Chapter 21

6 0 0
                                    

Day 10

" Clear!"

Sigaw ng Doktor habang inaasikaso si Lauxiana na wala nanamang pulso, tumitigil tigil ang heartbeat niya kaya minu minuto ay tinatawag ang Doktor para buhayin ang aparato niya at buhayin siya, lumalaban naman si Lauxiana kaya nababawi nila ang heartbeat niya at nagiging stable ito.

" Baby.." Bulong ko sa kaniya habang hawak hawak ang kaniyang kamay.

" Anak.." Dinig kong bulong ni Tita kay Lauxiana.

Maya maya pa ay agad naging stable ang heartbeat niya, kaya naman napahinga ako nang maluwag nang makita ko iyon. Hinayaan ko munang ipahinga niya ang sarili niya. Inutusan niya akong kunin ang mga painting materials niya at susubukan niya daw magpinta, hindi ko alam kung anong ipipinta niya pero sinunod ko nalang ang sinabi niya sa akin, pagbibigyan ko na siya sa gusto niyang mangyari.

" Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Lauxiana habang tinitignan siyang pagsama samahin ang ibang kulay ng pintura, habang hawak hawak ang paint brush. Nanginginig ang mga kamay niya, pinipilit niya lang na igalaw ang kaniyang katawan.

" Ipipinta ko ang sarili ko, Asrael. Para sa araw na mawala na ako, at tumagal ang panahon, hindi mo parin makakalimutan ang mukha ko, kabisado mo parin ako." Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya, tumango nalang ako, umupo ako sa tabi niya para makita at mabantayan ang ginagawa niya at maibigay ko din ang mga kailangan niya. Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang mag paint. Noon palang ay iyan na ang hilig niya, iyan din ang dahilan kung bakit kami nagkakilala.

" Kahit naman hindi mo na ipinta, hinding hindi naman kita kakalimutan. Wala akong balak na kalimutan ka, kahit na tumagal na ang panahon, kahit na sobra na akong matanda, hindi naman kita kakalimutan." Ngumiti siya sa sinabi ko, at saka siya nagpatuloy sa pagpipinta.

" Sigurado ka bang hindi mo ako makakalimutan?" Tumango ako sa sinabi niya.

" Yeah. Hinding hindi, Lauxiana. Ipagpatuloy mo na iyan para matapos mo na." Simple at normal lang ang pag uusap namin sa araw araw. Nakangiti nga siya na parang walang nangyaring masama sa kaniya kanina. Nagising siya kanina na nakangiti, at nakatingin sa aming dalawa ni Tita.

" Asrael, alam mo? Ayos lang sa akin na kapag nakapag pahinga na ako at nasa maganda at maayos na akong lugar, hahanap ka ng ibang babae mo. Iyong babae mo na hindi ka iiwan, papakasalan ka, makakasama mo habang buhay, iyong ganoon." Umiling ako sa sinabi niya, tumayo ako para halikan ang kaniyang labi.

" Lauxiana, hinding hindi. Diyan ka nagkakamali. Kahit na hindi na kita kasama at iiwan mo na ako, hindi ako maghahanap ng kahit na sino, walang papantay sayo, at wala akong balak na palitan ka, kahit kailan. Hindi ko hahayaan na magkaroon ng ibang babae sa puso ko, ikaw lang ang nandito, Lauxiana." Tinuro ko pa ang puso ko, para maipakita na siya lang ang laman niyon, ngumiti siya sa sinabi ko.

Tinignan ko ang ginagawa niya. Pinipinta niya talaga ang sarili niya, at nangangalahati na siya kaagad doon, napakagaling na pintor talaga nitong mapapangasawa ko. Sana.

" Paano na ang mga pangarap mo-"

" Baby, please. Pakakasalan kita. At sayo ko balak ibigay ang kung anong mayroon ako ngayon at sa susunod na mga taon pa. Sayo lang ako. Ginagawa ko ang lahat para sayo, huwag kang mag iisip ng ganiyan, Lauxiana." Hindi siya tumingin sa akin, at saka siya nagpatuloy sa pagpipinta.

Kumain muna ako habang hinihintay at pinanunuod siyang magpinta. May mga naka set kaming camera, para mairecord ko pa ang mga araw na kasama ko siya. Masaya siya habang nagpipinta, makikita sa mukha niya na masaya siya at gusto niya ang ginagawa niya. Masaya naman si Tita na makitang nagpipinta si Lauxiana nang makabalik siya sa kwarto namin.

" Anak, hindi ba nagrequest ka sa akin na kakainin mo ang mga paborito mong pagkain? At nandito na din ang mga libro at CD's ng mga paborito mong palabas at stories." Napalunok ako. Gusto niyang gawin ang mga bagay na gusto niya, kaya naman pumayag kami. Gagawin niya ang mga hilig niya habang may oras pa siya. Habang may natitira pa, para sa oras na wala na siya at ipipikit na niya ang mga mata niya, wala siyang pagsisisihan at masaya siyang lilisan sa mundong ito.

Funny, right? Basta nalang namin siyang hinahayaan na gawin ang mga ganito. Hindi ba dapat ay iniiyakan namin siya? O kaya naman ay tatabi kami sa kaniya habang natutulog? Pero hindi e, hinahayaan lang namin siya sa mga gusto niya. Simula pagkabata, iyan na ang hilig niya, kaya naman hahayaan namin siyang gawin iyan hanggang sa huling araw niya.

" Salamat, Ma. Kasi hinahayaan niyo ako. Wala akong pagsisisihan kapag aalis na ako. Hindi niyo ako pinababayaan at hindi niyo ako hinahayaang isipin ang mga posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Basta kapag kaya pa, gagawin ko pa ang mga gusto kong gawin, at syempre nang kasama ko kayo." Nagyakapan sina Tita at Lauxiana, ngumiti naman ako sa sinabi niya.

" Sige lang, Anak. Hahayaan kita, hahayaan ka naming gawin ang mga gusto mo."

Inabutan ako ni Tita ng chips na gustong gustong pagkain ni Lauxiana, napapangiti siya habang kinakain iyon, nahawa din ako sa ngiti niya. Nakakataba naman ng puso na makitang nakangiti siya at walang pangambang nakikita sa mga mata niya, hindi niya iniisip ang mga mangyayari sa susunod na araw.

" Anak, sinabi saakin ng Doktor na bumababa nang mas lalo ang vital signs at lahat ng resulta ng lab tests niya. Kaya sooner or later, you know what I mean." Tumango ako sa sinabi ni Tita sa akin.

Lumingon ako kay Lauxiana na nagpipinta parin at kumakain ng chips na paborito niya.

" I know, Tita. Handa po ako sa anumang mangyayari-"

" Nakahanap ako ng spot na may mga dandelions, Anak. Pwede mo siya doon ilabas kung minsan para masilayan niya ang mga dandelions sa huling pagkakataon. Ipapaalam nalang sa Doktor na ilalabas natin siya." May inilabas akong box sa bulsa ko, naluha si Tita nang makita iyon.

" Tita. Magpo-propose parin po ako kay Lauxiana. Sa mga susunod na araw."

When The Last Dandelion Falls Where stories live. Discover now