Chapter 23

79 5 0
                                    

Chapter 23: Lunch

Criziah's PoV

"Bye Shi! Shi you lheyther!"may laman ang bibig na sigaw ni Scarlett, ayan nabulunan tuloy.

Buti nalang may hawak na tubig si Mau na iinumin nya sana pero naagaw na agad ni Naomi at binigay kay Scarlett.

Natawa ako ng nanlaki ang mata ni Mau pero hindi naka-angal. Well, anong magagawa nya eh amazona ang dalawang yun.

"Okay!"sagot ko lang at naghiwalay na kami ng daan.

Ang Section G papunta sa Cafeteria habang ako ay papunta kay Auntie dahil lagi naman kaming sabay mag-lunch--wait.

Napatigil ako sa gagawin sanang pagpasok sa elevator sa main building ng may na-realize ako.

Geez! Wala na nga pala si Auntie dito.

Bakit ko ba nakalimutan?

Temporary President nga pala muna ang nasa office ni Auntie.

Napa-buntong hininga ako at natampal ang sarili kong noo bago tumalikod na sa elevator at lumabas na ng building para pumunta sa cafeteria.

Good thing hindi ako ignorante sa structure ng campus o kung nasaan yung mga facilities ng school dahil dito ako nag-aral simula nung 1st year ako.

Ang hindi ko lang talaga alam sa school na toh ay ang tungkol sa Section G. Kung kelan yun nabuo at kung bakit pinayagan ni Lolo, na syang Chairman at Leader ng School board.

Nakarating ako sa Cafeteria at hinanap agad ang Section G pero hindi ko sila nakita.

Nakakapagtaka. Ang alam ko magkakasama silang pumunta dito kaya bakit hindi ko makita kahit isa sa kanila?

Pinagkibit-balikat ko nalang yun at dumiretso na sa counter.

Gutom na ko eh.

Tutal naman hindi ko sila makita, siguro kakain nalang ako ng tahimik at mag-isa.

Pumila na ako at tumingin sa malaking menu board na updated kada-araw base sa tinitinda nila.

Abala akong namimili ng oorderin ko habang sumasabay sa galaw ng pila ng biglang may humawak sa braso ko.

Gulat akong napalingon at halos masampal ko ang lalaking nakangisi.

"Hi."nakangisi nyang sabi at hindi parin binibitawan ang braso ko.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko sya.

Jeez! Sya yung bastos na lalaki sa likod ng building namin!

"L-let go of me."I managed to say.

I felt a chills down my spine.

The mere sight of him is making me uncomfortable.

Pero imbis na bumitaw, ngumisi lang sya.

"Oh? But I don't want to?"he stubbornly said while grinning.

Gusto kong tumakbo palayo pero mahigpit ang pagkakakapit nya sa braso ko kaya hindi ako makawala.

"Oy C!"nakahinga ako ng maluwag ng narinig ko ang pamilyar na boses, Gino.

"Why didn't you tell us that you're coming to the cafeteria?"a familiar voice of a girl and I almost cry. It's Scarlet.

"Hey, what's wrong?"another voice and I know it's Jelo. Gusto ko silang tingnan pero hindi ko magawa dahil hawak parin ng lalaki ang braso ko.

"What are you doing?"nagulat ako ng marinig ang cold na boses ni Mr. President sa likod ko.

Section-G (On-Going)Where stories live. Discover now