Chapter 4

10 2 0
                                    

" Yes, Ma'am. I am working on with that, kaunting panahon nalang matatapos ko na ito."

Nakangiti kong sambit sa kaharap ko, ito nga pala ang nagpapagawa saakin ng afterlife painting.

" It's actually nice, Lauxiana. Hindi ako nagkamaling ikaw ang pinili ko." Puri saakin ng client ko. Napayuko naman ako at saka napangiti sa sinabi niya.

Natutuwa talaga ako kapag pinupuri ang gawa ko, nakakataba siya ng puso.

" Thank you also for trusting me, Ma'am. I'll inform you once the artwork is finished." Ani ko sa kaniya. Hinawakan niya ang aking likuran habang naglalakad kaming dalawa palabas sa bahay ko, she is an old lady, namatay na ang asawa niya kaya kasama sa painting ang asawa niya habang naglalakad sa tulay papunta sa kabilang buhay.

They truly love each other, I think. 

" I'm going, Lauxiana. Bibisita nalang ulit ako kapag tapos na at ipipick up ko na, maraming salamat."

" Salamat din po dahil nag abala pa kayong bilhan ako ng makakain, ingat po kayo pauwi."

Kumaway ako nang makalabas na sila sa gate. Napangiti ako nang makaalis na siya. Her Husband died, at iniisip niya na nasa afterlife ang asawa niya at hinihintay siya doon, kaya naisipan niyang magpagawa ng artwork saakin, hindi naman siguro ako nabigo dahil nasiyahan naman siya sa ginawa ko, kaya naman alam kong nagawa ko nang maayos ang trabaho ko.

Napangiti ako.

" Did she liked it?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot saakin ni Asrael, napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa biglaan niyang paglabas.

Tumango ako.

" Yeah, she likes it. Bibilisan ko nang tapusin para makuha niya na. Iniaabot niya na sa akin ang bayad kanina pero sinabi kong hindi ko muna tatanggapin hangga't hindi ko pa natatapos." Paliwanag ko kay Asrael, ngumiti naman siya saakin at saka siya uminom sa kape na hawak hawak niya.

This will be a hectic day for the both of us. Both of us are busy, but we have time for each other naman at night.

" That's good. You have your next client when you finished that, right?"

" Yes. We'll talk later about the painting that she wants. Kaya aalis ako mamaya."

Isa isang artworks lang ang ginagawa ko, hindi ko sila ipinagsasabay sabay dahil maghahalo halo ang ideas sa utak ko at pangit na ang kalalabasan, they are willing to wait naman, kaya okay iyon para saakin, nakakatuwa dahil handa daw silang maghintay basta matapos ko ang isang artwork na gusto nilang gawin ko.

" Hello, Ma'am. Good Morning." Bati ko sa ka-meeting ko nang makarating ako sa opisina niya.

Nakangiti siya saakin, inabutan naman ako ng mga tauhan niya ng kape.

" Good Morning. May gusto sana akong ipagawa sayo, I can wait naman kung kailan matatapos." Napalunok ako. Okay, this is it.

May ipinakita siya saaking picture, at saka niya ako tinignan.

" This one. Gusto kong i-paint mo ito." Tinignan ko ang ipipinta ko. It's a garden full of different kinds of flowers, tapos may isang malaking Lion sa gitna ng garden. Sa tingin ko, madali lang naman ito, at saka more on flowers lang naman siya e.

Tumango ako nang matapos kong makita ang idea tungkol sa gagawin kong artwork.

" Kaya naman po, Ma'am. Kung okay din po ay pasend sa email ko ang litrato na iyan para may basehan po ako." Ngumiti siya saakin.

" Sure. I can send it later. May iba ka pa bang ginagawang artworks as of now?" Tanong niya saakin. Umayos ako ng upo, at saka ako tumango sa tanong niya.

When The Last Dandelion Falls Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz