Chapter 36: Happy Ending?

Start from the beginning
                                    

"Finally, it's over," she whispered. I smiled, a smile of relief. Yes, baby, it's over now. Humarap s'ya sa'kin and kissed my forehead. "I love you, baby." She sincerely said.

"I love you more, Khey." I sweetly replied. She held my hand saka kami naglakad paalis sa building, paalis sa gulo. It's our happy ending now, baby.

...

Khey's POV

Naghahanda kaming umalis ngayon ni Harm para magbakasyon. It was supposed to be Harm and I only but she invited our friends at sa kasamaang palad ay sumama sila.

Three days lang ang nakaset na vacation namin dahil next next week ay resume of classes na.

"Is everyone ready?" Harm asked.

"Yes, Miss Harm!" Niks attentively answered.

"Pasok na kayo sa van." She said. Sumunod naman ang lahat. Lady boss talaga itong girlfriend ko.

Kasama namin si Miss Avilyn, Free, Niks, Saji at Mica. Si Carol ay hindi makakasama dahil kailangan niya raw alagaan ang anak n'ya. Nakakapagtaka ngang hindi na s'ya pinilit ng mga kaibigan n'ya o kahit mag-offer na isama nalang ang anak n'ya.

Dito kami naupo ni Harm sa pinakalikod. May kasama kaming dalawang driver na magsasalitan sa pagmamaneho dahil aabutin daw kami ng halos 7 hrs sa byahe. Pupunta kami sa isang resort na pagmamay ari ng kakilala nila Harm. We'll stay there for three days saka kami pupunta sa iba't-ibang pasyalan malapit sa lugar.

"What's that?" Tanong ko kay Harm habang nakatingin s'ya sa phone n'ya na parang may planner.

"It's our itinerary for the trip." She showed me her phone. Binasa ko 'yon. Sunod-sunod ang mga activities namin.

"Dapat ba sundin natin 'yan?" Inosenteng tanong ko.

"Not really. It still depends." She answered boredly.

"Bawal ba tayo magstay nalang sa room?" Nakangising tanong ko. Pinagtaasan n'ya ako ng isang kilay.

"Maawa naman kayo sa'ming mga single!" Biro ni Niks na nakaupo sa second row ng upuan, katabi nito si Saji. Ang magjowing si Free at Miss Avilyn naman ay kapwa tulog habang magkasandal ang ulo at balikat. While si Mica ay nakasuot lang ng headset habang nakatingin sa labas ng bintana.

Single pala si Niks? Parang may something sa kanila ni Saji e pero siguro'y ganon lang talaga sila ka-close.

"Hanap ka nalang ng chix doon Niks!" Biro ko pabalik.

"Ayaw nyan manchix, may hinihintay." Kunyari ay bulong ni Saji kahit katabi lang naman n'ya si Niks at siguradong naririnig n'ya.

Nag-unat naman si Niks. "Kainip nga e. Biruin mo ginhost ako for the second time around." Nagbiro ulit si Niks pero ramdam kong may sakit sa sinabi n'ya.

"Is she alright?" Mahinang tanong ko kay Harm.

"Yup, she doesn't want to talk about it further kaya hindi na kami nagtatanong." Sagot naman ng katabi ko kaya tumango lang ako. "Matulog muna kayo, the ride will be 7 hrs." Paalala ni Harm sa kanila.

"You too, couz. 'Wag muna kayo magharutan inside the van." Maarteng wika naman ni Saji.

"Whatever," maarteng sagot din ni Harm but I know she's just joking.

"So ano nang sagot sa tanong ko?" Pagbabalik ko sa topic pero sa mas mahinang boses nalang dahil mukhang matutulog na nga sila.

"We can't stay inside the room for three days, Khey." Agad na sagot ng girlfriend ko.

 𝐓𝐡𝐞 𝐕𝐢𝐥𝐥𝐚𝐢𝐧'𝐬 𝐇𝐞𝐫𝐨 [Herero Series #3]Where stories live. Discover now