Chapter 14

4 0 0
                                    

Day 3

Asrael Ezio Inocencio's POV

" I think that's all. Bukas, saka na natin tignan ang site. Bago tayo magdesisyon."

I smiled before ending the meeting. I was so busy that I can't talk to Lauxiana. Kaya naman tinawagan ko siya kaagad nang makapasok ako sa kwarto ko.

" Baby-" Natigil ako sa pagsasalita nang marinig kong may umiiyak sa telepono at sa linya niya. Alam kong hindi siya iyon, dahil hindi naman siya umiiyak through calls, kapag may problema siya ay sa personal niya iyon sasabihin sa akin.

Si Tita?

" Tita?" Tanong ko.

" Anak, can you come here? Isesend ko ang address kung nasaan kami ngayon, si Lauxiana.." Sa boses palang ni Tita ay alam kong hindi maganda ang kalagayan nila, kaya naman kinuha ko kaagad ang susi ng sasakyan ko, at saka na ako umalis mula sa hotel.

Tumakbo ako papunta sa parking lot, at saka ko pinatakbo ang sasakyan ko. Bakit nasa Ospital sila? Anong ginagawa nila doon? Bakit naroon siya? Bakit naroon sila? Kailan pa? Napapailing ako habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bakit ngayon lang nila ako tinawagan? Bakit ngayon lang nila sinabi saakin?

Anong sakit niya?

" Brain Tumor. Stage 3. And now, she's in coma." Napaupo ako sa upuan katabi ni Lauxiana. Nakahiga ito, at may benda ang ulo niya, naka oxygen sa bibig at saka may mga aparato sa bawat magkabilang gilid namin. Naroon din sa aparato ang heartbeat niya.

Nanlumo ako sa nakita ko at narinig. Hindi ko alam na may ganitong pinagdaraanan si Lauxiana pero kahit kailan ay hindi niya sinabi sa akin, bakit? Bakit hindi niya sinabi saakin? May mali ba akong ginawa para itago niya sa akin ang sakit niya? O tinago niya ang sakit niya dahil ayaw niyang masaktan din ako at ayaw niya akong mag alala sa kaniya?

" Matagal na niyang iniinda ang sakit ng ulo niya, nagdurugo din ang ilong niya, pero hindi niya iyon ipinakita sayo, kasi sinabi niya na ayaw ka niyang mag alala sa kaniya. Naiintindihan ko iyon, Asrael. Pero sinabihan ko siya kahapon, dahil kahapon pa kami narito, sinabi ko sa kaniya na sabihin niya na saiyo na narito siya at kailangan niyang agapan ang sakit niya, pero sinabi niya na sasabihin niya daw sayo, hindi niya sinabi kung kailan, at hula ko, hindi niya talaga sinabi at inamin sayo." Yumuko ako sa harapan ni Tita. Kahapon pa sila nandito?

" Wala po siyang sinasabi sa akin na may masakit siya at may nararamdaman siya. Pinangako po namin sa isa't isa na hindi kami maglilihim ng nararamdaman namin, pero bakit po hindi niya ito sinabi sa akin?" Nanghihina kong tanong sa kaniya. Nakayuko parin ako sa harapan ni Tita. Hinawakan niya ang aking braso, at saka niya ito hinagod.

" Anak, ayaw niya tayong mag alala. Unang araw namin dito kahapon, at saka kahapon, inatake siya. Sumakit ang ulo niya, nahirapang huminga at nanginig ang buong katawan niya. Tapos noong araw na rin na iyon, akala ko ay nakarecover na siya pero nagulat nalang ako nang nabitawan niya ang tubig na hawak niya at wala na siyang malay. Sinabi nalang saakin ng Doktor na na-comatose na daw siya at hindi alam kung kailan siya gigising." Doon na ako natigilan sa sinabi niya. Hindi nila alam kung kailan siya gigising at nakasalalay kay Lauxiana kung gigising pa siya o hindi na.

Napaiyak ako sa sinabi ni Tita sa akin.  Habang inaatake siya. Hindi ko man lang siya nasamahan, hindi ko man lang nahawakan ang kamay niya habang inaatake siya at nilalabanan niya ang sakit niya. Hindi ko man lang siya nasabihan  ng matatamis na salita habang inaatake siya ng kaniyang sakit. Hindi ko man lang siya naalagaan kahit na ilang saglit lang bago siya mawalan ng konsensiya.

Kasalanan ko ito.

" Ano pong sinabi ng Doktor? Ooperahan daw po ba siya? Gagaling pa daw po ba siya?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

" Naka schedule na kung kailan siya ooperahan. Sinabi ng Doktor na kung gigising daw si Lauxiana ay saka na siya ooperahan, at saka na siya magte-therapy para tuluyang mawala ang sakit niya. Kaya sana gumising na kaagad si Lauxiana para matanggal na ang sakit niya. Ayaw kong mawalan ng anak, Asrael. Iniwan na ako ng asawa ko, pati ba naman anak ko, kukunin saakin?" Humagugol si Tita sa harapan ko, lumapit ako sa kaniya para alalayan siya. Niyakap ko si Tita at inabutan ko siya ng tubig.

Tumingin ako kay Lauxiana. Nakapikit lang ang mga mata niya at hindi man lang siya gumagalaw. Wala siyang kahit na anong reaksiyon, dahil nga comatose siya. Mabibigat din ang paghinga niya, kita ko iyon dahil sa kaniyang paghinga, tila ba nahihirapan ako sa sitwasyon niya. Hindi ko alam na makukuha niya din pala ang sakit ng Papa niya. Noong may sakit ang Papa niya hanggang sa mamatay ito ay kasama na ako ni Lauxiana kaya nasaksihan ko ang hirap nilang mag-ina lalo na si Tita. Tapos ngayon, bumalik nanaman ang mga scenario na iyon ngayon.

At si Lauxiana naman ang nakahiga at inaalagaan namin.

" Tita, magpahinga na muna po kayo, ako na ang magbabantay muna kay Lauxiana." Tinulungan kong mahiga si Tita sa sofa na narito, malaki naman iyon, ayaw niya kasing iwan si Lauxiana kaya naman dito na daw siya matutulog.

Hinawi ko ang buhok ni Lauxiana at saka ako ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. Tahimik na ang buong lugar. Paghinga ko lang ang naririnig ko at ang tunog ng aparato niya. At saka isa pa ay ang tunog ng aircon. Ngumiti ako sa kaniya kahit na hindi niya naman ako nakikita.

Alam kong naririnig niya naman ako.

" My love. I am here. You lied to me. You lied, baby. But that's okay. I know the reasons and now, I am happy that I am here with you, by your side, to take care of you. Magpapagaling ka, Lauxiana. Magpapakasal pa tayo, hindi ba? Kaya hihintayin kitang magising." Nanlaki ang mata ko nang gumalaw ang kamay niya.

" Please wake up, baby. I am here. I'll be waiting. I love you."

When The Last Dandelion Falls Место, где живут истории. Откройте их для себя