi namin hawak ang oras niya, hindi natin alam baka 8 days early, titigil na ang aparato niya. Maghanda nalang tayo." Napalunok ako sa sinabi ng Doktor niya. Hindi ba talaga pwedeng magawaan ng paraan? Hindi ba pwedeng ako nalang? Hindi ba pwedeng magkaroon ng himala at mawala bigla ang tumor niya sa kaniyang ulo?

Hindi ba pwede iyon?

" Sa susunod, huwag kayong mangangako kapag alam niyong hindi niyo kayang tuparin ang pangako niyo." Galit na saad ko sa Doktor bago ito umalis sa harapan ko. Tinignan ko si Lauxiana na nakatulala sa kisame ng kwarto, hindi niya man lang ako magawang tignan sa mga mata. Hindi niya na kayang gawin.

Lumapit ako sa kaniya. Tinignan ko ang painting na dinala ko dito na galing sa studio niya. Iyong painting na ginawa naming dalawa. Nagkalat kalat ang painting at halos hindi na maintindihan ang nakapinta doon, ang maayos nalang na nakikita doon ay ang painting ng lalaki, at ang babae ay tila ba naglalaho ang imahe doon.

" Asrael, unti unti na akong nawawala sa painting. Baka nga talagang hindi tayo magkikita sa huling pagpatak ng mga dandelions." Umiling ako sa sinabi niya. At saka ko tinignan ang painting na nakasabit sa kwarto niya dito sa Ospital.

" Baby-"

" We can't meet each other when the last dandelion falls, Asrael. I can feel it." Nanahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung akong reaksiyon nga ba ang ipapakita ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Masyadong masakit para sakin ang sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung makakaya ko ba na makitang naghihirap siya.

" We will meet, Lauxiana. We will meet each other when the last dandelion falls. We will dance together while the dandelions are falling, we will laugh together, while the dandelions are falling, baby.." Namamaos na sabi ko sa kaniya. Tumulo ang mga luha niya sa sinabi ko, ngumiti ako sa kaniya. Tanging mga luha at ngiti na lang ang ibinibigay namin sa isa't isa. Tanging mga mata nalang namin ang tanging paraan para maalala namin ang mga masasayang araw na magkasama kami at hindi pa siya ganito.

Ang mga alaala namin na kailanman ay hindi ko makakalimutan.

" What if we can't meet each other, Asrael? Paano kung hindi ako doon didiretso, paano kung hindi ako doon makakapunta?"

" Susunod ako. Susunod ako kung saan ka pupunta. Susundan kita. Kahit saan pa iyan. Hindi kita pababayaang mag isa doon sa pupuntahan mo." Tumango siya sa sinabi ko.

" Thank you for everything, my love. Salamat kasi minahal mo ako hanggang dulo, kahit na ganito na ako ngayon, hindi ko ako pinabayaan, at nandito ka parin sa tabi ko." Hinalikan ko ang kaniyang noo. Napapikit siya sa ginawa ko.

" Hindi ako kailanman nagsisi na minahal kita, Lauxiana. Wala akong pinagsisihan simula nang makilala kita hanggang ngayon. Mahal na mahal kita, Lauxiana. Alam mo iyan. Hanggang dulo, sasamahan kita. Nandito lang ako."

Nakatingin ako sa painting na ginawa ni Lauxiana. Parang may mali kasi sa painting, noong nilagay namin ito sa frame ay basa pa ang painting. O talagang nakatadhana na mawawala talaga at naglalaho talaga ang image ni Lauxiana sa painting na ginawa namin? Ganito ba talaga ang nakatadhana para sa amin? Ganito ba ang kahihinatnan namin matapos ang ilang taon na magkasama kami ni Lauxiana?

" Anak, kaya mo pa ba?" Tanong saakin ni Tita habang nakatingin parin sa painting. Nakatulog si Lauxiana, kaya wala na akong makausap.

" Tita. Bakit po ikaw? Hindi na kita nakikitang umiiyak simula noong sinabi ng Doktor na kaunti nalang ang araw na makakasama natin si Lauxiana?" Ngumiti si Tita sa akin, lumingon siya kay Lauxiana na mahimbing na natutulog, lumingon na din ako sa kaniya.

" Anak, masakit para saakin, na mawawala ang anak ko sa akin at kukunin siya sa akin pagkatapos ng ilang araw. Naranasan ko na ito noon sa Tito mo, nararanasan ko nanaman ang sakit na naramdaman ko noon noong ganito ang kalagayan ng Tito mo. Tanggap ko na, Anak. Kahit masakit. Sobrang sakit, Anak. Pero kailangan kong tanggapin, kasi wala naman akong magagawa. Mahal na mahal ko ang anak ko na iyan, kaya napakasakit saakin, sobrang sakit. Kaya lang wala akong magagawa." Umiiyak si Tita sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

" Alam ko po, Tita. Kasama niyo ako noong nasa ganitong kalagayan din si Tito noon. Kaya alam ko iyong sakit na naramdaman niyo noon, mas masakit para sa akin dahil si Lauxiana na ang nakahiga dito. Masakit para sakin, Tita. Masakit. Sobrang sakit. Pinangako ko na pakakasalan ko siya pero mukhang hindi na kaya, hindi ko kayang hindi siya makitang naglalakad papalapit saakin habang nakasuot ng wedding dress, Tita. Hindi ko kaya. Hindi ko matutupad ang pinangako ko sa kaniya. Masakit, Tita. Iyong tipong iniisip ko na susunod nalang ako sa kaniya para hindi na rin ako makakaramdam ng sakit at hindi ako mangungulila sa kaniya." Niyakap ako ni Tita habang nakatingin kay Lauxiana.

" Kaya anak, pasayahin natin siya habang kasama natin siya, ha? Gawin natin ang lahat para mapasaya siya. Huwag nating ipapakita na malungkot tayo, kailangan nating ipakita sa kaniya na masaya tayo kahit na ganito ang sitwasyon natin. Ihanda natin ang sarili natin sa anumang bagay na pwedeng mangyari sa kaniya. Lakasan natin ang loob natin para sa kaniya. Magpalakas tayo kasi tayong dalawa nalang ang maiiwan, tayo nalang ang magkakampi sa huli, anak. Kailangan nating magpalakas para kapag sa oras na ipipikit na ni Lauxiana mga mata niya ay magaan ang pakiramdam niya at alam niyang masaya ang mga iiwan niya." Tumango ako sa kaniya.

Niyakap ko si Tita. Hinalikan ko ang kaniyang noo.

" I know, Tita. Salamat po kasi tinanggap niyo ako para sa kaniya. Hinding hindi ko po kayo iiwan kahit na mauunang mang-iwan si Lauxiana sa atin."

" Ma.."

When The Last Dandelion Falls Where stories live. Discover now