Chapter 22

7 0 0
                                    

Day 11

" This is so hard."

Bulong ko sa sarili ko. Hawak hawak ko na ang singsing na ibibigay ko kay Lauxiana sa araw na gusto niya nang sumuko at magpahinga. Handa naman ako, handa kaming lahat, kaya lang ay mahirap talagang maisip na mawawala na siya sa aming dalawa anumang araw.

" What the hell is happening?!" Sigaw ko sa mga Doktor nang makitang pinagkukumpulan nila si Lauxiana na  wala nanamang malay at inaayos nanaman nila ang aparato niya na nasa gilid nito.

" Her brain is not functioning well, Asrael. Shut down na ang utak niya." Napaupo ako sa sahig sa narinig ko. Napalunok ako. Paano? Hindi na ba siya magigising? Hindi ko na ba siya makakasama? Ganoon ganoon nalang ba ang mangyayari sa aming dalawa?

" Magigising pa ba siya?"

" Milagro na kung mangyayari iyon, Asrael. Sa loob ng 24 oras, kung hindi pa siya magigising, bubunutin na namin ang aparato niya." Nananahimik nalang si Tita sa tabi ni Lauxiana, bumubulong ito sa tainga niya, wala namang reaksiyon si Lauxiana dahil wala siyang malay.

Umiiling ako.

" Hindi, hindi pwede ito. Hindi pwedeng ganito nalang tayo maghihiwalay, Lauxiana. Hindi pwedeng ganito mo kami iiwan, hindi mo kami pwedeng ganito nalang iwan, hindi ko kaya, hindi.." Iyak ko sa tabi niya. Hawak hawak ko ang kamay niya, ramdam ko ang lamig niyon. Umiling ako.

" Gigising ka pa, Lauxiana. Gigising ka pa, hihintayin kita. Nandito na iyong singsing o, look baby, bagay na bagay ito sa kamay mo, ang ganda ng mga kamay mo kapag suot suot mo ito." Pinakita ko ang box ng singsing na nabili ko kanina nang makalabas ako sa Ospital, pinakikita ko man sa kaniya ay hindi niya naman makikita dahil tulog na tulog siya.

Nagpunta ako ng simbahan dito sa may Ospital, magisa ko lang doon, pagbukas ko palang ng pintuan ay napaluhod na ako sa sahig sa harapan ng altar. Tumulo na ang luha ko, at hindi ko napigilang humikbi. Sobrang sakit. Napakasakit. Walang magpaglagyan ng sakit ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko ito ibabaling, hindi ko alam kung paano ko ito ibabalewala, hindi ko alam paano ko ito makakaya.

" Gigising pa siya, hindi ba? Gigising pa siya kasi papanuorin pa namin ang mga dandelions na nagliliparan at nalaglag sa aming dalawa. Gigising pa siya kasi tatapusin pa niya ang painting na ginagawa niya ngayon. Gigising pa siya kasi sasagutin niya pa ako, magpapakasal pa kami, magpo-propose pa ako sa kaniya. Handa na ako, handa na akong magpropose sa kaniya. Handa na akong bumuo ng pamilya sa kaniya, bakit hindi niyo ako hayaan  na makasama siya? Na makabuo ako ng pamilya, nang masayang pamilya kasama siya? Bakit hindi mo mapagbigyan ang hiling ko sa inyo? Bakit hindi niyo mapagbigyan ang hiling kong makasama siya habang buhay? Mahirap ba yon? Mahirap ba akong pagbigyan?" Hagulgol ko sa harapan ng altar.

" Ito na o. Ganito dapat, hihintayin ko siya sa harapan mo, hihintayin ko siya dito sa harapan, habang umiiyak kasi alam kong siya na ang makakasama ko habang buhay, hindi iiyak kasi wala na siya, na nahihirapan siya. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang naisip mong bawiin at kunin kaagad sa akin! Masaya kami! Masayang masaya kaming dalawa! Bakit hindi mo man lang hinayaan na magsama kami bilang mag asawa at magkaroon kami ng mga anak? Napakadaya mo! Napakadaya!" Nakaluhod parin ako sa harapan ng altar. Boses ko lang ang naririnig sa buong simbahan na maliit na ito. Wala din naman akong pakialam kung may makarinig sa akin, hindi nila alam ang pinagdadaanan ko, hindi nila alam kung anong klaseng paghihirap ang dinadaanan ko ngayon, kaya wala akong pakialam sa sasabihin nila sa akin.

" Napakadaya mo! Hindi na alam kung maniniwala pa ba ako sayo sa mga oras na ito! Kung totoo ka nga, kahit na buhayin mo nalang muna si Lauxiana ngayon, gisingin mo muna siya. Gusto kong makapag paalam nang maayos sa kaniya. Gusto kong masagot niya muna ang tanong ko bago niya ako iwan. Gusto kong makasama muna siya kahit saglit nalang, kahit na kunin mo na siya kapag tapos na kaming makapag usap. Parang awa mo na. Gisingin mo muna siya, hindi ko kayang ganoon nalang niya ako iiwan at walang paalam sa akin. Tatanggapin ko kung kukunin mo na siya kapag nagising siya at makapag usap kami ay tuluyan niya nang ipikit ang mga mata niya. Parang awa mo na."

Nang mapakalma ko ang sarili ko ay agad akong naupo sa mga upuan dito. Nagpunas ako ng luha kaya lang ay mas lalo akong naluha nang maalala kong kapag nga pala umiiyak ako dahil sa mga problema ko ay si Lauxiana ang nagpupunas at yumayakap sa akin, paano na ako kapag nawala siya? Mahal na mahal ko ang babaeng iyon, na kaya kong isugal pati ang buhay ko para lang sa kaniya, kaya kong gawin ang lahat para lang makasama ko siya. Pero paano kung siya na mismo ang susuko para sa aming dalawa? Paano kung siya na mismo ang ayaw akong makasama habang buhay? Naiintindihan kong napapagod na siya, kaya kahit masakit ay tinanggap ko nalang ang kapalaran naming dalawa. Kahit masakit at mahirap tanggapin ay tinatanggap ko nalang, pinipilit ko nalang tanggapin na anumang oras ay mawawala na siya sa akin, nahihirapan din ako, pero mas nahihirapan din si Lauxiana sa kalagayan niya, kaya naman naiintindihan ko kung iiwan niya na ako at magpapahinga na siya. Kung kaya kong sumunod, susunod ako sa kaniya. Para malaman niya at mapatunayan ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Mamahalin ko siya hanggang sa kabilang buhay, walang makapagpapabago sa isipan ko kung sakali mang maisip kong sumunod sa kaniya.

Mahal na mahal ko si Lauxiana. Pero kailangang tanggapin ang kapalaran. Kailangan kong magpakatatag para sa kaniya. Tanggap ko na ang lahat, naghihimtay nalang ako ng tamang panahon sa oras na ipikit niya na ang mga mata niya.

Nagpunas ako ng luha ko, at saka ako sumandal sa upuan ko. Nakatulala akong tumingin sa altar.

" Mamahalin kita hanggang kabilang buhay, Lauxiana."

When The Last Dandelion Falls Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon