Chapter 12

4 0 0
                                    

" Anak! Kausapin mo muna ako! Dali na!"

Ikinulong ko ang sarili ko sa kwarto ko nang marinig at matanggap ko na ang balita sa Doktor ko.

" Ma. Mamaya na po. Ayos lang po ako." Pinakalma ko ang aking boses para hindi mahalata ni Mama na umiiyak ako.

" Hihintayin kita, anak. Nandito lang ako."

Sinabunutan ko ang aking sarili, at saka ko ipinadausdos ang sarili ko pababa at paupo sa sahig ng kwarto ko. Umiiyak ako at pigil lang ang paghikbi ko. Ayaw kong marinig ni Mama na umiiyak ako. Baka mamaya ay maiyak din siya. Ayaw kong mangyari iyon. Gusto ko mang iuntog ang sarili ko sa pader at suntukin ang pader ay hindi ko magawa. Ayaw kong saktan ang sarili ko, para lang maging maayos ako. Alam ko naman na magiging maayos din ako, hindi ko lang matanggap na lumala na ang sakit ko at naging stage 3 na ang brain tumor ko.

Hindi ba pwedeng stage 1 muna? Bakit agad agad naman na stage 3? Bakit hindi muna dinahan dahan, Lord? Ganoon mo na ba ako gustong isunod kay Daddy? Ganoon mo na ba ako gustong kunin diyan? Ganoon mo na ba ako gustong ipataas diyan at papuntahan?

" Argh!!!" Sigaw ko sa sarili ko. Nagdabog dabog ako. Ikinalat ko sa sahig ang aking mga unan at kumot, at saka ko inihagis ang sarili ko sa kama ko, at saka ako doon umiyak nang umiyak. Nabukas na pala ang ilaw at stars sa kwarto ko, napatitig ako doon.

" Magiging isa na din ba ako sa mga bituin sa susunod na mga araw?" Tanong ko sa sarili ko. Nahinto ako sa aking pagiisip nang sumakit ang ulo ko nang sobra. Naiiyak ako sa sakit at halos hindi ko na maidilat ang mata ko sa sobrang sakit nito, ipinukpok ko sa kama ang ulo ko, sunod sunod ito na halos mahilo na ako sa kakapukpok sa ulo ko.

Tumakbo ako sa banyo ko nang naramdaman kong tutulo na ang dugo sa aking ilong. Kumuha ako doon ng tissue at saka ko ito pinunasan. At saka ako naghilamos ng aking mukha. Kailangan kong harapin si Mama. Kailangan ko siyang kausapin at ipakita sa kaniya na ayos lang ako, at hindi ako naaapektuhan sa sakit ko. Kahit ang totoo ay nasasaktan at naapektuhan ako sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi ako nahihirapan para sa sarili ko, nahihirapan ako sa magiging sitwasyon ni Mama at ni Asrael. Nahihirapan ako sa magiging daloy at takbo ng magiging gamutan ko. Alam ko sa sarili ko na kaya ko, at kakayanin ko, sina Mama at Asrael lang ang inaalala ko.

" Anak, kamusta ka na?" Tanong na una saakin ni Mama. Ang sakit. Ang sakit sakit. Nagpractice na ako kanina sa kwarto ko na kapag kausap ko si Mama ay hindi ako iiyak dahil alam kong maaapektuhan si Mama pero hindi ko nagawa. Unang tanong niya palang, naiyak na ako, tumulo kaagad ang luha ko.

Ang hina ko.

Ang hina hina ko.

" Ma. Hindi ko alam kung ayos lang ba ako o hindi. Pero pinipilit kong maging maayos. Ayaw kong maging mahina at kaawaan niyo, kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ako." Paliwanag ko sa Mama ko, baliktad pa ata dahil hindi man lang siya umiiyak, nakangiti parin siya sa akin, at hawak hawak pa niya ang kamay ko.

" Anak, kaya mo iyan. May tiwala ako sayo. Bukas, lilipat na tayo sa Ospital, doon, makikita at maaalagaan ka nila. Sinabihan ko na ang Doktor mo, at bukas na bukas ay doon ka na para matignan ka nila nang mas maayos. Naroon din naman ako kaya hindi kita pababayaan, Anak. Titignan nila kung pwede ka na nilang i-schedule para sa operasyon mo. Ang gusto ko lang, maging maayos ka, at magpalakas ka, anak, ha?" Tumango tango ako kay Mama, at saka ko siya niyakap. Ngumiti saakin si Mama, at saka niya hinalikan ang aking noo, ngumiti ako dahil doon.

" I know, Ma. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko."

Nagtagal ang aming yakapan. Nang matapos kaming mag usap ay hinatid na ako ni Mama sa kwarto ko, nagpaalam na siya na may gagawin pa at aasikasuhin ang gamit na dadalhin namin sa Ospital bukas. Maging ako naman ay nag ayos na din ng gamit ko. Habang nag eempake ay umiiyak ako. Iniisip ko na ang magiging kapalaran ko kapag nasa Ospital na ako. Iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin, kapag nasa Ospital na ako, kinakabahan ako.

" Baby, how are you? Nandito na ako sa Hotel namin." Masayang pagbabalita niya sa akin, napangiti ako sa kaniya. Wala siyang kaalam alam sa aking sakit, hindi ko din naman muna sasabihin sa kaniya.

" Ayos lang. Nag aayos lang ako, ikaw? Magpahinga ka diyan, kumain ka na ba?"

" Yes. Tapos na. Wala ka bang ibang gagawin ngayong gabi?" Tanong niya. Napangisi ako, kahit kailan talaga, napakapilya ng lalaki na ito.

" Wala na. Matutulog na ako kaagad dahil may lakad ako bukas. Ikaw, magpahinga ka na at baka bukas ay busy ka na, hindi ba? Huwag kang magpapalipas ng gutom at alagaan mo ang sarili mo, papakasalan pa kita, Asrael." Panlalambing ko sa kaniya. Napangiti ako, habang tumutulo din ang luha ko, mahal na mahal ko ang lalaking ito, kaya gagawin ko ang lahat para gumaling ako at makabuo kami ng pamilya kasama siya.

" Mahal na mahal kita, Lauxiana. Papakasalan din kita. Pero teka muna." Natigil ako sa ginagawa ko sa sinabi niya.

" Ano iyon?" Tanong ko.

" Saan ang lakad mo bukas? At bakit maaga? Sino ang kasama mo?"

" Si Mama. May lakad kami, pamper day? Ganoon. Kaya maaga, nagpa appointment kami kanina e, kaya maaga kami dapat bukas. Hindi ako pupunta sa ibang lalaki at makikipag kita, okay? Kalmahan mo, Asrael." Tumawa siya sa sinabi ko.

" Alright. Alam ko naman. Hindi na ako mangungulit. Mahal na mahal kita, Lauxiana. Hinding hindi kita iiwan, at maghihintay akong matapos ang project ko bago tayo magpapakasal." Umiyak ako sa sinabi niya.

Mahal na mahal kita, Asrael. Mahal na mahal.

" Alright. Matutulog na ako."

When The Last Dandelion Falls Where stories live. Discover now