Chapter 01

36 4 0
                                    

" Dandelions for you, my love."

Napangiti ako sa bouquet ng dandelions na ibinigay at iniabot saakin ni Asrael, paboritong paborito ko talaga ang dandelions, kaya naman tuwing inaabutan ako nito ni Asrael ay tuwang tuwa ako.

" Thank you so much, Asrael. Panibagong mga ilalagay nanaman sa vase." Biro ko pa sa kaniya, ngumiti siya saakin.

Hinawakan niya ang aking kamay, at saka niya ito hinalikan.

" I know you'll like them, baby." Ani Asrael sa aking harapan, ngumiti ako sa sinabi niya.

" Anyways, sweetheart, may lakad tayo mamaya with my family, sasama ka doon, hindi ba?" Tumango ako sa sinabi niya, at saka itinuro ang dress na gagamitin ko para sa family dinner mamaya.

Nilingon niya ang aking damit.

" That's my clothes for later. What do you think?" Tinignan niya ang aking damit na nakasabit sa closet ko, at saka siya tumingin saakin.

" It will suit you, as always, Lauxiana. Kailan may damit na hindi bumagay sayo?" Ibinaba ko sa kama ang binigay niyang bulaklak at saka ko siya niyakap nang nakangiti, hinalikan niya ang aking leeg, napapikit ako sa ginawa niyang iyon.

Ang lakas talaga ng dating saakin ng lalaking ito kahit kailan.

" Wala ka bang gagawin ngayon? Ang aga mo atang nagpunta dito?" Hinawakan niya ang aking mga kamay, bago kami bumaba sa kusina ng bahay ko. Binati kami ng mga kasambahay na naroon, ngumiti at bumati naman ako sa kanila pabalik.

" Pinagluto kita, alam kong tanghali ka na magigising dahil sa trabaho mo." Dalawa ang trabaho ko, isang artist at isang writer.

Nagpipinta ako at saka ko ito ibinebenta, malaki naman ang kita ko sa mga ganoon, dahil magaganda din naman daw ang gawa ko, kaya malaki sila magbayad sa mga gawa ko at sa akin. Sinusuportahan naman ako ni Asrael sa gusto ko, kaya masaya ako habang ginagawa ko ang hilig ko, kasama siya.

" Hindi ka pa ba tapos sa ginagawa mong painting? Ang tagal mo nang ginagawa iyon." Ani Asrael habang sinasandukan ako ng pagkain ko, nagkakamot naman ako ng aking mga mata, inaantok pa talaga ako.

" Hindi pa, wala namang due date, kaya ayos lang daw na matagalan, malaki din kasi ang pinapapinta, kaya nahihirapan ako." Kinuha ko ang pagkain ko at saka ako kumain, napangiti ako sa sarap ng luto.

Tinuro ko ang pagkain ko, at saka ko tinanong si Asrael.

" Ikaw ang nagluto?"

" Yeah."

" Anong tawag sa painting mo na iyan?" Tanong saakin ni Asrael nang makapunta kami sa studio ko, ipinasilip ko sa kaniya ang aking ipinipinta ngayon.

Malaki ang bayad dito saakin, kaya naman ingat na ingat ako sa pag aayos.

" Afterlife. Mapaniwala kasi sa reincarnation ang nagpapagawa saakin, ayan, ipinagawa niya saakin." Tumango siya. Lumapit siya sa ginagawa ko, makalat ang studio ko, palagi naman, dahil nagkalat ang mga pintura at paint brushes ko.

Nilapitan niya ang ginagawa ko.

" Afterlife? How about you? Naniniwala ka ba na kapag namatay ka, mapupunta ang kaluluwa mo doon? At makikita mo ang mga kamag anak mong namatay doon?" Sunod sunod na tanong ni Asrael saakin, napakibit balikat ako sa tanong niya at saka ako lumapit sa kaniya.

" Hindi. Hindi ako naniniwala. Pero kung totoo man, kapag namatay ako, ikaw ang makikita ko doon at ikaw parin ang makakasama ko doon." Ani ko.

" I believe in reincarnation, Lauxiana. Hindi mo ba nababalitaan ang ibang artista na may kahawig na dating mga yumao na? At saka-"

When The Last Dandelion Falls Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon